Chapter 44: Babalik
Pagkatapos ng practice nila Kevin ay kumain muna kami ng dinner bago niya ako hinatid sa dorm.
"Babe," Tawag niya.
Iginala ko ang paningin ko sa buong lobby ng dorm namin. Parang kailan lang ay kakapasok ko lang sa dorm na ito. Sa loob ng tatlong taon ay hindi ko na din pala namalayang madaming nagbago sa interior design ng dorm namin. It looks so classy now dahil sa black and white na kulay nito. The last time I checked is kulay beige ito, ha.
"Um?"
"Ipapaalala ko lang po na birthday mo bukas." Malambing niyang sambit.
"Oo, alam ko na." Tumawa ako. "No surprises."
"Yes, ma'am. No surprises." Sagot niya.
"Basta bukas, ha. Wag kang mawawala or mala-late. Aalis tayo dito ng five ng hapon, ayaw naghihintay ni Lauren." Pagpapaalala ko sa kanya.
Kumunot ang noo niya.
"Oh, anong mukha yan?" Nagtaas ako ng kilay habang nagpipigil ng tawa dahil napaka-cute ng reaksyon niya nung nabanggit ko si Lauren.
Naalala kong takot nga pala ang isang 'to sa best friend ko. Paano ba naman kasi ay lagi siyang tinatarayan ni Lauren.
"Wala." Nagkibit balikat siya.
"Good."
Tumingin siya sa relos niya. "Dito na ako ng four."
"Okay. See you tomorrow." Paalam ko sa kanya.
Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa aking noo. "Good night. Still no greetings yet, 'di mo pa birthday!"
"Good night. Kainis ka!" Tumawa ako.
Pagkatapos nun ay nagmartsa ako papuntang elevator para maka-akyat na sa unit namin. Nang bubuksan ko na ang unit namin ay napansin kong may isang kahon sa tapat ng pintuan.
Bumaba ako para makita ko kung kanino yun. It's for me. Binuksan ko ang pinto at pinasok ko ang regalo. Kanino naman kaya ito galing? Tanging 'To: Allison Reid' lamang ang nakalagay sa itaas.
Is it from Kevin? Kakasabi ko lang ng ayoko ng surprises, diba?
Dumiretsyo ako sa taas at inakyat ko ang kahon. Nilapag ko iyon sa itaas ng study table ko.
Nagpalit ako ng damit at itinext ko si Lauren kung nasaan na siya. Dinungaw ko ang alarm clock ko. Alas otso na pala at wala pa siya. She should be here anytime now.
Dinungaw ko ang kahon ng regalo na nasa ibabaw ng kama ko. Wala akong ideya kung kanino galing ito. Baka kay Kevin or sa parents ko? Gah, I don't know!
Next time ko na ito bubuksan. Maingat ko yung tinago sa drawer ko. Bukas na bukas din ay tatanungin ko sa mga guards kung sino ang nagpapabigay nun.
Kinabukasan ay tanghali na akong nagising dahil sa kakabasa at kakahintay na din kay Lauren. Madaling araw na kasi siyang umuwi kaya naman madaling araw na din ako nakatulog. Hindi kasi siya nagdadala ng susi kaya naman hinintay ko pa siya.
"Happy birthday, sis! I love you!" Bati sa akin ni Lauren.
Bugnot kong binuksan ang aking mga mata. Bumungad sa akin si Lauren na nakangisi at hinalikan pa ako sa bibig.
Ang baboy talaga ng isang 'to. Kitang kakagising ko lang at hindi pa ako nagto-tooth brush ay hahalikan ako sa bibig?
Inirapan ko siya kaya naman natawa siya sa reaksyon ko. Matuturing ko na bang best friend goals kung ganito ka-bipolar ang best friend ko?
BINABASA MO ANG
Never Had I Ever
RomanceCrescent University. Sa ekwelahang ito ay mayroong pinakahihintay na "laro" ang mga estudyante taon-taon na tinatawag na NEVER HAD I EVER. Sa larong ito, face your fears ika nga. Gagawin mo ang isang bagay na hindi mo pa nagagawa kahit kailan. Kaya...