Chapter 37: The Start Of The Bad Day
"Tilt your head a little bit more, Alexandria!" Utos sa akin ng isang Amerikanong photographer namin.
I tild my head a little bit more and I faced the camera fiercer than before. May nakatapat na malaking electric fan sa harapan ko kaya naman lumilipad ang mahaba kong buhok ngayon.
Nasa photoshoot ako ngayon ng Tresemmé. Ako lang ang nag-iisang modelo dito ngunit medyo madaming photographer ang nandito. Pangatlong palit ko na din ito ng damit at retouch ng make up at buhok ko.
"Last three shots!" Anang isa pang Amerikanong photographer.
Umikot ako at hinayaan kong tangayin ng hangin ang buhok ko tsaka ako humarap sa camera. That is the last shot. Panigurado akong maganda ang kakalabasan nun dahil paborito kong ginagawa ang shot na yun.
"Perfect!" Anang mga photographer namin.
"The last shot is the best! Good job, Alexandria!" Sambit naman ng isa pang photographer na Pilipino.
May lumapit na staff sa akin at inabutan ako ng tubig. Ininom ko inom habang tinitignan ko ang sarili ko sa salamin. Nagustuhan ko ang pagkaka-make up sa akin ngayon ng make up artist naman kaya naman hindi ko ito tatanggalin.
Tapos na ang photoshoot namin ngayon. Nagliligpit na din ng mga gamit ang mga staffs at ang ibang photographers na nandito.
Tinawag ako ng isang photographer na babae kaya naman lumapit ako sa kinaroroonan niya. Pinakita niya sa akin sa computer ang mga best photo ko kabilang na ang last shot. Mukhang yun pa yata ang ipi-print para sa mga advertisements.
"You did great today, Alexandria. Good job!" Kumento sa akin ng isa pang photographer.
"Thank you!"
Marami pa silang mga sinabi tungkol sa akin pati na rin daw ang mabilis na pagi-improve ko sa harap ng camera. Puro pagtango at pagpapasalamat ang ginawa ko sa kanilang lahat hanggang sa maka-alis ako doon. Napakasarap talaga sa feeling tuwing may nakaka-appreciate sa mga efforts na ginagawa mo.
Niyaya pa nga nila akong mag-lunch ngunit sinabi kong may klase ako ngayong 12:30 kaya naman hindi ako makakadalo. Sayang dahil gusto ko pa namang sumama kaso major subject yun at hindi ako dapat um-absent.
Pagkadating ko sa dorm namin ay naabutan ko si Lauren na naglu-lunch mag-isa kaya naman sinabayan ko muna siyang kumain. Pagkatapos ay nagpalit ako ng mas simpleng damit. Tinali ko rin ang buhok kong nakalugay kanina.
Eksaktong 12:15 ay umalis ako ng dorm namin at nag-drive papuntang CIH building. Pinark ko ang kotse ko at nakasabay ko pa sina Chelsea, Jennifer, Rocelle at Gail paakyat ng classroom kaya naman nakisabay na ako sa kanila.
"Ang famous mo na, girl!" Sambit ni Gail.
Tumawa ako, "Hindi naman!"
"Pa-humble, oh!" Biro ni Rocelle.
"Pa-humble nga!" Sang-ayon naman ni Chelsea. "Alam mo bang may nanghihingi ng number mo sa akin! Hindi ko binigay kasi pro-Sky ako."
"Yah! You're right, Chelsea. Sa akin din but hindi ko din binigay, hehe." Sambit naman ni Jennifer.
"Mga bolera kayo, ha!" Sambit ko.
Tinawanan ko lang ang mga sinasabi nilang sikat na ako. I wanted to be appreciated but ayoko naman ng bulgarang pag-amin na sikat na ako. Magiging mayabang naman ang dating ko kung ganun. I mean, I want to be down to earth pa rin syempre.
BINABASA MO ANG
Never Had I Ever
RomanceCrescent University. Sa ekwelahang ito ay mayroong pinakahihintay na "laro" ang mga estudyante taon-taon na tinatawag na NEVER HAD I EVER. Sa larong ito, face your fears ika nga. Gagawin mo ang isang bagay na hindi mo pa nagagawa kahit kailan. Kaya...