NOTE: Last five chapters to go! :)
Chapter 45: Graduation Day
Sabay-sabay naming inihagis ang toga sa ere. I finally graduated college! Labis-labis ang kagalakan ko ngayon dahil kahit kailan ay hindi ko naimagine na dadating ang araw na ito. Parang noong isang taon lang ay gusto ko ng mag-shift pero heto ako ngayon at graduate na.
Ang limang taon kong pagpupuyat, paghihirap, at stress ay sulit na sulit. I'm so proud of myself dahil kahit pa wala akong natanggap na honor ay naka-graduate ako.
Ang susunod ko na lamang na po-problemahin ay ang pagpasa ko sa board exam pero sa ngayon ay isang mahaba-habang bakasyon ang aking gugugulin dahil ito lang ang regalong naisip ko para sa aking sarili.
"Congrats, best friend!" Maligayang sambit sa akin ni Lauren na kasabay kong grumaduate ngayon. Sinalubong niya ako ng isang mainit na yakap. This girl is really for keeps.
"Congrats sa atin!" Sinalubong ko din siya ng mainit na yakap dahil alam kong minsan lang 'to.
Sa likod ni Lauren ay nasulyapan ko sina Law at Luna na magka-holding hands. Hindi ko kaagad natanggal ang titig ko sa kamay nilang dalawa kaya naman nagtama ang mga mata namin ni Luna Crescent. Hindi parin siya nagbabago kahit pa limang taon na ang nakakalipas. She still give me that same chills whenever I see her.
Sa gilid naman nila ay ang instik na Daddy ni Lauren at ang kanyang Mommy. Parehas na kumakaway sa akin ang parents ni Lauren kaya naman kumaway din ako pabalik sa kanila at saka nagpasalamat.
"So paano, sabay na tayong mag-dinner tonight with your family?" Anyaya ni Lauren.
"I'm sorry, Lauren! Nagluto kasi sila Mommy sa bahay ngayon. If you want, sa bahay nalang?" Tugon ko.
Bahagya siyang sumimangot. "Seems like hindi tayo magkasama tonight. Mom already planned a reservation somewhere. Let's just text me, eh?" Bigo niyang sambit.
"Sayang naman! But it's alright. Sige, I'll call you nalang." Paalam ko.
Pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ay umalis na ako kina Lauren.
Hinanap ng aking paningin sina Mommy at Daddy. Medyo madami kasing tao ngayon dahil, of course, graduation naming mga Engineering students. Saglit kasi akong nawala sa kanila dahil nakihalubilo muna ako sa mga kapwa ko graduates.
Maingay at punong puno ng mga congratulatory ang ambiance ngayon dito. I used to hate this kind of noise before but I cannot believe that I'm enjoying this right now. Natatawa na lang ako tuwing naaalala kong I'm such a hater of everything way back.
"Allison!" Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at nakita ko si Chelsea ang tumatawag sa akin.
Mabilis akong lumapit sa kanila. "Chelsea!"
Nakangising nakatingin sa akin sina Jennifer, Rocelle at Gail. Kasabay ko din silang grumaduate ngayon. Mas lalo din kaming naging malapit ng mga ito. We even used to hang out every week on my last term here dahil na din sa magkakatabing unit namin.
"Congratulations to us!" Maligayang sambit ni Chelsea.
"Squad goals!" Biro ko.
Napuno ang pag-uusap namin ng tawanan at throwback memories noong mga nagdaang taon. Ilang minuto din kaming nag-kwentuhan ng tungkol sa kung anu-anong bagay na mami-miss namin dahil graduate na kami. Napagplanuhan pa naming mag-bakasyon isang linggo pagkatapos ng linggong ito.
Natapos lang ang pagku-kwentuhan namin dahil kinailanggan ng umalis ni Rocelle dahil aniya ay bugnot na ang kanyang boyfriend.
Muling hinanap ng aking paningin sina Mommy at Daddy. Nawala na sa isip kong hinahanap ko pala ang parents ko dahil napasarap ang pakikipag-kwentuhan ko kina Chelsea. Hay, saan kaya nagpunta ang dalawang iyon?
BINABASA MO ANG
Never Had I Ever
RomanceCrescent University. Sa ekwelahang ito ay mayroong pinakahihintay na "laro" ang mga estudyante taon-taon na tinatawag na NEVER HAD I EVER. Sa larong ito, face your fears ika nga. Gagawin mo ang isang bagay na hindi mo pa nagagawa kahit kailan. Kaya...