Chapter 28

1K 41 6
                                    


Chapter 28: Agos


Mabilis akong lumabas ng classroom. Nakakailang hakbang pa lang ako ay narinig ko na ang boses ni Sky na hinahabol ako.

"C'mon, Allison! Mag-usap tayo!" Rinig kong sigaw niya.

Narinig ko pang kinausap niya si Blue bago nagpatuloy sa panghahabol sa akin.

Naglakad ako ng mabilis hanggang sa makarating ako sa hagdanan. Medyo bumagal ang paglalakad ko dahil nag-iingat akong h'wag malaglag dahil sa pagmamadali. Naka-5 inches pumps at dress pa man din ako at marami parin akong bitbit.

Mabilis na tinakbo ni Sky ang pagitan naming dalawa nang makarating ako sa lobby ng building na 'to.

"Aray!" Daing ko nang marahas niyang hinigit ang braso ko.

"Ano ba?" Iritable ko pang tanong sa kanya.

"Mag-uusap tayo." Mariin niyang sambit na tila ba kailangan kong sundin 'yun.

"Wala tayong dapat pag-usapan! Tsaka ano ba? May klase pa ako!" Medyo malakas kong sambit habang pumupiglas ako mula sa pagkakahawak niya sa braso ko.

"Wala? Kung wala edi okay fine. Just pay me," Gusto kong matawa sa inis.

Pay? Dahil ba duon sa pagsakay ko sa kotse n'ya kaya niya ako hinahabol ng ganto?

"Magkano ba?" Nilabas ko ang wallet ko at tinignan ko s'ya.

Kumunot ang noo n'ya na tila ba na-offend sa ginawa kong paglabas ng wallet at sa tanong ko.

"Marami ako n'yan," Masungit niyang sambit.

Alam ko, Schreiber. Alam ko. Nakabili ka nga ng librong worth 3 million pesos na hanggang ngayon ay pinanghihinayangan ko parin. Baka nga mas mayaman ka pa sa inaakala ko, e.

"Pay me with your time. Sasama ka sa akin buong araw. Sa pigeon hole mo nalang isubmit ang mga blue print na yan," Dugtong niya pa at saka kinuha ang ilang blue print at laptop na hawak ko.

Naglakad siya habang dala dala ang ilan sa mga gamit ko papuntang parking lot. Sinundan ko siya.

"Are you kidding me? Mahal ang oras ko!" Sigaw ko sa likuran n'ya ngunit parang mas gusto ko yata ang suggestion niyang huwag na umattend ng klase at ilagay nalang ang mga ito sa pigeon hole.

"Then I will pay you. Magkano ka ba?" Kumunot ang noo ko sa tanong n'ya.

"Hindi ako bayarang babae!" Sigaw ko.

Bumaling siya sa akin. "You know that's not what I mean!"

Mabilis niya akong pinagbuksan ng pintuan at wala na akong nagawa kundi sumama sa kanya. Magpapahatid lang ako sa kanya sa faculty. Pagkatapos nun ay mag-iisip ako ng magandang paraan kung paano ako makakatakas sa kanya.

Nakarating kami sa faculty ng propesor namin. Sinabi ko kay Sky na h'wag na siyang sumama para mas mapadali ang pagtakas ko sa kanya pero sumama parin siya.

"Magc-C.R. lang ako. Sa parking lot mo na lang ako hintayin," Sambit ko.

Tumanggo siya. Nakita kong bumaba na siya sa first floor.

Pumasok ako ng CR. Nagtagal pa ako dito ng ilang minuto tsaka ako lumabas. Pagbaba ko ay sinigurado ko munang wala si Sly sa paligid ngunit ng pagliko ko para makalabas ng building ay nandoon si Sky.

"Saan ka pupunta?" Tanong n'ya sa akin.

"Hindi ako sasama sa'yo!" Kaagad akong naglakad papunta sa kabilang direksyon.

Never Had I EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon