Chapter 16: Best Actress
Nang sumunod na araw ang maaga akong pumasok sa klase ko. Pumwesto ako sa dulong bahagi ng classroom at inilagay ko ang mga gamit ko sa katabing upuan. Obviously, ayaw ko ng katabi. Ang sino mang magtatangkang umupo dito ay mapapasama sa hate list ko.
Hindi nagtagal ay paparami na ng paparami ang mga kaklase kong nagsisidatinggan kaya't unti-unti na ring umiingay ang paligid. Nakakairita. Umagang umaga ay ito ang sasalubong sa akin?
Naglagay ako ng earbuds sa magkabilang kong tainga at pinatugtog ang Thinking Out Loud ni Ed Sheeran. Joke! Ilang buwan na bang ginagawang theme song ng mga schoolmates ang kantang i'yon? I'm a fan of ginger head guy since then but please.. iyon ba naman ang patugtugin ng bestfriend ko sa dorm for God knows how long ay hindi ako maririndi?
May kumislap na ilaw sa mukha ko mula sa flash ng camera ng isa sa mga kaklase ko dahilan para mabaling ang atensyon ko sa taong kumuha sa akin ng stolen shot. Tinanggal ko ang isang earpod at nagtaas ng kilay.
Inunahan niya akong magsalita. Umupo siya sa tabi ko at siya na rin mismo ang naglipat ng bag ko sa desk Hey, that's Prada! At mas mahal ko pa i'yan sa buhay mo.
"Ang aga-aga naka-simanggot ka. Ngiti ka naman!" Pambungad na bati niya sa akin.
Pinasadahan niya ako ng kanyang nakangising mukha. Mukang good mood na good mood ang loko!
Itinutok niya ang lens ng camera niya sa akin at akmang kukuhaan ako ng litrato kaya magpo-protesta sana ako kaya lang ay, "Say cheese!"
"Umagang umaga ay binu-bwisit mo ako. I-delete mo nga 'yan!" Tumaas ang tono ng boses ko.
Nakuhaan nanaman niya ako ng stolen! Kahit alam kong maganda ako ay alam kong pangit ang kuha ko duon!
"Chill! Hindi ko 'to iu-upload sa Instagram." Dumekwarto pa siya sa tabi ko.
"I-delete mo nga yan sabi! Tsaka bakit ka ba nandito? Alis! Ayokong may katabing kulay blue ang buhok!" Sabay tulak ko sa kanya.
Did I just say I want a peaceful morning? Napaka swerte ko nga naman!
"Ayan! Kaka-absent mo ay hindi mo alam na may seating arrangement tayo sa klaseng 'to," WHAT IN THE WORLD IS SEATING ARRANGEMENT?
"Wow! Kung makapagsalita ka ay akala mo hindi ka uma-absent!" I flip my hair in irritation.
Ang lakas naman talaga ng loob ng deliquent na ito na pagsabihan ako, ano? "What if I want to to seat here?" Dugtong ko pa.
"Yes naman, Allison!" At pumalakpak pa siya. Nakakairita talaga ang presensya niya. "The curly haired girl is English speaking!" Sabay hawak niya sa buhok kong kulot ang ilalim at mukhang manghang mangha parin siya sa page-English ko. The nerve!
"Binibiro lang kita. Ito na, uy! Masyado ka kasing seryoso." Nakangisi niyang sambit.
Inirapan ko lang siya.
Mga ilang sandali lang ay dumating na ang propesor namin sa minor subject na ito. Mukang bading at may British accent pa. Nag-discuss lang siya ng gagawin namin tungkol sa thesis at sa sobrang malas ko ay si Sky ang naging ka-partner ko. Lagi nalang!
May natitira pang tatlumpung minuto pero dinismiss niya na kaagad kami, para daw mapagplanuhan na namin ang thesis.
"Huy, Allison! Grabe. Galit ka kagad? Hindi naman ako yung may kasalanan kung bakit tayo naging mag-partner ah?" Habol ni Sky sakin habang papalabas ako ng classroom.
BINABASA MO ANG
Never Had I Ever
RomanceCrescent University. Sa ekwelahang ito ay mayroong pinakahihintay na "laro" ang mga estudyante taon-taon na tinatawag na NEVER HAD I EVER. Sa larong ito, face your fears ika nga. Gagawin mo ang isang bagay na hindi mo pa nagagawa kahit kailan. Kaya...