Chapter 12: Janus Brooks
Kinabukasan ay ang BFF day namin ni Lauren. It's shopping time and we're going to burn our cases down! Too much allowance is the perks of living alone, nga naman.
Sa Crescent piazza ang usapan namin ni Lauren ngayong tanghali. May klase kasi ng umaga si Lauren kaya sa piazza na kaagad ang meeting place namin. Dire-diretsyo akong naglakad papasok and I tell you, nababali ang leeg ng karamihan habang naglalakad ako.
Kaagad kong nakita si Lauren sa iHOP. Nagmadali akong lumapit sa kanya kahit pa naka-killer heels ako.
"They're looking at you." Pambunggad niya sa akin.
"Syempre, pretty yata ako!"
Napansin kong medyo iritado siya. Bakit kaya mukang hindi okay ang isang ito? Wala akong ginagawa, ah! Hindi naman ako natagalan dahil sumakto ako sa pinag-usapang oras.
Pagtingin ko sa harapan ni Lauren ay may kasama pala siya. Siya yun... gangster din na friend ni Sky! Don't tell me friends si Lauren at ang gangster na 'to? Pinigilan kong wag tumingin sa kasamang lalaki ni Lauren. Mamaya ay may masabi akong kung ano at bigla niya akong saktan, mahirap na.
"Paanong hindi ka pagtitinginan, eh, ang laki ng aviators mo. Para kang artista." Ani Lauren.
Binalewala ko iyon at pasimpleng tumingin sa kaibigan ni Sky.
"Lauren, who's he?" Nagtataka kong tanong.
"He is Janus Brooks." Simpleng tugon niya.
"Good afternoon! I'm Janus Brooks. You must be the famous Allison?" Pormal niyang pagpapakilala sa kanyang sarili atsaka naglahad ng palad sa akin.
Nakaka-intimidate ang pagiging pormal niya! Parang hindi siya gangster. Ibang iba sa inaakala ko.
"Good afternoon! Yes, I'm Allison. Allison Reid. Professional model." Tinanggap ko ang kamay niya.
Tinitigan ko ang kanyang mukha and I must admit na may ibubuga din ang isang 'to in terms of looks. Isa siyang perfect example ng lalaking tall, dark, and handsome. Well, not that dark pero moreno siya. Kung iku-kumpara ang kulay ng balat ni Janus kay Sky ay 'di hamak na mas maputi si Sky.
Medyo makapal ang kanyang kilay at pilik mata. Mukhang natural na chocolate brown ang buhok. Matangos ang ilong at manipis ang mga labi. Mukha siyang brazillian model sa unang tingin. He looks so charming. Mayroon din siyang piercing sa magkabila niyang tainga. Sayang! Ayoko talaga sa mga lalaking may hikaw.
"It's my pleasure to meet you, unexpectedly." Ngumiti siya sa akin.
"You're too formal!" Tumawa ako. "Bakit kayo magkasama ni Lauren?"
Umupo ako sa katabing upuan ni Lauren.
"We're getting to know each other." Sagot ni Janus.
Nanlaki ang mga mata ko! Jesus! I shouldn't be here!
" We're not getting to know our shits." Matalim na wika ni Lauren.
I know the typical Lauren. Ganyan siya umasta kapag ayaw niya sa isang tao. Anong kina-aayawan ni Lauren kay Janus? Mukha naman siyang maayos and harmless.
Binalewala ko ang sinabi ni Lauren.
"I'm sorry! I didn't know. I must leave then." Kunwari kong nahihiyang tugon.
"No you're not going to leave me here, Allison." Wika ni Lauren.
Yes I will my dear bestie dahil gusto kitang magka-lovelife.
"I was just kidding, Allison. May pag-uusapan lang kami tungkol sa photo journ. Siya kasi ang president ng mga frosh ng club namin at ako naman ang vice president," Paliwanag ni Janus.
Ibang-iba talaga ang inaakala kong ugali nitong si Janus. Mukha siyang mabait. Mukhang hindi siya bagay kay Lauren dahil maldita ang bestfriend ko. Sayang! Bagay sana sila pero diba opposites do attract? He-he.
Naka-plaster parin ang mga ngiti ni Janus sa kabila ng pangbabara sa kanya ni Lauren. His patience must be so long.
"That's nice! Lauren, I'm sorry! Tumawag kasi sila mommy sa akin kanina at pinapapunta nila ako sa company ngayon, may biglaan akong shoot." Dahilan ko tsaka ako tuluyang umalis.
Phone call my ass! Pinapapunta lang ako ni Mommy dahil nami-miss na daw niya daw ako. The shoot that I was talking about a while ago isn't true. Ilang linggo na kaya akong bakante.
Mukhang sa dorm ako magsta-stay ngayong araw ako, ah. Kakausapin ko nalang ang libro kong ilang linggo ko ng binabasa.
BINABASA MO ANG
Never Had I Ever
RomanceCrescent University. Sa ekwelahang ito ay mayroong pinakahihintay na "laro" ang mga estudyante taon-taon na tinatawag na NEVER HAD I EVER. Sa larong ito, face your fears ika nga. Gagawin mo ang isang bagay na hindi mo pa nagagawa kahit kailan. Kaya...