Chapter 42: Gone
Naging tulala ako simula ng maka-uwi ako dito sa dorm hanggang ngayon. I couldn't think of anything I could or probably should I do. Naghahalo halo ang mga bagay-bagay sa isip ko. Ano ang dapat kong unahin? Tatawagan ko ba sila Mommy para sabihing na-kick out ako or pakikiusapan ko ang head admin ng Crescent University na huwag akong i-kick out?
Walang gana kong binalinggan ng tingin si Lauren. Naghahain siya ngayon sa mesa para sa aming hapunan. Masarap ang ulam na niluto ni Law ngunit wala akong ganang kumain.
"Don't tell me you're going to starve yourself, Allison?" Medyo striktang sambit ni Lauren.
Kinuwento ko na sa kanya lahat ng nangyari. Simula sa mga nalaman kong hindi naman talaga namin nagawa ni Sky ang dare namin sa Never Had I Ever hanggang sa pagki-kick out sa amin ni Sky sa unibersidad na ito.
"I don't have my appetite." Simple kong tugon.
Tulala akong nakatingin kay Lauren dahil sa dami ng iniisip ko. Hindi niya pinansin ang sinabi kong wala akong ganang kumain, sa halip ay nakita kong pagkatapos niyang lagyan ng kanin ang plato niya ay nilagyan niya rin ako ng sa akin.
"Masarap ang ulam. Kumain ka." Sambit niya habang naglalagay naman ng Adobo sa plato ko. "Don't worry, sasamahan kita bukas na kausapin si Mrs. Crescent."Nakuha niya ang buong atensyon ko sa sinabi niya. "Ano namang sasabihin ko?"
"We'll tell her again the truth. Na dapat ay hindi kayo ipa-kick out ni blue haired guy,"
"Sky." Pagtatama ko sa kanya. Hanggang ngayon parin pala ay hindi niya alam ang pangalan ni Sky. Napailing na lamang ako.
"Yeah, ni Sky." Umirap siya. "So as I was saying, my god! Bakit ko naman hahayaang ma-kick out ka? Sino nalang ang kasama ko dito?" Nagtaas siya ng isang kilay.
"She will not listen to us. Sky already tried that." Sagot ko.
"We will make her, Ali. Kung kakailanganin kong contact-in si Daddy para gumawa ng paraan na hindi ka ma-kick out ay gagawin ko." Seryoso niyang sambit.
Medyo gumaan ang dibdib ko sa mga sinabi ni Lauren. Her chinese dad has so many connections and I know that he can help us with this.
Ito ba iyong sinasabi ni Sky sa akin kaya hindi na kami puwede? Is it all because of that Never Had I Ever game? Gusto kong murahin ng paulit ulit ang kung sino man ang nagimbento ng larong iyon, but I know that wouldn't solve the issue.
Dinungaw ko ang cellphone ko sa pagbabaka sakaling nag-reply na si Sky sa text ko sa kanya kanina ngunit wala akong nakitang kahit ano mang mensahe.
Tatawagan ko siya mamaya pagkatapos kong kumain at mag-ayos para sabihin ang plano namin ni Lauren.
Nakailang subo lamang ako dahil wala talaga akong ganang kumain ngayon. Nagligpit ako ng pinagkainan namin ni Lauren para mahugasan ko na din.
"Fix yourself at ako na ang maghuhuhas. Baka mabasag mo nanaman 'to." She's pertaining to the incident that happened yesterday on my birthday. I tried to volunteer to wash the dishes ngunit nakabasag lamang ako ng dalawang baso.
"Alright. Thanks, Lauren."
Ngumiti siya sa akin bilang tugon. I somehow find her smile creepy. Siguro ay hindi lamang ako sanay na ganito kabait ang best friend ko. She's always that typical straight forward and has a bit of bitchy personality.
Ipinagkibit balikat ko iyon at umakyat na ako sa itaas para makapag ayos na. Habang nananalamin ako ay hindi ko magawang hindi suriin ang mga mata ko. I wonder why I didn't cry today.
BINABASA MO ANG
Never Had I Ever
RomanceCrescent University. Sa ekwelahang ito ay mayroong pinakahihintay na "laro" ang mga estudyante taon-taon na tinatawag na NEVER HAD I EVER. Sa larong ito, face your fears ika nga. Gagawin mo ang isang bagay na hindi mo pa nagagawa kahit kailan. Kaya...