Chapter 38

977 37 3
                                    

Chapter 38: I'm Sorry. I Love You.


"Anong ginawa mo sa phone ko?" Ulit kong tanong.

Pinilit kong mas maging finesse ang pagsasalita ko dahil kaunting kaunti na lang talaga ang pasensya ko para sa taong 'to. First of all, he is a complete stranger to me kaya bakit ganito siya maka-asta sa akin?

Ngumisi siya ng malaki kaya naman mas lalo akong nairita. Pinagti-tripan ba ako nito?

"Wala akong ginawa. Chill ka lang!" Sambit niya. Akma niya akong kukuruting muli sa pisngi ko kaya naman mabilis kong tinapik ang kamay niya.

"Stop doing that!" Suway ko.

"Ang sungit mo naman.." Sambit niya sa mas malumanay na tono habang nakangisi parin sa akin.

"Someone called, right? And you answered it! Hindi ba uso sa'yo ang tamang manners?" Hindi ko mapigilang hindi magtaas ng tono.

"Masyado ka namang highblood. Chill ka lang. Ang ganda ganda mo 'eh," Biro niya pang muli.

"Hindi na ako nakikipagbiruan, ah!"

Sa sobrang inis ko ay hindi ko mapigilang hindi tumayo sa kinauupuan ko. Mukha pa siyang nakikipaglokohan sa akin dahil sa ngising nakatapal sa mukha niya.

Bumalik ako sa pagkaka-upo dahil kailangan kong malaman kung ano ang pinagsasasabi niya kay Sky. Medyo nakuha na namin ang atensyon ng mga tao kaya naman bumalik ako sa pagkaka-upo ko kahit sobrang bwisit na bwisit na ako sa taong 'to.

Mukha naman siyang mayaman kaya naman sigurado akong kayang kaya niyang palitan yung t-shirt na natapunan ko. Kung naghahanap man siya ng mapagti-tripan ay huwag ako dahil busy akong tao at mahal ang bawat oras ko!

"Answer my question!" Mariin kong sambit.

Tumingin siya sa malayo bago niya ako seryosong tinitigan, "Kumalma ka muna."

Umirap ako. Paano niya nagawang utusan ako na kumalma gayong bawat kilos niya ay nagbibigay ng pagka-irita sa akin?

"Answer me." Mariin kong sambit.

"Yeah, may tumawag kanina. Lalaki at--"

"Pakelamero!" Hindi ko magawang hindi sumabat.

"I'm sorry. Hindi ko naman alam na magiging ganyan ang reaksyon mo."

"Anong sinabi mo kay Sky?" Tanong ko.

"Hindi mo ba ako narinig? Kanina ko pa ho kasi sinasabi sa'yong may tumawag at hindi mo ako pinapakinggan,"

"Damn you!" Mura ko. "So ako pa ang may kasalanan?"

"Wala akong sinabi." Balewala niyang tugon. "Basta ang sinabi ko lang sa tumawag sa'yo ay nasa CR ka,"

Kahit papaano ay nabunutan akong ng tinik sa sinabi ng Kevin na 'to. Mabuti at wala siyang sinabing kung anu-anong kasinunggalingan kay Sky dahil kabisadong kabisado ko na ang mga ganung moves sa mga napapanood kong Korean drama.

Next time na lang siguro ako hihingi ng tawad sa lalaking ito para sa kagaspanggan ng ugaling ipinakita ko sa kanya. Dali-dali akong umalis sa lugar na yun at pumara ng "ikot".

Pagkasakay ko ay nilingon ko pa ang kinauupuan namin kanina at nakita kong naka-upo pa rin ang Kevin na yun sa pwesto namin. Good thing he didn't follow me. Bumaba ako sa parking lot ng CIH building dahil naiwan kong naka-park ang kotse ko doon.

Pagkasakay ko ng kotse ko ay nag-drive kaagad ako papunta sa Crest dorm. Pagka-park na pagka-park ko ay tinawagan ko muna si Sky. Naka-tatlong tawag ako sa kanya pero hindi niya sinasagot. Naka-ilang text na din ako sa kanya na kung nasaan siya ngunit hindi siya nagre-reply.

Never Had I EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon