Chapter 18

1.1K 40 6
                                    

Chapter 18: Full Name


Kinaumagahan ay maagang umalis si Lauren para sa kanyang officer duties. Kaya naiwan nanaman akong magisa sa dorm ngayong umaga.

Bumaba ako at nagtungo sa kitchen para maghanap ng makakain. Ayokong magluto kaya toasted bread at gatas ang napagdiskitahan kong kainin. Nagtoast ako ng dalawang tinapay sa tasty at saka uminon ng gatas.

Naalala kong malapit ko ng matapos ang proposal thesis namin ni Sky at hindi ko na kakailanganin ang tulong niya. Joke! Syempre kailangan niyang tumulong sa akin 'no! Talagang matatamaan siya sa akin kung hindi nanaman siya pwede ngayong araw.

Tinignan ko ang cellphone ko para mag-check kung may na-receive ba akong mahahalagang emails ngayong araw. Nakita kong may anim na text si Sky duon.

Sky Schreiber:

What are you doing?

Sky Schreiber:

I'm on my way home. Are you still up?

Sky Schreiber:

I guess you're already asleep. Good night.

Sky Schreiber:

Good morning, Allison!

Sky Schreiber:

Kumain ka na?

Sky Schreiber:

I'm outside your dorm.

I didn't know na texter pala si Sky. Why is he pestering me, ha? Halos sumakit ang ulo ko kakaisip ng bagong ideya para sa thesis namin tapos siya ay pa-text text lang?

Nawindang ako sa huling text ni Sky ngayong umaga kaya dali-dali akong umakyat para magtooth brush, maghilamos at magpalit ng mas disenteng damit. I should look presentable whenever Sky is around. Nakakahiya naman kung may muta at bad breath pa ako 'no.

Nagpalit ako ng simpleng spaghetti strap at maong shorts. Mas presentable na ito kumpara sa suot kong over sized shirt kanina at gulo-gulo pa ang buhok ko. Naglagay din ako ng konting tint sa lips para hindi naman akong mukang pale.

Pababa na ako ng hagdanan nang naisipan kong mag-pabango muna. Nag-spray ako sa iilang bahagi ng aking katawan at dumiresyo na ako sa baba.

What's with my pagpapaganda thing with Sky? I don't get myself too. The only thing that I know is that I need to to be presentable in front of Sky. End of conversation.

Kinalma ko muna ang aking sarili bago ko buksan ang pintuan. Okay, calm the hell down Allison! Act normal!

Sinalubong ko siya ng tanong kong, "Anong ginagawa mo dito?" At pinagtaasan ko pa siya ng kilay.

Kailangan kong umakto ng normal or maybe pwede ko din siyang iwasan dahil ayokong mahalata niyang may gusto ako sa kanya. Ew, Allison! I didn't imagine na magkakagusto ako sa lalaking ito.

Kung anong sungit ng bungad ko sa kanya ay siya ding galak ng bati niya sa akin, "Good morning, Allison!" Masigla at naka ngiti niyang sambit.

Muntik ng malaglag ang panga ko dahil sa guwapo niyang muka at sa lintek na ang bango niya! Naka simpleng navy blue v neck shirt, khaki shorts at janoski siyang sapatos. Mayroon din siyang isang diamond piercing na kumislap pa dahil sa sinag ng araw.

May dala siyang dalawang kape na galing sa Starbucks at ipinakita niya 'yun sa akin, "Coffee?" Alok niya.

"Ano yan pampalubag loob?" Pinagtaasan ko siya ng kilay, "Hindi ako nabibili ng kape 'no! Pumasok ka na nga. Mamaya ay may makakita pa sa'yo," at magustuhan ka pa nila.

Never Had I EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon