NOTE: Last five chapters to go. Thank you so much for reading, everyone! Please do not forget to VOTE and COMMENT.
Chapter 43: Three Long Years
Kumalabog ang puso ko nang makita ko ang pangalan ni Mommy sa screen. Nakita kong mahigit sa lima na ang missed calls niya sa akin. Hindi ko namalayan ang cellphone ko. Sinagot ko ang tawag.
Masyado lang talaga akong busy ngayong taon. Puro majors na ang mga subjects ko at lahat ng iyon ay mahihirap. May pagkakataon pa ngang gusto ko ng mag-shift sa sobrang hirap. Mabuti na lang at napigilan ako ni Kevin.
"Hello, my?" Bungad ko.
"Allison!" Utas ni Mommy sa kabilang linya.
"Po? Sorry, busy lang po talaga ako ngayon sa studies. Puro majors kasi kami ngayon, my, 'e." Inunahan ko na siya.
"Wala ka na bang balak mag-model ulit? Kinukuha ka ulit ni Mrs. Pezquina." Malungkot ang tono ng boses ni Mommy.
Simula ng umalis ako sa pagmo-model tatlong taon na ang nakakalipas ay panay pa rin ang pilit sa akin ni Mommy na bumalik. Isa lang naman ang lagi kong sinasagot.
"I'll think about it po pero baka hindi muna. Focus po muna ako sa studies ngayon." Sagot ko.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
Pagkatapos ng tawag kong iyon ay bumalik na ako sa pagco-concentrate sa ginagawa ko. Sumasakit na ang ulo ko sa kaka-isip ng mga bagong ideya. Nasaan ba ang boyfriend kong si Kevin? Ang alam ko partner kami dito ha!
Luminga ako sa paligid para hanapin siya. Nakita kong nakangisi siyang papalapit sa kinauupuan ko.
"Bakit nakasimangot ka nanaman?" Bungad niya sabay lapag ng mojos, twister fries at juice sa harap ko.
"Hindi ko na alam kung ano ang susunod!" May halong frustration sa tono ng boses ko.
"Sinabi ko naman kasi sa'yong ako na ang gagawa, diba?"
Kumuha ako ng twister fries at sinubo ko iyon.
"E ayoko naman ng ikaw nanaman ang gagawa. Gusto ko may natutulong ako para alam ko din!" Giit ko.
Sa apat na subject ko ngayon na puro major ay lagi kaming magka-partner at napapansin kong tuwing may activities na pinapagawa sa amin ay umaasa lang ako sa kanya. Alam ko naman ang mga gagawin pero mas may alam siya kaysa sa akin kaya naman siya ang madalas na gumagawa.
"Edi tuturuan kita." Uminom siya ng juice. "Tsaka malapit na palang matapos 'to. Tama naman, equation nalang ang kulang."
Inabot niya sa akin ang juice na iniinom niya at uminom din ako dun. Hindi ko talaga gusto ang apple juice na siyang favorite naman ng lalaking 'to.
Hawak niya ngayon ang pencil at busy siya sa pagtapos ng activity namin. Hay, siya nanaman ang gagawa. Wala naman yata akong choice? Hindi ko alam ang parteng iyon!
"Sabi ko sa'yo pineapple juice ang bilhin mo e!" Sambit ko.
"Wala na kasi." Kumamot siya sa kanyang batok. "Kaya apple na lang ang binili ko para close enough sa pineapple na gusto mo. Ayos ba?"
Natawa ako sa sinabi niya. Loko-loko talaga 'to.
"Tse! Ang sabihin mo, favorite mo ang apple juice at hindi mo gusto ang lasa ng pineapple kaya apple ang binili mo." Giit ko.
"Hindi nga. Kulit mo."
"Oh.." Sinubuan ko siya ng twister fries dahil mahirap na baka madumihan ang ginagawa niya.
BINABASA MO ANG
Never Had I Ever
RomanceCrescent University. Sa ekwelahang ito ay mayroong pinakahihintay na "laro" ang mga estudyante taon-taon na tinatawag na NEVER HAD I EVER. Sa larong ito, face your fears ika nga. Gagawin mo ang isang bagay na hindi mo pa nagagawa kahit kailan. Kaya...