Chapter 22

998 31 3
                                    

Chapter 22: Fifteen Years Ago 


Paggising ko kinabukasan ay sobrang sakit ng ulo. Hinawakan ko ang sentido ko para kahit papaano ay maibsan ang sakit ngunit wala i'yong naging epekto.

Nakita kong maga-alas diyez na ng tanghali. Kaya napagdesisyunan ko na ring bumaba kahit pa iniinda ko ang sakit ng aking ulo.

Bumangon ako ng kama at iika ikang bumaba patungo sa kusina. Ang sakit din ng paa ko dahil naapakan ito ng ilang beses noong nagsasayaw ako sa dagat ng mga tao.

Nakita ko pa ang reflection kong sabog ang mahahabang buhok at suot ko parin ang suot ko kagabi.

"Kumain ka na muna bago ka maligo," Sambit ni Lauren na nanonood ng T.V. sa living room.

Nakita kong may nakahaing crab soup, toasted bread at juice sa lamesa. Kaagad akong ginapanggan ng gutom.

"Ikaw ang nagluto nung soup?" Tanong ko.

"Nope, anong alam ko sa pagluluto?" Sambit niya habang tutok na tutok sa pinapanood niya na nakataas pa ang paa sa center table, "Pumunta si Lawrence dito kanina. Inutusan ko siyang lutuin yan," Sambit niya.

"So do you mean kuya mo pa ang nagluto nito?" Hindi ko makapaniwang tanong dahil nagawa niyang utusan ang kaniyang nakatatandang kapatid.

Biglang sumagi sa isip ko ang nangyari kahapon dahil nabanggit ni Lauren si Law. Ano nanaman kayang nangyari kay Luna Crescent at bakit siya nanduon kagabi?

"Yes, and so? Kumain ka nalang jan ha, Allison? Para pagkatapos mo ay makapag-ayos ka na. Nakakatakot kang tignan," Maarte niyang sambit na tila ba nandidiri sa akin.

" Gusto talaga kitang videohan kagabi dahil mukha ka talagang na-rape," Dugtong pa niya.

"Sorry naman ha?" Sarkastiko kong tugon sa kaniya.

Tinikman ko ang niluto ni Law at hindi ko maipagkakailang masarap nga i'yon. Kaagad ko i'yong naubos. Medyo nawala na ang sakit ng ulo ko pagkatapos kong kumain. Naligo ako at nagbihis ng simpleng pambahay.

Chineck ko ang emails ko ngayong araw ngunit wala parin akong natatanggap na reply mula sa agency ni Mrs. Pezquina. Dapat ay matanggap ko na i'yon anumang oras ngayon dahil sa susunod na Sabado na ang event na i'yon.

Sinunod ko namang tinignan ang mga text messages mula sa iilan kong kakilala. Nakita ko ring may limang text si Sky duon. Kaagad kong dinilete ang thread ng aming mensahe at hindi na ako nag-abalang basahin pa ang mga i'yon. Bakit at para saan pa, hindi ba?

Ang mga sumunod pang mensahe ay puro good morning texts na lamang. Binalewala ko ang mga i'yon.

Isang mahaba at boring na araw nanaman ang nagdaan. Ginawa ko na lamang abala ang aking sarili sa panonood ng Korean Drama na aking tinatapos.

Nang mag-alas kuwatro ng hapon ay ipinahinga ko ang aking mga mata mula sa panonood. Ilang episode na lamang ay matatapos ko na i'yon.

Napagdesisyunan kong mag-gym sa araw na ito. Nagbihis ako ng sports bra, racer back top, leggings at isang pares ng rubber shoes.

Nilagay ko ang iPod Touch, earphones, Blk water, pamunas at extrang damit sa gym bag ko bago ako nagtungo sa gym. Sa totoo lang ay na-miss kong mag-gym dahil halos isang buwan o mahigit na ang nakalipis simula noong huling pagwo-work out ko.

Pagdating ko sa gym ay konti pa lamang ang mga estudyanteng naririto. Siguro ay pang-umaga ang karamihan okaya naman ay mamaya pa dadating ang iba dahil ala-singko pasado pa lang naman.

Never Had I EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon