Chapter 15

1.2K 39 3
                                    


Chapter 15: Totohanin



1:30 nang natapos kaming kumain ni Sky. Kaagad ko siyang pinaalis dahil bawal pumasok ang mga lalaki sa dito sa Scent dorm. Paniguradong magkakaroon kami at lalong lalo na ako nang isang major offense kapag nahuli siya.

Buti na lang dahil may lahi palang pusa si Sky dahil ni walang nakapansin sa kanya noong lumabas siya sa mismong gate entrance ng dorm namin. Mabuti na rin yun, ano! Baka mamaya ay may nakakita sa kanya na galing sa dorm namin at akalaing may ginagawa kaming kababalaghan.

Kumain lang naman kami, right? Bukod sa pagkain ay wala na kaming ibang ginawa bukod sa mag-asaran at laitan.

You sound really defensive, Allison.

Mag-2:30 nang dumating ako sa Crescent piazza. Naka-suot ako ng black high waisted Joni jeans, white fitted tee with checked black and red flannel at isang pares ng itim na Dr. Martens. Hindi na ako nag abalang mag-sunnies dahil bumalik na naman sa dati ang mga mata ko.

Kaagad kong naabutan si Lauren na tumitingin-tingin na ng mga damit mula sa isang clothing store na sikat sa ibang bansa.

Nag-martsa ako patungo sa kanya. Kaagad niyang napuna ang pagbabago ko ng style sa pananamit.

"Hipster-ish, huh?" Puna niya saka bahagyang tumawa.

Nag-effort pa kaya akong mag-Google, Tumblr at Instagram para sa bago kong sense of fashion which is hipster-ish or hipster like. Sa tingin ko ay bagay naman ito sa akin ngunit bakit siya tumatawa?

"What's so funny all about?" Nagtaas ako ng kilay bilang tugon.

"Nothing, really. May naalala lang ako," At umiling-iling pa siya.

Kina-usap niya saglit ang sales lady at ako naman ay tumitingin tingi na din ng pwede kong mabili.

"So as I was saying, nakiki-hipster ka na din ngayon?" Tumawa siya. "I mean, bagay na yan sa mga jejemon na schoolmates na din pati ba naman ikaw?"

Yung pagkakasabi niya ng word na jejemon super slang pa at mukang nandidiri siya sa salitang iyon.

"Jejemon? My god, Lauren! This is fashion! Hindi ito jejemon, 'no!" Dipensa ko sa kanya.

"That's too mainstream, Ali. Sana man lang ay—" Hindi ko siya pinatapos magsalita.

"Whatever, bitch!" Sambit ko na siyang nagpatawa sa kanya ng husto.

"Ali, you're staring at those lipsticks too much. Bibilhin mo ba?" Rinig kong sambit ni Lauren sa akin. Nakita kong may hawak na siyang paper bag na kanyang binili.

"Uh, huh? Yeah?" Sabay tingin ko sa sales lady, "Miss, magkano?"

"Ma'am alin po?"

"Itong tatlo," Sambit ko kuha ng mga gusto kong kulay. Transylvania, Copenhagen at Ibiza.

Kaagad kong binayaran ang mga lipstick na iyon at bumaling sa kaibigan kong niyayaya na ako patungo sa ibang boutique.

Lumipas ang kalahating oras ay medyo marami-rami na rin kaming nabili. Sobrang na-miss ko ata ang pagsho-shopping dahil mahigit dalawang linggo akong busy kay... Sky.

Shit! Anong busy kay Sky? Busy sa modelling at sa nagdaang festival, okay? Hindi dun sa Sky na iyon. Gaya ng sinabi ni Sky, hindi ko din siya iniisip! Sumagi lang siya sa isipan ko!

"Allison, comfort room lang ako saglit. Sama ka?" Ani Lauren.

"Hindi na, Lauren. Hintayin nalang kita dito." Tugon ko.

Never Had I EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon