Chapter 39: Iiwan
Pumikit ako ng mariin at inisip kong mabuti ang mga sinabi ko kay Sky na hindi ko siya boyfriend at wala siyang karapatang pagbawalan ako sa mga gusto kong gawin. Wala naman akong sinabi mali hindi ba?
Pinaulit ulit ko sa isipan kong wala akong dapat ika-guilty pero lintek na hindi ko maiwasang hindi maramdaman iyon.
I checked my phone to see if there is any message from Sky but there is no one. Should I text him that I'm sorry? Darn, Allison! Why are you sorry? You didn't do anything wrong so why would you say sorry?
Umikot ako sa kabilang bahagi ng kama para makatulog. Ilang oras na akong nagpapagulong gulong sa kama ko pero hindi ako pinapatahimik ng mga eksenang nangyari kanina.
Bumangon ako para uminom ng tubig at uminom ng sleeping pills. I checked the clock and it's already 3AM. Naalala kong tuwing 3AM daw lumalabas ang mga kaluluwa dito sa earth kaya naman mabilis din akong umakyat sa second deck dahil takot ako sa mga multong yan.
Kinabukasan ay nasinagan na ako ng araw galing sa bintana ng unit namin. Bakit ba nakabukas nanaman ang mga kurtina?
Tamad kong sinarado ang bintana at bumalik ulit sa mahimbing kong pagkakatulog. Ilang minuto akong nag-focus sa pagbabalik ng tulog ko pero hindi ko nagawa.
Kinusot ko ang mga mata ko at chineck ko ang cellphone ko kung may text ba galing sa mga kakilala ko. Mayroong isang text na hindi ko alam kung kanino galing.
Unregistered number:
Good morning, ganda ganda! I'm pogi pogi. Please save my number. :)
Gusto kong ibato ang cellphone ko dahil sa text na iyon. Lakas mang-trip ha? Imbis na i-save ko ang number niya ay binura ko ang message na iyon dahil sa pagka-irita ko.
Naligo at nag-ayos muna ako bago ako bumaba para kumain. Nagbihis ako ng floral navy blue dress at isang pares ng 2 inches brown oxford shoes na may ribbon pang design. I'm so girly for today!
Pagbaba ko ay naabutan ko si Law na tanging maong pants at floral na apron at suot na pang-itaas. Nakatalikod siya sa sa akin habang nagluluto. Shucks! Likod pa lang masarap na!
Si Lauren naman ay parang batang nakahalumbaba sa lamesa na naghihintay sa niluluto ng kapatid.
"Law.. why isn't the rice cooked yet?" Maarteng sambit ni Lauren sabay mwestra sa rice cooker.
Bumaling si Lauren sa akin, "Oh, Ali. Let's have our brunch kuha ka na ng plate mo."
"It will be done in a minute, Lau. Ganun ka na ka gutom?" Ani Law sabay lapag ng beef steak na niluto niya.
Kaagad kong naamoy ang bango ng niluto niya kaya naman kumaha na kaagad ako ng plato ko para makakain na din.
"Good morning, Allison! Kain na!" Ani Law sa akin.
"Good morning! Mukhang masarap 'to ha." Sambit ko sabay upo sa katapat ng upuan ni Lauren.
"Yes, Lawrence! I'm damn hungry so make it fast!" Pasigaw na sinabi ni Lauren sa kanyang kuya.
Sumandal sa sink si Law habang naghuhubad ng apron na suot niya. Kaagad bumalandra sa akin ang kanyang perfectly and delicious sculpted abs.
"Do you want to eat raw, Lau?" Tumatawa at nang-aasar na sambit ni Law kay Lauren.
Uminom ako ni juice na prinipare din ni Law.
"Damn, Lawrence! Sinabi kong Lauren ang itawag mo sa akin, wag Lau!" Nakakunot noong sambit ni Lauren sa kuya niya.
BINABASA MO ANG
Never Had I Ever
RomanceCrescent University. Sa ekwelahang ito ay mayroong pinakahihintay na "laro" ang mga estudyante taon-taon na tinatawag na NEVER HAD I EVER. Sa larong ito, face your fears ika nga. Gagawin mo ang isang bagay na hindi mo pa nagagawa kahit kailan. Kaya...