NOTE: Votes and comments are really appreciated, guys. Thank you!
Chapter 9: Caught
Kinabukasan ay ang last day ng Moon Isis Festival. Buti naman at matatapos na ang festival na ito. Mas gugustuhin ko pang gumawa ng mga blue prints at plates kaysa makisaya sa mga tao dito.
I don't even find any "fun" in here, actually.
Loud speakers, different voices of laughter everywhere, rambunctious conversation of little groups, and those lovebirds having their own world. In short too much noise pollution and I'm way too gorgeous for that.
Mas maiging pagtutunan ko nalang ng pansin ang sarili kong problema. My modelling career. Medyo matagal tagal na rin ang huli kong photoshoot at ang pagrampa sa mga events. Medyo busy kasi ako ngayon and yeah, medyo nawalan din ng gana dahil sa huling nangyari sa akin sa isang event. Wala rin namang tumatawag sakin.
Kailan pa nabakante ang isang Alexandria Allison Reid?
Lumipas ang isang buong araw na wala akong ginawa kundi magbasa. Mas ayos na rin ito dahil bubble gum-haired guy free ako.
Kanina ngang nasa food square ako ay narinig ko kaagad ang malakas na tawanan at hiyawan ng mga chakang friends ni Sky. Kadiri talaga. Mga walang manners kung mag-usap.
Nagmadali tuloy akong umalis ng square. Ayoko sa mga kaibigan ni Sky. Maarte ako, oo, halata naman diba?
Dahil sa nagtatalong mga boses sa utak ko, nakadating ako sa Botanical Garden ng Crescent University. Konti lang ang tao dito at mas mabuti na yun dahil walang Sky Schreiber na mang-aasar at inis sa akin.
Akala ko ay tuluyan ng magiging mapayapa ang araw ko ng may marinig akong mga impit ng boses. Pinakinggan ko ang mga tinig at nalaman kong sa likuran pala ng malaking puno nanggagaling ang mga boses.
Why there? Creepy, ah!
"I'm not one of 'yo girls. So stop treatin' me like one. How many times do I have to tell you that!" Anang boses babae na may matigas na American accent.
"I know, baby. Shh... I'm sorry." Malambing na pagkakasabi naman nung boses lalaki.
Tumayo ako sa kinauupuan at naglakad papunta sa pinanggagalingan ng mga boses. Mabuti na lang dahil may puno dito, pwede akong makapagtago. Medyo kinakabahan pa ako dahil baka mahuli nila ako kaya sinigurado kong hindi nila ako nakikita.
I can't afford to have the lousiest title here in Crescent as "Allison The Usisera".
Dahan-dahan akong sumilip sa kanila at nanlaki ang mga mata sa aking nakita. Luna Crescent and Lawrence Lee, talking about this matter? I've sensed this before and totoo nga. Positive! May something nga sa dalawang 'to.
Luna Crescent's expression is so dull. Parang kasalanan sa kaniya ang magpakita ng ibang emosyon. Hindi ba uso sa kanya ang emoji? But I have to admit that she's so pretty na kahit ganun lang yung ginagawa niya ay sobrang ganda niya pa rin. I wonder kung mage-effort pa siyang ngumiti ay baka sobrang ganda na n'ya. Masasabi kong isa siyang modelo ng babaeng 'prim and proper'.
Lawrence Lee on the other hand is a total jerk and playboy, of course. Siya yung tipong hindi na kailangang magpa-cute at pumorma dahil sasambahin na kaagad siya ng mga babae. Still, lagi siyang nakangisi dahilan para himatayin sa kilig ang kalahati sa populasyon ng kababaihan dito. Sa buhok palang na slight messy na parang laging bagong gising, up to his eyes na singkit, pointed nose, sexy lips, perfect jawline. I swear, hindi normal ang isang 'to sa pagiging gwapo.
"Alam mo bang masama ang ginagawa mo?" And my heart literally skipped.
Isang pamilyar na husky-ing boses ang narinig ko mula sa aking likuran. Ang buong sistema ko ay kumakalabog. Nahuli niya ako! Sa dinami dami ay bakit siya pa?
.�?тq|���
BINABASA MO ANG
Never Had I Ever
RomanceCrescent University. Sa ekwelahang ito ay mayroong pinakahihintay na "laro" ang mga estudyante taon-taon na tinatawag na NEVER HAD I EVER. Sa larong ito, face your fears ika nga. Gagawin mo ang isang bagay na hindi mo pa nagagawa kahit kailan. Kaya...