Chapter 11: Blue Greenies
Kampante at may poise akong naglalakad ngayon sa hallway ng College of Engineering, Architecture and Technology kahit sobrang late na late na ako. Late na din naman ako kaya bakit pa ako magmamadali, diba?
I should blame my alarm clock for this! 8:30AM ang pasok ko ngayon at eksaktong 8:30AM ako nagising. Great! I should sue the taga-gawa of that alarm clock. Hindi sya effective mang-gising!
Hindi ko naman pwedeng ipagpaliban ang klase ko ngayon dahil isa yong major.
I need to prepare for like an hour and a half so I can do all my pampaganda routines. I believe in the quote na it's better late than to never show up so I decided to attend my class even though I'm really, really late. Absent na nga yata ako.
Sumilip ako sa aming classroom. I'm gonna show you how I do my ninja moves. Kung late kasi kayo ay huwag kayong magpapahalata, kaya kayo napapagalitan eh.
Dire-diretsyo akong pumasok sa room namin as if hindi ako late. Mabuti naman at may bakanteng upuan sa likuran. Hindi ako napansin ng prof dahil nakatalikot siya noong pumasok ako... but, that's what I thought.
"Saan ka galing, Miss Reid?" Tanong sa akin ng striktong si Sir Mondego.
"Yes, Sir? I was at the comfort room, sumakit kasi yung tiyan ko. You know naman po diba, call of nature," Pagdadahilan ko.
Narinig kong nagsitawanan ang mga kaklase ko at dun ko pa lang na-realize kung ano yung nasabi kong excuse. Ang dami-daming reasonable reason ay bakit yun pa ang bigla kong naisip. Pwede ko naman sabihing masakit ang ulo ko or rather, nagpunta ako ng square, diba?
Hindi parin tumitigil ang mga kaklase ko sa pagtawa habang ako ay gusto ko ng lumubog ng dahil sa kahihiyan. Ano bang nakakahiya doon? Natural lang naman iyon, ah!
"Ganun ba? Naiintindihan ko. You may now take your seat. Naghugas ka naman siguro ng kamay?" Biro pa ni sir dahilan para lalong umugong ang tawanan sa buong klase.
Alam kong nakakatawa talaga ang palusot ko pero I didn't expect that they will laugh at me like that. Mas lalo tuloy nakakahiya.
Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil napansin kong wala dito si Sky at ang tomboy niyang bestfriend. Siguro naman ay nahimasmasan na yun kagabi. Ako pa ang pinagloloko ng isang iyon.
Hah! I used to be the flower girl of Crescent High and not to brag but halos kalahati ng populasyon ng mga kalalakihan noong nasa highshool department ako ng Crescent ay nagkakagusto sakin. I've encountered the worst ones kaya talagang hindi ako madaling kumagat sa mga mabubulaklak na salita.
Lumipas ang ilang oras at sa wakas nag-bell na. Finally!
Ngayon ay maghihintay na lang ako ng dalawang oras para sa susunod kong klase. Ayos na rin itong schedule ko dahil hindi sunod-sunod ang klase. Nakaka-stress kaya yun.
Kung nagtataka kayo kung bakit ako laging mag-isa ngayon iyon ay dahil sumali lang naman ang impaktang Lauren na yun sa photo journalism. Seryoso? Photo journalism? Niyayaya niya pa nga akong sumali kaya lang ay hindi ko gusto. I'm cut out to be in front of the camera, not behind it.
Dumaan ako sa food square sandali para bumili ng lunch. Konti pa lang ang estudyante ngayon dahil 10:30 pa lang naman.
Kumuha ako ng tray at nagpunta sa salad bar. Nagugutom na talaga ako. I really want to eat some burger and fries sana pero naalala kong diet nga pala ako.
BINABASA MO ANG
Never Had I Ever
RomanceCrescent University. Sa ekwelahang ito ay mayroong pinakahihintay na "laro" ang mga estudyante taon-taon na tinatawag na NEVER HAD I EVER. Sa larong ito, face your fears ika nga. Gagawin mo ang isang bagay na hindi mo pa nagagawa kahit kailan. Kaya...