Chapter 17: Jealous
Nagdaan ang isang boring na araw. Nagliligpit ako ng gamit ko at naghahanda na para makapagpahinga sa dorm. Finally, I'm going to sleep! 15:00 pa lang naman kaya pwede pa akong matulog bago kami gumawa ng proposal thesis ni Sky mamayang 17:30.
Naramdamam kong nag-vibrate ang phone ko ng dalawang beses. Sino naman kaya ang nag-text sa akin?
May isang mensahe akong natanggap at isang email. Ang text ay galing kay Sky at ang email naman ay galing sa isang modelling firm kung saan exclusive si Mrs. Pezquina.
Kaagad akong nabuhayan ng loob. Sana ay nakapasok ako sa line up ng mga models para sa up coming wet and wild party na gaganapin sa isang exklusibong resort. Fingers crossed!
Una kong binuksan ang text na galing kay Sky dahil naniniwala ako sa kasabihang save the best for last.
Sky Schreiber:
Sorry, can't show up tonight for our thesis making. Tomorrow, perhaps? Please reply back.
Bakit hindi ka pwede?! Ikaw pa mismo ang nagsabing sisimulan natin after class. Ano, napa-asa nanaman ba ako? Kaagad akong nag-reply.
Ako:
Why? Kakainis! Mala-late tayo ng pass ng proposal kung hindi pa natin sisimulan. This Friday na yun. Wednesday na ngayon.
It's not that I like him at gusto ko siyang makita. Sa Friday na kasi talaga ang pasahan ng proposal at Wednesday na ngayon at sa tingin ko ay hindi namin kayang tapusin i'yon sa loob ng isang araw.
Sky Schreiber:
Nagpapasama si Blue. Sorry.
Kaagad umakyat ang dugo ko sa ulo dahil sa reply niya. So mas mahalaga yung Blue na yun kaysa sa pag-aaral niya? Kaysa sa thesis namin? Matatanggap ko pa sana kung valid yung reason pero hindi eh, si Blue lang pala.
Hindi ako nag-reply. Kung ayaw niya ay ako na lang mag-isa ang gagawa. In the first place ay hindi ko naman siya pinipilit.
Wala akong magawa dahil alam kong mas pipiliin niya yung bestfriend niya kaysa sa akin. Of course he would always and definitely choose that tomboy over me. Sino lang ba ako, diba?
Ipinasantabi ko na muna ang inis ko kay Sky at kaagad kong binuksan ang email ko. Sana talaga ay nakapasok ako kundi ay quotang quota na ako sa bad luck ngayong araw.
Subject: Unleash Yourself: Wet & Wild Party Line-up of models
Congratulations! If you received this mail it means that you are one of our exclusive models for the said event. Expect a call from us for more details. Please don't forget to leave a reply on this mail for confirmation.
Thank you.
Have a great day!
Kaagad kong pinindot and reply at nagsabing makakadalo ako at nag-iwan na din ako ng aking numero. Yes! Finally after so many turn downs from Mrs. Pezquina ay makakasama na ako ulit sa line-up ng female models niya.
Nakangisi akong naglakad papunta sa kotse ko. Hindi ko tuloy maialis ang malaking ngisi sa aking muka. I feels so good to be part of that line up! Pinaandar ko ang kotse ko at nagtungo papunta sa dorm.
Halos takbuhin ko na ang tatlong palapag na dorm namin kahit naka-heels pa ako. Hindi na ako makapaghintay ibalita ang magandang mensaheng ito kay Lauren. Ngunit naalala kong busy sa photo journalism ang bestfriend ko.
BINABASA MO ANG
Never Had I Ever
RomanceCrescent University. Sa ekwelahang ito ay mayroong pinakahihintay na "laro" ang mga estudyante taon-taon na tinatawag na NEVER HAD I EVER. Sa larong ito, face your fears ika nga. Gagawin mo ang isang bagay na hindi mo pa nagagawa kahit kailan. Kaya...