Chapter 48: Sudden Burst Of Emotion
Katulad ng ibang mga turista at foreigners ay masasabi kong isa siya sa magagaling na nakikipag sayaw sa hampas ng mga alon. Tumaas ang alon sa likuran niya at unti unti siyang bumagsak sa tubig. Nagtawanan muli ang mga kasama niya dahil sa kanyang pagbagsak.
Nang medyo humupa ang alon ay lumangoy siya papunta sa pampang. Hawak hawak niya na ngayon ang kanyang surfboard at naglakad papunta sa kanyang mga kasamahan. Sinalubong siya ng isang babae at kinuha nito ang hawak niyang surfboard.
"Fuck." Rinig kong mura ni Lauren sa aking likuran.
Marahil ay nakita or nalaman ko na ang kung anong tinatago nila sa akin kanina. Of all those places ay bakit dito pa?
Nakasuot siya ng board shorts at napansin kong mas tumangkad at lumaki ang kanyang katawan. Mas pumuti rin siya at laking gulat ko dahil kulay itim na ang kanyang buhok. Saglit akong nakatitig sa kanya dahil sa pagkamangha.
"Sky!" Biglang sigaw ni Gail na nasa tabi ko.
Lumingon si Sky sa amin. Sa unang pagkakataon pagktapos ng apat na taon ay muling nagtama ang aming mata. He still gives me that feeling na sa kanya ko lang nararamdaman. Para akong nakuryente dahil sa isang sulyap na yon. Kaagad akong nag-iwas ng tingin dahil naghuhumarentado ang sistema ko na hindi naman dapat.
Nakangisi at tumatawa siyang naglakad papunta sa kinaroroonan namin. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung haharapin ko ba siya o aalis ako dito. Pero hindi, hindi dapat ako umiwas. Magkaka usap at magkaka usap parin naman kami kaya hindi dapat ako umiwas.
Tsaka ang isa pa ay it's been four long years, malamang sa malamang ay nakalimutan na niya ang simpleng pagkakaunawaan na mayroon kami noon at ako na lang itong umaasa pa rin. Nakakahiya. Dapat ay cool na ako sa bagay na ito.
Kahit naghuhumarentado ang buong sistema ko ay kailangan hindi ako magpadala sa nararamdaman ko. Kung hindi ko siya haharapin ngayon ay kailan? Maghihintay nanaman ba ako ng taon bago ko ulit siya muling makita?
"What the hell, Gail? Bakit mo tinawag?" Medyo galit na utas ni Jennifer.
Tanging hagikgik ang narinig kong tinugon ni Gail.
Bago pa man makalapit ng tuluyan sa amin si Sky ay unti unting umurong ang sikmura ko. I will admit, duwag ako. Hindi ko pa pala kaya.
"Excuse me." Paalam ko at saka tumalikod sa kinaroroonan nila.
Huminto ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses niyang miss na miss ko na. I know that I'm getting too emotional right now, I don't care.
"Allison." Tawag niyang muli.
What the freak? Para akong na-estatwa sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung ipagpapatuloy ko ba ang paglalakad palayo, palayo sa kanila, palayo sa kanya o haharapin ko sila.. siya.
Huminga ako ng malalim at nag-tiim ako ng bagang. Kahit na umuurong ang sikmura ko at naduduwag ako ay ayoko namang maging bastos. He's calling me.
Unti unti akong humarap, nagpipigil ng emosyon. "Yes?" Sambit kong hindi makatingin ng diretsyo.
"Kamusta?" Nakangiting bati niya sa akin.
Anong isasagot ko? Ang simpleng tanong niya na kamusta ay hindi ko man lang magawang masagot. Naubusan yata ako ng laway o biglang umurong ang dila ko.
"Ayos naman," Tangi kong sagot.
Medyo nanghinayang pa ako sa sinagot ko. Sobrang dami kong gustong sabihin at itanong sa kanya at tanging "ayos naman" lang ang nasabi ko.
BINABASA MO ANG
Never Had I Ever
RomanceCrescent University. Sa ekwelahang ito ay mayroong pinakahihintay na "laro" ang mga estudyante taon-taon na tinatawag na NEVER HAD I EVER. Sa larong ito, face your fears ika nga. Gagawin mo ang isang bagay na hindi mo pa nagagawa kahit kailan. Kaya...