Chapter 47: Nararamdaman
Inabot ko sa aming driver ang bagahe ko. Isang maleta at isang hand bag lang naman ang dala ko dahil 3 days and 2 nights lang naman kami sa Boracay. Kaya naman nagtaka ako dahil pagtingin ko sa likod ng Hi-Ace van na aming sasakyan ay parang isang linggo o mahigit kaming magsta-stay doon dahil sa dami ng mga dala nila.
Nakasuot ako ng maong shorts, flip flops at boho top. Summer na summer ang dating! Hindi ko tuloy maiwasang hindi ma-excite.
Pagpasok ko sa receiving area ng bahay nila Lauren ay naabutan kong kampanteng naka-upo naman sina Lauren, Gail, Rocelle at ang kanyang boyfriend na si James. Kumakain pa sila ng pasta. Bigla tuloy akong nagutom.
"Hi, guys!" Masigla kong bati sa kanila at isa-isa akong nagbeso sa mga girl friends ko.
"Where's Jenny and Chelsea?" Pambungad na tanong sa akin ni Lauren.
"I dont know, wala naman kaming usapan." Sagot ko.
Medyo nakakunot na ang noo ng bestfriend ko. Ayaw na ayaw niya talagang naghihintay. Sinabihan ko na nga siya dati na patience is a virtue pero wala naman nangyari.
"Teka! Teka! Pakain naman, 'di pa ako nagbe-breakfast." Sambit ko sabay upo sa pagitan nina Gail at Lauren.
"Good thing I asked the maids to cook breakfast. Gutom din na dumating dito yang sina Gail at Rocelle, eh." Sambit ni Lauren.
Inabutan ako ng plate at fork ng maid nina Lauren. Nagsimula akong kumain ng carbonara at garlic break na nakahain.
"My god! Excited na akong mag-boy hunting!" Kinikilig na sambit ni Gail sa tabi ko na pumapapak ng Cheetos.
"Omg!!" Sambit naman ni Rocelle dahilan para tignan siya ng masama ng boyfriend niyang si James.
"Hay, ako din! Excited akong mag--" Hindi pa natatapos ni James ang sasabihin niya nang bigla siyang batukan ni Rocelle.
"James, subukan mo!" Banta ni Rocelle.
"Aray ko naman, babe! Medyo harsh!" Sambit ni James habang hinihimas niya ang kanyang batok. Medyo malakas yata ang hampas ni Rocelle.
"What I mean is excited ako.. sa kwarto.. natin.. na tayong.. dalawa lang," Dahan dahan at may pa-suspense na dugtong ni James.
Kaagad namula ang pisngi ni Rocelle. Okay, edi sila na ang may love life! Hindi ako naiinggit, medyo lang! Iniisip ko tuloy kung makiki-boyhunt ako kay Gail pero medyo wala akong gana.
"'E ayun naman pala!" Pang-aasar ko.
Si Rocelle naman ay hindi naka-imik at napa-"Shut up," nalang kay James.
"Hello!! Ang init!!" Reklamo ni Jennifer sabay hawi ng mahaba niyang buhok.
Nandito na pala sila!
Tinignan ko ang aking relos. Halos limang minuto lang naman silang late. 10AM kasi talaga ang usapan namin pero ewan ko ba dito kay Lauren na laging nagmamadali.
"Hay na'ko, ayaw kaming papasukin ng mga guard sa gate. Kainis!" Sambit ni Chelsea.
"Oh.. bawal ng ma-bugnot, okay? This is our time to party!!" Punong puno ng excitement na sambit ni Gail.
Pagtapos kong kumain ay kaagad na din kaming umalis. Kaming tatlo nina Lauren at Gail ang nasa bukana ng van, sa likod naman namin ay sina Jennifer at Chelsea at ang nasa pinaka likod naman ay sina Rocelle at James.
BINABASA MO ANG
Never Had I Ever
RomanceCrescent University. Sa ekwelahang ito ay mayroong pinakahihintay na "laro" ang mga estudyante taon-taon na tinatawag na NEVER HAD I EVER. Sa larong ito, face your fears ika nga. Gagawin mo ang isang bagay na hindi mo pa nagagawa kahit kailan. Kaya...