NOTE: So okay haha this is the last chapter of NHIE. Sabay kong pinost ang Chapter 49 and 50 kasi maikli lang 'tong chapter na to. Anyway, I will post the epilogue this week din. Yun lang, don't forget to VOTE and COMMENT. Naiiyak ako dahil last chapter na 'to, huhu, sinong makaka-miss kina Allison at Sky? Huhu.
Thank you for reading guys! :)
Chapter 50: Answers
Hindi ko na naisip ang sasabihin sa akin ng mga kaibigan ko. Nakakahiya ka, Allison.
Dire-diretsyo ang pagtakbo ko hanggang sa hingalin ako at makarating ako sa medyo dulong bahagi ng isla. Medyo tahimik dito dahil walang masyadong tao. I need time to think.
"Fudge, Allison!" Sigaw ko sa aking sarili.
Ayos lang na sumigaw ako dito dahil wala namang nakakarinig sa akin. Kahit umiyak pa ako ay walang makakakita sa akin. It's okay, Allison. Let your feelings out. Ilang taon ko din itong kinimkim.
"It's been four years but you still like him." Patuloy na dumadaloy ang luha mula sa mga mata ko. "Maawa ka naman sa sarili mo."
"Why are you crying?" Husking pagkakasabi ng taong nasa likuran ko.
Automatic na tinakpan ko ang aking bibig para mapigilan ko ang aking pag-iyak. Tanging hikbi na lamang ang aking ginagawa pero sapat na iyon para malaman niyang umiiyak nga ako.
"Why are you here?" Sigaw ko habang patuloy na umiiyak.
Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin.
"Don't go near me!" Dugtong ko.
"Are you mad?" Mas seryoso at husky niyang tanong.
"Hindi!" Pinunasan ko ang luha ko. "Iniwan mo lang naman ako. Hindi! Hindi ako galit!"
Wala na yata akong pakialam kung may girlfriend siya ngayon. I just want to say everything I want to say. Ayokong pagsisihan balang araw na hindi ko nasabi sa kanya lahat ng gusto kong sabihin. Pagkatapos siguro nito ay makakalaya na ako.
Umihip ang malakas na hangin. Narinig ko ang bahagya niyang pagbuntong hininga.
"I'm sorry,"
"Sorry? Para saan?" Sagot ko. "Sorry kasi iniwan mo ako? Sorry kasi nakikita mong hindi pa ako ayos at ikaw ayos na ayos na?"
"No, I'm sorry kasi umiiyak ka ngayon. Hindi ko na dapat dinala si George,"
"E gago ka pala 'e, bakit sinama mo pa? Alam mong mahal parin kita tapos sinama mo?"
Hindi siya naka-imik. Wala na yata talaga akong hiya.
"I want you-" Hindi ko siya pinatapos magsalita.
"You want what?"
"I'm sorry, Allison. I want you to move on,"
Sa sinabi niyang iyon ay para akong binagsakan ng langit at lupa. This is it. Ito na yung mga sagot sa mga tanong ko. Finally, nasagot din sila.
"I'm sorry," Muli kong tinakpan ang aking bibig dahil sa labis na pag-iyak ko.
My questions have been answered on point and clear. Wala na akong babalikan pa. It's about time to set myself free. Good-bye, Sky.
BINABASA MO ANG
Never Had I Ever
RomanceCrescent University. Sa ekwelahang ito ay mayroong pinakahihintay na "laro" ang mga estudyante taon-taon na tinatawag na NEVER HAD I EVER. Sa larong ito, face your fears ika nga. Gagawin mo ang isang bagay na hindi mo pa nagagawa kahit kailan. Kaya...