Chapter 25

1K 30 6
                                    

Chapter 25: Confrontation


Nandito ako ngayon sa dorm habang hinihintay kong matapos mag-ayos si Lauren. Niyaya ko siyang mag-grocery dahil miski ang stock ng cereals o milk ay naubos na namin.

"Why are you so mabagal?" Salubong kong tanong sa kanya.

Tumayo ako sa sofa mula sa aking pagkaka-upo at pinatay ko ang T.V.

Pinagtaasan niya ako ng kilay at ginaya niya ang tono ng boses ko, "Why are you so maarte?"

Ngumiwi lamang ako sa kanya bilang reaksyon.

Ni-lock ko ang pintuan at bumaba na patungo sa parking lot. Bumukas ang pintuan ng elevator sa 5th floor at nagulat ako dahil pumasok si Blue.

Tinignan niya lamang ako. Hindi niya ako pinansin kaya hindi ko din siya pinansin.

Parehas kaming bumaba sa parking lot. May kotse siya?

Nagtungo kami ni Lauren patungo sa Mazda 3 ko ngunit naka-sunod parin ang mga titig ko sa patalon talon pang si Blue na papunta sa Montero Sport na kulay itim.

Binuksan niya ang pintuan sa likurang bahagi at nahagip ng paningin ko si Sky.

Napa-irap na lamang ako.

Kaya pala patalon talon pa ang nakakairita at tomboy na babaeng ito ay dahil sinundo siya ni Sky na may dala pang driver. Ano, prinsesang prinsesa at tuwang tuwa ka naman ngayon?

"Ano bang tinitignan mo jan, Ali?" Tanong sa akin ni Lauren.

"Give me your keys. Ako na ang magdi-drive," Sambit niya kaya inihagis ko ang susi ng kotse ko sa kanya.

Pumasok ako at umupo sa passenger seat.

Habang naggo-grocery kami ni Lauren ay panay ang saway niya sa akin na huwag masyadong bumili ng marami.

Hindi ko siya pinansin. Tinulak ko ang cart patungo sa mga beverages and frozen drinks section. Kumuha ako ng mahigit sa anim na piraso ng yogurt, yakult, at kung anu-ano pang makita ko na sa tingin ko ay masarap sa aking panlasa.

Naglagay siya ng karne at isda sa cart. Nakita kong kumunot ang noo niya dahil sa mga pinagkukukuha ko.

"Masyadong madami yan, Ali. Sana ay tig-3 lang ang kinuha mo," Sambit niya habang naglalakad kami patungo sa mga gulay.

"Mauubos din naman natin yan, in time!" Sagot ko.

"In time!" Ulit niya. "Madali lang naman mag-grocery ulit," Dugtong niya.

"That's actually my point. Ayokong mag-grocery kaagad kaya much better kung marami tayong bibilhin ng mga gantong pagkain na hindi madaling ma-expire," Mahaba kong litanya.

Hindi siya sumagot. Sa tingin ko ay nakumbinsi ko siya sa aking sinabi kaya naman dali-dali akong kumuha pang muli ng ilang yogurts at milk beverages. Mabilis akong bumalik kay Lauren pagkatapos ng ginawa ko.

Kumuha kami ng mga gulay katulad ng lettuce, cabbage, onion, squash at kung anu-ano pang paboritong gulay ni Lauren. Pinabayaan ko na lang siya. Kumuha din kami ng iilang mga prutas katulad ng grapes, mango, banana, at apple na ayaw na ayaw ko.

Patapos na kaming mag-grocery ni Lauren at nakapila na lang kami sa cashier para magbayad nang bigla kong mapansing wala pala kaming cereals na nakuha. Dali-dali akong tumakbo para kumuha ng dalawang kahon ng Kellogg's. Inilagay ko kaagad ang mga ito sa cart namin.

Never Had I EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon