Chapter 24

1K 36 5
                                    


Chapter 24:  The Best Friend


Nanatiling ganun ang posisyon namin makalipas ang ilang minuto. Hindi parin tumitigil ang dibdib ko sa paghuhumarentado. Mabuti na lang talaga at nagagawa ko pang tumayo ng tuwid kahit na ang totoo ay nanlalambot ang mga tuhod ko.

"Sky," Sambit ng boses ng isang babae na nasa harapan namin. Kumalas ako mula sa pagkakayakap ni Sky. Ganun din siya.

Nakita ko ang pabalik balik na tingin ni Blue sa aming dalawa ni Sky. May halong pagtatanong ang mga tingin na ibinigay niya sa amin.

"Bakit, Blue?" Casual na tanong ni Sky kay Blue. Nagawa niya pang ngumisi.

"Diba may usapan tayong tuturuan mo akong tapusin ang project ko sa major?" Tanong niya. May halong tabang ang kanyang boses.

"Ah, oo nga pala. Muntik ko ng makalimutan!" Sambit ni Sky.

"Kung ganon ay tara na!" Medyo bugnot na anyaya ni Blue kay Sky.

Ngayon ay masasabi ko lang na talaga palang nakakairita ang babaeng ito. May pagka-bossy at mainitin ang din ang ulo na akala mo ay laging inaagawan ng laruan.

"Sasamahan ko pa si Allison, e. Hindi pa kasi siya kumakain," Sambit ni Sky.

Hindi ko alam kung paano pa ako nagawang isingit ni Sky sa kanilang pinag-uusapan. At nagawa niya pa akong gawing dahilan kahit pa dinig na dinig sa tono ng Blue na ito na gusto niya akong paalisin.

"Kanina pa ako naghihintay sa'yo sa library. Nagsara na nga 'yun kakahintay ko sa'yo," Sambit ni Blue na tila ba hindi titigil hangga't hindi niya nakukuha si Sky sa akin.

"Ganun ba, sige. Sasamahan ko muna si Allison kumain pagkatapos ay magkita tayo sa lounge ng dorm n'yo," Sambit ni Sky.

Disidido parin akong samahan kahit hindi ko naman sinabing samahan niya ako.

"Anong oras na? Makakapag-isa naman yang si Allison. Mahaba pa ito," Bugnot na bugnot na sambit ni Blue. Itinaas niya pa ang mga dala niyang gamit na para yata sa project n'ya.

Hindi ako makapaniwalang nakaya niya akong tawaging "yang si Allison" sa harapan ko. Talagang ibang klase na ang pagkabaliw nitong si Blue kay Sky. Akala mo ay hindi makakagawa ng project kung wala si Sky. Kainis!

Atsaka bakit sa lounge lang sila magkikita? Hindi ba pwede pumasok si Sky sa mismong unit nila Blue? Sa pagkaka-alam ko ay nasa mas mababang palapag ang unit n'ya. Bakit sa akin ay nagpipigil pa siyang pumasok at sa kay Blue ay sa lounge lang?

Kumunot ang noo ko.

"Makakakain naman akong mag-isa, Sky. It's alright with me," Bumaling si Sky sa akin.

"Mukhang mas kailangan ka ata n'yang Blue na yan. Ayos lang naman ako," Dugtong ko pa.

Ginaya ko din ang pagkakaturo niya sa akin gamit ang mga salitang "n'yang Blue na yan" na tila ba nandidiri ako sa kanya. Kung kaya niya akong i-address ng ganun ay kayang kaya ko din siyang tawagin ng ganon.

"See, Sky? Kaya naman niya, tara na!" Anyaya pang muli ni Blue kay Sky.

Ni-hindi man lang siya natinag sa tabang ng boses ko kanina. Talagang disidido siyang makuha si Sky sa akin.

Bumaling si Sky sa akin.

"No. You're going to eat with me," Mariin niyang sambit.

"Sky?" Tumaas ang boses ni Blue. Napatingin si Sky kay Blue dahil sa pagsigaw niyang i'yon.

Never Had I EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon