Chapter 26: Pag-Iwas
Nanatili akong tulala pagkalabas ko ng elevator.
Gusto kong ipamukha kay Blue na hindi ako apektado sa lahat ng sinabi niya pero hindi ko magawa dahil sobrang naa-epektuhan ako.
Umupo ako sa waiting area ng lobby namin habang kinalma ko ang sarili ko.
"Kanina ka pa?" Tanong sa akin ni Chelsea.
Ngumiti siya sa akin at umikot pa para maipakita sa akin ang suot niyang middrift top at paldang kulay itim na kita ang tiyan. Mukhang pinasadya niya pa ang suot niyang i'yon.
"Bagay ba?" Sambit niya pagka-ikot at tinagilid niya pa ng kaunti ang ulo niya.
"Ang ganda! Bagay sayo!" Kumento ko. Walang halong ka-plastikan.
Kinindatan niya ako, "Thanks!"
Dinungaw ko ang phone ko. Walang ni-isang mensahe duon.
Ilang sandali pa at dumating na din sina Jennifer, Rocelle at Gail. Napansin ko pang pare-parehas silang naka high heels samantalang ako lang ang nag-iisang naka Airmax 90.
Nagkayayaan kaming kumain sa Shakeys dahil nagcra-crave daw si Jennifer sa pizza ngayon. Biniro pa nga namin siya na baka preggy siya dahil sabi ni Chelsea ay noong nakaraang araw pa daw siya nagcra-crave sa pizza.
"Basta ninang ako ha!" Biro ni Rocelle.
"Pag-iisipan ko muna, Rocelle. Baka ma-inherit niya kasi yung height mo," Biro ni Jennifer.
Sabay-sabay kaming natawa dahil duon kaya sinimanggutan kami ni Rocelle. Kawawa talaga siya sa tuwing height ang pinag-uusapan.
"So ako pwedeng maging ninang?" Natatawang tanong ni Gail.
"Pag-iisipan din daw muna ni Jennifer, Gail. O.A. na daw kasi sa tangkad yang height mo!" Si Rocelle na mismo ang sumagot para kay Jennifer.
Natawa kaming lahat maliban kay Gail dahil ayaw na ayaw niyang pinupuna ang height niya. Si Gail kasi ang pinaka matangkad sa aming lima. Medyo inis naman siya sa height niyang "O. A." na daw sa tangkad. Sinisisi din niya ang height niya dahil hirap daw siyang humanap ng matangkad na papi.
Dumating na ang mga pagkain at hindi pa rin natatapos ang usapan at biruan namin tungkol sa height. Sinasabayan ko din minsan ang mga biro nila ngunit hindi ko maiwasang hindi isipin ang lahat ng mga sinabi sa akin ni Blue.
"Ano ba! Wala ngang boyfriend tapos preggy kagad?" Pagtatanggol ni Jennifer sa kanyang sarili.
"Lahat naman tayo walang boyfie dito!" Sambit ni Chelsea.
"Mag-bar naman tayo next weekend!" Sambit ni Rocelle.
"I'm in!" Galak kong sambit.
"Kung sino pa yung may boyfie sa ating lima, siya pa yung go na go 'no? Baka pagalitan tayo ni Sky n'yan!" Biro ni Jennifer.
Oh my God! Oo nga pala. Akala nila ay totoong kami ni Sky kahit hindi naman talaga. Kailangan kong sabihin sa kanila na hindi naman talaga kami ni Sky. Alam kong paniniwalaan nila ako dahil mga kaibigan ko naman sila.
"Guys, hindi ko boyfriend si Sky," Sambit ko.
Sabay-sabay silang tumingin sa akin.
"Alam namin yun, Ali. Kung sana ay kayo talaga hindi na sana siya sumasama kay Blue Greenies!" Sambit ni Chelsea. Sumangayon naman sina Jennifer, Rocelle at Gail.
BINABASA MO ANG
Never Had I Ever
RomanceCrescent University. Sa ekwelahang ito ay mayroong pinakahihintay na "laro" ang mga estudyante taon-taon na tinatawag na NEVER HAD I EVER. Sa larong ito, face your fears ika nga. Gagawin mo ang isang bagay na hindi mo pa nagagawa kahit kailan. Kaya...