NOTE: Hope you enjoy it! Please do not forget to VOTE and COMMENT. :)
Chapter 6: Messy Blue Hair
"Ang arte mo." Kunwari akong umirap atsaka ko siya nilapitan. "Sorry na, hehe."
Hindi niya ako pinansin. Sa halip ay inirapan niya ako. Marunong din palang mang-irap ang isang 'to ah. Patience is a virtue, Allison! Habaan mo pa ng konti ang pasensya mo.
"Sorry na!" Mas malambing kong sambit. Tinutusok tuok ko pa ang kanyang tagiliran.
"Damn! Wag mo akong kilitiin!" Umiwas siya sa akin at nakita kong natatawa na siya.
Inulit ko pa ng ilang beses ang pagtusok sa tagiliran niya at panay naman ang iwas niya sa akin. Natapos lang iyon dahil sa pagakbay niya sa akin.
"Ang bigat ng braso mo, ah! Alis!" Pilit kong tinanggal ang braso niyang naka-akbay sa balikat ko.
Kaagad nanuot sa ilong ko ang nakaka-adik at swabe niyang amoy. Kung may gusto yata akong isang bagay kay Sky iyon ay ang pagiging mabango niya. Guys who smell so good are my weakness.
Umirap siya sa akin, "Minsan nga bawas bawasan mo ang pagiging maarte."
"Sino ka para utusan ako?" Sagot ko pabalik.
"Sino ako? Ako ang forever mo pero hindi tayo magbe-break sa twenty three." Sambit niya.
Kumunot ang noo ko. Anong pinagsasabi ng gangster na 'to? Forever daw? Walang forever 'no!
Parang kanina lang ay galit siya pagktapos naman ngayon ay mang-aasar nanaman.
"Medyo corny ka dun."
"Hehe" Tumawa siya. "Joke lang, paano ba kasi yung gagawin natin?"
"I don't know. Hindi naman ako makikipag-cooperate." Pag-amin ko sa kanya. "Especially not with you!" Dugtong ko sabay turo sa kanya.
"Madali naman akong kausap," Tumango tango siya. "Kung ayaw mo sakin edi ikaw nalang mag-isa." Pagkatapos ay naglakad siya palayo.
"Feeling mo sasali ako? Ikaw na lang, isama mo yung forever mo! Adios!" Akala niya siya lang may huling salita ah?
We both walked in opposite direction.
Umuwi na lang ako sa dorm namin dahil wala ng akong ganang pumasok sa susunod na klase ko. All thanks to that blue haired guy.
"Allison!" Kinalabit ako ni Lauren.
"What?" Bugnot kong tugon habang nakatalukbong ng kumot. Hindi ko namalayang nakatulong pala ako.
"Get up! May naghahanap sa'yo." Sino namang maghahanap sa akin?
"Please tell to whoever that person is that I'm already dead." Walang gana kong tugon. Inaantok pa ako please lang ha.
"Tatayo ka ba dyan o bubuhusan kita ng mainit na tubig?" Pagbabanta niya sa akin.
Being Lauren's bestfriend for almost five years, alam ko, kaya niyang gawin sa akin yon. Kaya mabilis pa sa tilaok ng manok ay bumangon ako ng kama kahit pa antok na antok ako.
"Gising na ako!!" Bumangon ako ng kama at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Sky na nakahalukipkip sa paanan ng kama ko.
Like holy mother of macaroni?! Sigurado akong gulo-gulo ang buhok ko at meron akong mga bedsheet marks sa mukha ko at mukha akong losyang at may panis na laway pa ako at hindi ako presentable ngayon. Bakit nandito sa loob ng dorm namin ang gangster na ito?
BINABASA MO ANG
Never Had I Ever
RomanceCrescent University. Sa ekwelahang ito ay mayroong pinakahihintay na "laro" ang mga estudyante taon-taon na tinatawag na NEVER HAD I EVER. Sa larong ito, face your fears ika nga. Gagawin mo ang isang bagay na hindi mo pa nagagawa kahit kailan. Kaya...