Chapter 35: Not Available
Kahit na hindi naman talaga ako required na mag-reply at sumagot sa lahat ng tawag ni Sky ay nagi-guilty ako. Dalawang linggo na din ang nakalipas simula noong huli kaming makapag-usap. Sa pagkakaalala ko ay yun ang minsang dumalaw ako sa unit nila at nagbigay pa ako ng cupcakes.
Siguro ay may-iintindihan naman ako ni Sky dahil talagang sobrang busy ko ngayon. Uma-attend ako sa mga klase ko pagkatapos nun ay nagpho-photoshoot or kaya naman ay videoshoot na kaagad kami kasama ang buong team ni Mrs. Pezquina.
Kaagad ko siyang tinawagan.
Ang unang tawag ko ay hindi niya sinagot. Tinawagan ko siyang muli at doon sinagot na niya ang tawag.
"Hello?" Tanong ko.
"Allison... I'm sorry for being so clingy," Bungad niya sa akin.
"Ha? Hindi naman. Sorry, hindi ako nakaka-reply at sagot sa mga tawag mo. Alam mo namang busy lang talaga ako.."
"No, I understand. Kumain ka na ba?"
Uminom ako ng tubig, "Yup. In fact, kumakain ako ngayon ng lunch ko."
"Ngayon ka pa lang kumakain? It's already three PM."
"Yup. Medyo late na kasi natapos yung shoot. Okay lang naman."
Narinig kong huminga siya ng malalim, "Why don't you just allow me to assist you? Para hindi ka nagugutom?"
Nagpresinta si Sky sa akin bago magsimula ang mga photoshoot naming ito na tutulunggan niya ako sa mga gamit ko at kung anu-ano pa. Tinggihan ko siya dahil may klase siya ng mga oras na i'yon at isa pa ay baka masyado na akong nagiging pabigat. Ayoko naman ng ganun. Kaya ko naman mag-isa.
"Sky, okay lang naman ako."
Hindi siya nagsalita. Matagal na kasi niyang pinipilit ang bagay na i'yon ngunit hindi na magbabago ang desisyon ko.
Nagsalita akong muli, "Care to visit me?"
Ilang minutong naging tahimik ang linya. Hindi parin siya nagsasalita at ako naman ay naghihintay ng isasagot niya.
"Um, why don't we go out for a date? My treat!" Suggestion ko.
"May lakad ako ngayon, e."
"Kailan ka natutong maging pa-bebe ha, Sebastien? Edi sasama ako sa'yo!"
"Alright. Gonna be on the parking lot in 15 minutes,"
Binaba ko ang tawag pagkatapos nun. Nagmamadali naman akong nagpalit ng damit dahil baka in less than ten minutes ay dumating na si Sky. Napakabagal ko pa namang mag-ayos ayos.
Nagbihis ako ng pulang sleeveless jumpsuit at isang pares ng flat shoes. Sinadya ko ng mag-flat shoes dahil baka kung ano nanaman ang sabihin ni Sky. Naglagay ako ng kauting make-up at sinuklay ko ang buhok ko. Hinayaan ko itong nakalugay para na din hindi masyadong exposed ang mga balikat ko.
Sumilip ako sa bintana namin para tanawin kung nasa parking lot na ba si Sky. Kaagad kong namataan ang kanyang itim na BMW 4 convertible dahil sa siya pa lang yata ang nakita kong may ganun dito sa Crescent.
Pagbaba ko ay nakita kong maaliwalas ang ekspresyon niya. Taliwas sa inaakala kong bugnot siya ngayong araw. Lumapit ako sa kanya.
"Saan tayo?" Tanong ko pagkalapit ko sa kanya.
"What are you wearing?" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Bakit? Okay naman ang suot ko?" Nagtataka kong tugon.
BINABASA MO ANG
Never Had I Ever
RomanceCrescent University. Sa ekwelahang ito ay mayroong pinakahihintay na "laro" ang mga estudyante taon-taon na tinatawag na NEVER HAD I EVER. Sa larong ito, face your fears ika nga. Gagawin mo ang isang bagay na hindi mo pa nagagawa kahit kailan. Kaya...