Chapter 20

1.2K 40 4
                                    

Chapter 20: Just Friends



Nagsipalakpapakan ang mga kaklase ko pagkatapos ng ginawa ko. Inilapag ko ang bola sa isang tabi. Umupo ako sa tabi ni Chelsea.

Tumatagaktak ang pawis ko galing sa aking noo. I'm pretty sure that I look horrible right now.

Nilingon ko si Sky kung saan siya kanina nakapamulsa ngunit wala na siya duon. Parang kanina lang ang titig na titig siya sa akin. Ang bilis naman yata niyang nawala.

Habang nagpupunas ako ng pawis ay naririnig ko parin ang mga kaklase kong lalaki na binibiro ako. Wala naman sigurong masama kung makipag-interact ako sa mga kaklase ko, right?

Sinabayan ko ang mga biro nila and I'm cool with it nila kaya mas lalo silang nagsihumagalpak sa tawa. Hay, boys.

"Galing!" Sambit ni Jennifer sa akin. Siya na ang susunod kay Chelsea sa practical.

"Thanks! Goodluck! Ikaw na ang next," Sambit ko.

Na-realize kong mas mabuti palang wala si Sky dito dahil sigurado akong mukha akong ewan ngayon. Pawis na pawis ako at medyo gulo na din ang aking buhok mula sa pagkakatali nito.

6 over 10. I'yan ang nakuha kong score mula sa practical kanina. Bagsak i'yon dahil 7 ang passing score. Hindi ko nga alam kung bakit ako pinalakpakan ng mga kaklase ko kanina dahil alam ko namang mali ang mga pinaggagagawa ko.

Nagtawag pa ng ilang mga pangalan ang propesor namin kabilang na duon si Jennifer. Si Chelsea naman ay nasa tabi ko na. Parehas kaming nagpupunas ng pawis.

"You're great! You got nine!" Sambit ko sa kanya.

"Thank you! Maybe because I'm playing volleyball since highschool," Sambit naman niya.

Napagalaman kong naglalaro na talaga ng volleyball ang magpinsan simula pa noong highschool kaya naman hindi na ito naging mahirap para sa kanila.

Parehas nakakuha ng nine ang dalawa samantalang ako ay isa sa mga nangungulelat. Wala talaga akong amor pagdating sa mga sports. Modelling talaga ang first love ko mula pa noon kaya hindi ko na napagtuunan ng pansin ang mga ganitong bagay simula noon.

Nagpaalam sa akin ang dalawa dahil may susunod na klase pa daw sila. So ako nanaman mag-isa. Uy, hugot!

Isa-isa nang nagsisialisan ang mga kaklase ko samantalang ako ay nagliligpit pa lamang ng gamit. Nagpaalam pa sila sa akin.

"Change your clothes now," Masungit na sambit ng lalaking naka halukipkip sa gilid ko.

Nilingon ko siya at nakita ko ang nakasimanggot na mukha ni Sky.

"Kahit hindi mo sabihin magpapalit na talaga ako ng damit. Ang init!" Inirapan ko siya at nagpatuloy ako sa pag-aayos ng gamit bago ako dumiretsyo sa locker room para magpalit.

"Bilisan mo dahil kitang-kita ko ang itim mong bra simula dito." Mariin niyang sambit. Nilingon ko siya at nakita kong pumula ang kanyang pisngi.

"Pwede ba! Sports bra ang tawag jan tsaka anong problema mo?" Iritable kong tugon.

I do wear sports bra and sweatpants when I go to gym so I think there is no problem with it. At isa pa, naka t-shirt naman ako kaya anong ikinasusungit ng isang 'to?

"I said change so just change." Masungit parin niyang sambit.

"Whatever!" Tugon ko at saka ko siya nilagpasan para pumunta sa locker room.

Never Had I EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon