Chapter 7: Turned down
I'm thanking this gangster beside me because all of our arcades and booths are well patronized. Ngayon pa lang ay masasabi ko ng worth it lahat ng pagod at pang-iinis sa akin ni Sky dahil successful ang event naming.
Mabuti nalang at marunong din palang magsi-cooperate ang mga batchmates ko dahil kung hindi kami or rather ako ang mag-aasikaso ng lahat ng ito.
Yung mga arcades na ni-rent namin ay yung talagang mga kakaiba. Nakakalat ang mga iyon sa isang parte ng Crescent University at bago ka makapasok ay kailangan mo munang mag-bayad ng entrance fee.
Sobrang makulay ang buong Crescent dahil na rin sa mga makukulay na bandiritas na nakasabit sa buong school ground.
May mga malalaking speakers din kaming ni-rent para mas maging maingay at masaya ang lahat. Mayroon ding mga banda na magpe-perform mamaya para mas maging masaya ang unang gabi ng Moon Isis Festival.
"Ali, tinatawag na tayo ni Mrs. Crescent," Rinig kong tanong ni Sky na nasa tabi ko.
Hindi ko maiwasang punahin ang pagtawag ni'ya sa akin ng Ali. Bakit, close ba kami?
"For what?" Tanong ko. May nagawa ba kaming mali? O dahil ba sa sobrang ganda ay pagagalitan n'ya kami?
"Kaya nga tayo pupunta para malaman diba? Tsk," Masungit na sambit niya.
"Whatever, bubble gum!" Binalewala ko ang pagsusunggit niyang i'yon. Nauna akong naglakad sa kanya.
"Anong sinabi mo? Bubble gum?" Habol na tanong niya.
"Wala, ang sabi ko mukha kang ice cream." Walang sense kong tugon.
Bigla tuloy akong nag-crave sa favourite kong ice cream na bubble gum flavour dahil sa sinabi ko.
"Ali, saan ka pupunta?" Pasigaw na tanong niya sa akin.
"Hell, wanna join me?" Sarcastic kong tugon.
Nakita ko siyang napakamot ng ulo atsaka nag-jog papunta sakin.
Naka-suot siya ng faded blue polo shirt, brown khaki shorts, isang pares ng topsider shoes at wayfarer. Hindi ko maiwasang punahin ang porma niya dahil guwapong guwapo siya sa suot niya ngayon. Idagdag mo pa ang nakabalandra niyang mukha sa akin habang naka-suot ng shades.
"Gotcha!" Sabay hawak niya sa braso ko.
"Ano ba, Sky! Mamaya ay makakita sa'yong hawak mo ako, pagkamalan ka pa nilang rapist!" Protesta ko sa kanya.
Naningkit ang mga mata niya dahil sa sinabi ko. Huwag nyang sabihing iiyak siya sa harapan ko dahil sinabihan ko siya ng rapist? Hindi pa ba siya nasanay?
"Anong nakakahiya sakin? Miss Maarte, naliligo ako araw-araw at nagto-tooth brush gaya mo," Sambit niya. "And look at this wayfarer, mas mahal pa 'to sa suot mo." Yabang niya.
Alam kong mahal ang suot niyang wayfarer pero hindi niya kailangang ipagmayabang sa akin yon. The hell I care? May ganun din ako! Sasagot pa sana ako ng biglang dumating ang tomboy niyang bestfriend.
"Sky, kanina ka pa namin hinahanap!" Excited na sambit ni tomboy.
"Sabihin mo kay Janus, susunod ako." Agad namang tugon ni Sky.
Ito ang tamang panahon para makawala ako kay Sky. Hahakbang pa lamang ako papalayo ay kaagad naman niyang hinawakan ang braso ko gamit ang kaliwang kamay niya.
Humarap siya sa akin. "Not now,"
"Pero Sky, kanina ka pa namin hinahanap. Tara na!" Anyaya nitong Blue na 'to na tila ba madaling madali ng makuha si Sky mula sa akin.
BINABASA MO ANG
Never Had I Ever
RomanceCrescent University. Sa ekwelahang ito ay mayroong pinakahihintay na "laro" ang mga estudyante taon-taon na tinatawag na NEVER HAD I EVER. Sa larong ito, face your fears ika nga. Gagawin mo ang isang bagay na hindi mo pa nagagawa kahit kailan. Kaya...