NOTE: Hi guys!!! I already have my Twitter account. Kindly follow and tweet me if you want to interact with me, hehe. Thank you!
Username: ChlochellaWP
Chapter 40: Hindi Pwede
Buong lakas ko siyang hinarap, "Please Sky, wag muna ngayon!"
Kaagad din akong bumalik sa pagkakatungo dahil sa lintek na sobrang sakit talaga ng puson ko. Ayaw na ayaw ko talagang nagkaka-dysmenorrhea na biglaan or kung nasa public place ako. Sino ba naman kasi ang may gustong magkaganito in public?
"Why are you so pale?" Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko.
"Masakit, Sky."
"Anong masakit?"
"Masakit ang puson ko," Mahina at nahihiya kong sambit.
"What? Masakit ang puso mo?" Ulit niya dahil hindi niya yata narinig.
Now that you mentioned it mas lalo ko tuloy naramdaman ang magkahalong sakit galing sa dibdib at sa puson ko. Kasalanan mo ito. Well, not really but the half of it.
"Oo, Sky! Masakit. Sobrang sakit." Mas malakas kong utas.
Wala akong narinig na kahit anong tugon mula sa kanya. Sa halip ay narinig ko lang siyang paulit ulit na nagmura. Minumura niya ba ako? Alam kong hindi kami okay ngayon kaya kung napipilitan lang siya na samahan ako dito ay hindi ko siya kailangan.
Marahas niya akong binuhat na parang pangkasal. Muntik pa akong mahulog sa ginawa niya dahil sa hindi ko pagkapit sa batok niya. Nagulat ako sa ginawa niya.
"Hold me tight, mahuhulog ka." Hindi ko sununod ko ang sinabi niya.
"Kung napipilitan ka lang ay ibaba mo na ako," Sambit ko.
"Shut up," Masungit niyang sambit.
Alam kong hindi niya gusto ang ideyang ito dahil galit siya sa akin. Ni-hindi nga niya maatim na tignan ako sa tuwing matatama ang mga mata namin. Yes, it would be very nice kung magshu-"shut up" na lang ako.
Pagkadating namin sa pinakamalapit na clinic ay inihiga niya ako sa kama. Tumalikod ako sa kanila at tiniis ko ang sakit.
"Anong nangyari?" Rinig kong tanong ng nurse na lumapit sa amin.
"I don't know? She looks in pain that's why I bought her here.." Sagot ni Sky.
"Miss, anong masakit sa'yo?" Lumapit ang nurse sa akin.
"Dysmenorrhea.." Tangi kong sagot.
Alam kong maiintindihan na ng nurse yon kaya naman kaagad niya akong binigyan ng pain reliever. Hindi talaga ako sanay uminom ng gamot tuwing nagkaka-dysmenorrhea ako pero sa tingin ko ay kailangan ko ito ngayon. Mas masakit kasi at nasa public place ako.
"Madalas ka bang magka-dysmenorrhea?" Tanong ng nurse.
Ininom ko muna ang gamot bago ako sumagot. "Yes."
"Anong sakit mo?" Nakapameywang na tanong ni Sky.
Hindi ko siya sinagot. Sa halip ay bumalik ako sa pagkakahiga. Narinig kong pinapabalik na si Sky ng nurse pero naririnig ko ang boses niya sa gilid ko na tanong ng tanong sa kung anu-ano.
"Allison, why didn't you tell me?"
Anong sasabihin ko? Ni-hindi mo nga ako gustong tignan dahil panay ang iwas mo sa akin pagkatapos ay magshi-share pa ako sa'yo ng tungkol sa dysmenorrhea na 'to?
BINABASA MO ANG
Never Had I Ever
RomansaCrescent University. Sa ekwelahang ito ay mayroong pinakahihintay na "laro" ang mga estudyante taon-taon na tinatawag na NEVER HAD I EVER. Sa larong ito, face your fears ika nga. Gagawin mo ang isang bagay na hindi mo pa nagagawa kahit kailan. Kaya...