Chapter 14

1.3K 36 1
                                    


Chapter 14: Closer



Maaga akong nagising kinabukasan. Himala yata. Medyo late na din kasi akong nakatulog kagabi.

"What happened to you, Allison?" Nagtaas ng kilay sa akin si Lauren.

Anong problema ng isang ito?

"Nothing?" Nagtataka kong tugon atsaka bumangon sa kama habang tinutupi ang mga kumot na ginamit ko.

"Are you broken hearted?" OA na pagkakasabi niya at nagawa pa akong yakapin.

Ang weird niya, ha. Wala namang nangyari sa akin bukod sa... kahapon. Bumitiw ako sa pagkakayakap niya sa akin dahil parehas pa kaming hindi naliligo at nagto-toothbrush. Kakagising niya lang rin kasi.

"What are you talking about? Could you please stop being so clingy! Ang bad breath mo baka mahawa pa ako sa'yo," Kailan pa nakahawa ang bad breath sa pagyakap? Bobo mode strikes!

"It's okay, Allison. Kahit nilait lait mo ako ngayon, okay lang. Let your feelings out my bestie. May problema ka ba? Boys? Money? What?" Sambit nito habang hawak-hawak parin ang magkabila kong braso.

"What the hell, Lauren. Ang arte mo! Mas maarte ka pa sakin. Come on! What are you talking about?" Medyo iritado kong sambit.

Hindi ko naman kasi maintindihan ang sinasabi niya. Wala akong problema bukod sa nangyari kahapon pero hindi naman talaga iyon problema. Maybe this is a wake up call for me. Should I stop pursuing my modelling career?

"Aren't you going to spill it out? You obviously have a problem by just looking at your eyes, I can say that you cried hella hard last night." Sambit niya.

Mabilis pa sa alas quatro ay nanalamin ako.

"What the hell!" Ako naman ngayon ang OA. "Anong nangyari sa mata ko!"

Parang namamaga ang mga mata ko dahil sa sobrang pag-iyak ko kagabi.

"Akala ko ba best bitches tayo? Anong nangyari?" Nag-aalala niyang tanong.

Sabay kaming napatingin ni Lauren sa pintuan dahil may kumakatok. Agad na bumaba si Lauren mula sa first deck ng aming dorm para tignan kung sino iyon. I bet that's the delivery guy from our pre-ordered breakfast from a well-known pancake restaurant at Crescent piazza.

Hindi nga ako nagkamali dahil maya-maya lang ay umakyat na si Lauren dala ang breakfast namin na naka-tray atsaka ito ipinatong sa 'di kalayuang lamesa.

Inilapit niya ang table sa kama ko at naglagay din siya ng mauupuan niya.

"Okay make kwento."

Nanlaki ang mga mata ni Lauren habang nagku-kwento ako sa kanya. Kanina ko pa siya pinapatahimik dahil hindi ko maituloy tuloy ang kwento dahil sa mga side comments niya.

"I swear to heavens and monkeys, kapag nakita ko yang Mrs. Pezquina na iyan... ugh!! I will murder her eye balls for you!" Nang gigigil nitong sambit sabay subo ng pancake.

"Kahit na ganun siya sa akin ay idol ko parin siya." Sagot ko.

"Even though, Allison. Payag ka ba na ganun lang? If you would say yes I would spill this chocolate to you. Are you stupid?" Stress na pagkakasabi niya.

"I don't really know. I don't have plans, yet. Pero siguro tama nga yung sinabi niya 'no? Baka hindi talaga ako magaling."

"Anong hindi magaling! You are the best, Allison! And I'm not saying this because besties tayo but I just want you to know that you always do well and the best kapag nagmo-model ka. Wag kang maniwala sa Pezquina na yun. Lagot yun sa'kin kapag nakita ko siya. I will seriously murder her eye balls!!" Sambit niya na nagpagaan ng loob ko.

Never Had I EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon