Chapter 34

1.1K 41 2
                                    

Chapter 34: Positive Sides


Kinabukasan ay mabilis natapos ang unang araw ko sa aking second term. Puro pang hapon ang mga klase ko kaya naman tuwang tuwa ako dahil hindi ko na kakailanganin pang gumising ng maaga.

Nagba-bake ako ng mga cupcakes ngayon para kay Blue, Sky at para na din kay Janus. Ni-hindi ko na-imagine na ipagba-bake ko sila lalong lalo na si Blue ngayon dahil hindi kami okay ni Blue.

Ito nalang din siguro ang way ko para makapagpasalamat dahil ayon kay Sky ay si Blue talaga ang gumawa ng paraan para makapasok ako bilang isa sa mga exclusive models ni Mrs. Pezquina.

Up until now, I still cannot believe that I'm already one of Mrs. Pezquina's exclusive models. Ang binigay na envelope sa akin kagabi ni Sky ay naglalaman ng exclusive contract ko para kay Mrs. Pezquina. Hindi lang yan dahil ako din ang nakuhang model na exclusive na magpo-photoshoot dito sa loob ng Crescent kahit hindi naman ako nag-submit ng requirements. It was all because of Sky.

Walang mapaglagyan ng galak ko hanggang ngayon! Kaya naman ipinagba-bake ko silang tatlo ngayon bilang pasasalamat ko.

Pagkatapos kong mag-bake ay inilagay ko ang mga cupcakes sa tatlong box. Nag-iwan din ako ng ilang piraso para sa amin ni Lauren.

Ihiwinalay ko ang kay Blue pagkatapos ay nilagyan ko ng pangalan niya at maikling note sa ibabaw.

To: Blue

Thank you. :)

XOXO, Allison.

Pagkatapos kong lagyan ng maikling note ay lumabas na ako kaagad ng unit namin at bumaba sa unit nila. Sa pagkaka-alam ko ay sa fifth floor siya kaya naman doon ako nagpunta. Nag-door bell ako at kagaad naman niya akong pinagbuksan.

"Uh, hi!" Pambunggad ko sa kanya.

Inabot ko ang isang box ng cupcakes sa kanya at tinignan lamang niya yun. Mukha siyang nagulat sa pagpunta ko dito sa unit nila at binibigyan ko pa siya ng cupcakes.

Sino ba naman kasing maniniwala sa ginagawa kong ito? Halos kamuhian ko siya noon at ganun din siya sa akin. Hindi naging maganda ang umpisa namin ni Blue ngunit baka pwede namang magsimula kaming muli.

"Para sa'yo.. um salamat nga pala." Dugtong ko.

Binuksan siya ng malapad ang pintuan, "Allison, pasok ka."

Inabot kong muli ang cupcakes sa kanya at tinanggap naman niya yun, "Ano.. wag na. Nag-drop lang talaga ako dito para inabot 'to tsaka para mag-sorry and thank you sa'yo,"

"Ah, wala yon. Si Sky ang humingi ng pabor sa akin, hindi ko matanggihan," Bahagya siyang ngumiti. "Salamat nga pala dito," Itinaas niya ang cupcakes na iniabot ko sa kanya.

"Tsaka pasensya ka na sa mga nasabi ko dati. Talagang—" Yumuko siya.

"Do you really like Sky that much?" Nagulat yata siya sa tanong ko kaya naman bigla niya akong hinarap.

"Oo, Allison. Dati pa. Kaya hindi kita matanggap pero ayos na ako ngayon," Ngumiti siya sa akin.

"Okay lang, I understand. Ano, sige. I gotta go," Paalam ko sa kanya.

"Salamat din. Sige," Nakita kong tinanaw niya ako hanggang sa makarating ako sa elevator. Kinawayan niya ako kaya naman muli akong nagsalita.

"Enjoy your cupcakes!" I waved at her as the door of the elevators closed.

Nakahinga ako ng maluwag pagkatapos ng pag-uusap naming i'yon ni Blue. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan dahil doon.

Dinungaw ko ang cellphone ko at tinext ko si Sky.

Never Had I EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon