Chapter 30: Most Favorite Girl
Pinipilit kong pigilan ang namumuong luha mula sa mga mata ko. H'wag kang umiyak, Allison! Hindi dapat iniiyakan ang ganyang klaseng lalaki.
Pumikit ako ng mariin at sumenyas ako kay Sky na h'wag na niya akong sundan pa. Sapat na sigurong malaman niya ang tunay na kulay ng best friend n'ya at ma-realize na tama ang lahat ng mga sinabi ko.
"Allison, yung paa mo." Ulit niya.
Sinusundan pa rin pala n'ya ako hanggang sa makarating ako sa unahan ng building na 'to. Maaaring dumating na si Lauren anytime by now. May usapan kaming susunduin niya ako dito pagkatapos ng exam kong ito.
"Wala ka ngang pakialam!" Giit ko.
"I'm so sorry, Allison. Hindi ko alam na-" Malumanay niyang sambit pero hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita.
"Wala din akong pakialam sa alam o hindi mo alam! I don't care, okay?" Sigaw ko sa kanya.
Halos makuha namin ang buong atensyon ng mga taong pumapasok at lumalabas ng building na ito. Wala na talaga akong pakialam kung anong isipin nila sa akin at kung bakit ako nagsisisigaw dito.
"Allison, let's talk.." Sambit niya. Nauulinigan ko tono ng boses niya ang pagmamakaawa. Manigas ka jan!
"'Wag mo din akong kausapin sabi! You hear me, right? Nandidiri ako sayo!" Sigaw ko sa kanya. Mabilis ang mga paghinga ko dahil sa sobra pa sa sobrang mga nararamdaman ko ngayon.
Nahagip ng paningin si Sky na may tinatawagan sa kanyang cellphone. Ano pang ginagawa mo dito? Umalis ka na! Ngunit hindi pa nagtatagal ay may isang itim na Montero Sport ang pumarada sa harapan namin. Lumabas ang isang matandang naka-uniporme pa na sa tingin ko ay ang driver ng punyetang lalaking 'to.
Naramdaman kong unti-unti siyang lumapit sa akin. Kumunot ang noo ko at nakahanda na akong sigawan siyang muli ngunit hindi ko nagawa dahil bigla niya akong binuhat na parang pangkasal.
Pinaghahahampas ko ang dibdib n'ya dahil sa ginawa n'ya.
"I'm so sorry but I need to do this," Mas kalmado niyang sambit.
Pinagbuksan siya ng pintuan ng driver niya at dahan-dahan niya akong pinasok doon. Pumasok din siya sa loob, pagkatapos niya akong maipasok. Narinig ko pang inutusan ni Sky ang driver niya na kunin ang iniwan kong saklay sa may hagdanan.
Kaming dalawa lang ang naririto sa loob ng sasakyan niya ngayon. Lumayo ako sa kanya at hinawakan ko ang door handle sa kabilang pintuan para makalabas. I really can't stand to be right next to him kaya sana ay pabayaan na niya ako!
Hindi ko pa nagagawang pihitin ang pintuan ay bigla na niyang hinawakan ang palapulsuhan ko para pigilan akong makalabas.
Mas lalong kumunot ang noo ko sa ginawa n'ya. Wala na bang mas igaganda pa ang araw na ito?
"Ano nanaman ba 'to?!" Sigaw ko sa kanya. Marahas kong kinalas kamay niya na nakahawak sa palapulsuhan ko pero malakas siya.
"Listen to me-"
"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yong wala akong pakialam sa mga sasabihin mo? Kaya pwede bang bitiwan mo ako dahil sobrang nasusuka ako sa'yo!" Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa palapulsuhan ko.
"Just please listen to me first!" Sigaw niya.
Nanlaki ang mga mata ko at hinarap ko siya, "Anong karapatan mong utusan akong makinig sa'yo? The last time I checked is hindi mo ako pinakinggan kaya anong karapatan mong sabihin yan sa akin ngayon? Wala! Kasi para sa'yo isa akong spoiled brat, self-centered, maarte-"
BINABASA MO ANG
Never Had I Ever
RomanceCrescent University. Sa ekwelahang ito ay mayroong pinakahihintay na "laro" ang mga estudyante taon-taon na tinatawag na NEVER HAD I EVER. Sa larong ito, face your fears ika nga. Gagawin mo ang isang bagay na hindi mo pa nagagawa kahit kailan. Kaya...