Chapter 1 - James
Dalawang araw na ang lumipas ngunit di ko parin mahanap hanap ang hayop na 'yun. Maraming nakarinig sa sigaw niya at halos araw araw kong nakikita ang mga tao na nagbubulongan at tinatawan ako. Hindi na ako makatiis kaya may nakasabunutan akong taga ibang department. Galit na galit ako at hindi na kaya ng pasensya ko kaya agad kong nasugatan ang mukha niya.
Pinatawag ako ng Dean ngunit tanging irap lang ang isinukli ko. Walang nagawa ang mga magulang ko kahit may malaking nainvestment sila sa unibersidad na ito. Major offense daw 'tong ginagawa ko at nagkataon na isa sa anak ng faculty ang nasabunutan ko kaya ngayon ay tengga ako sa bahay. At kinuha lahat ng credit cards ko pati susi ng kotse kaya halos mamamatay na ako dito.
"Yaya na saan ba ang mga tao dito?" Tanong ko ng mapadaan ang bago namin katulong. Tinignan niya naman ang posisyon ko sa sofa na kabaliktad ang ulo habang kumakain popcorn.
"Si Madam at Sir po ay nasa kompanya niyo po habang si Ma'am Cassey ay nasa trabaho niya po, tapos po si Ma'am Amethyst ay nasa paaralan niya po samantalang si Sir Jayden po ay may inaasikaso po sa Makati po yata." Sagot niya saakin. Mabuti pa 'tong bagong katulong namin 'di tanga tanga kumpara dun sa isa.
"Ah.." Sagot ko nang akmang aalis na sana siya ng may naisip ako.
"Nandiyan ba ang sasakyan ni Kuya?" Tanong ko. Kumunot naman ang kanyang noo bago sumagot.
"Opo...sasakyan niyo po kasi ang ginamit niya" Sagot niya. Napaayos naman ako ng upo. Bullshit! Dapat alagaan niya 'yun kundi malilintikan ang sasakyan niya.
May naisip naman ako kaya agad akong tumakbo sa taas at iniwan ko ang katulong na gulong gulo. Agad akong pumasok sa kwarto ni Kuya Jayden saka hinahanap ang susi ng sasakyan niya loob ng drawer niya.
Napangisi nalang ako saka nagbihis ng damit. Binuksan ko ang aking isang pang pitaka at tumambad ang pera ko nainiwithdraw ko sa bank account ko noong nakaraang linggo.
Pinarada ko ang sasakyan sa isang Mall sa Makati at hindi mapigilang 'di mapangiti.
Pumasok ako mall at itinaas ko ang aviator na suot ko. Dumiretso ako sa isang coffee shop at halos punoan na. Wala akong pake kaya umorder ako ng isang Mocha Latte. Inilibot ko ang aking mata at natagpuan ko ang isang lalake na nagtetext at walang kasama. Agad akong umupo sa harap niya at laking gulat niya ng makita ako.
"Miss may nakaupo diyan!" Sabi niya habang kinikilatis ang mukha ko. Ngumiti nalang ako ng nakakaloko saka sumagot.
"Really? Bakit wala man lang akong nakita." Inosenteng sagot saka uminom ng Latte at pasimple umuuko. I know, I'm exposing too much skin today but his expression is priceless. Nakita ko ang pamumula niya habang nakatingi sa cleavage ko. Oo, hindi gaano kalaki ang dibdib pero may cleavage parin ako. Damn that bastard.
Nawala ang atensyon ko ng may babaeng nakatayo sa gilid namin. Matalim niyang tinignan ang lalaki na hanggang ngayon ay nakatingin pa saakin bumaling naman siya saakin at pinaglilinsikan niya ako ng mata. Halos matawa ako kasi I can almost see her nostrils from here. Tinaasan ko siya ng kilay at nakita ko ang pag aalburuto niya.
"Babe...nandito ka na pala." Agad tumayo ang lalaki saka hinawakan ang braso ng babae ngunit hinawi niya ito.
"Nawala lang ako bigla, may malandi na agad ang umaaligid sayo." Sabi niya habang pinagtataasan niya ako ng kilay. Tumayo ako saka hinarap siya.
"Excuse me bitch but I never thought that this puppy belong to someone who's ugly." Sabi ko but she rolled her eyes on me. I can really picture out how I will get that eyeballs from her eyes.
"And.." Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at di ko mapigilang di mapatawa.
"She's crazy" Bulong ng babae.
"So that's why your boyfriend keep staring at my boobs." Sambit na ikinalaki ng mata niya.
"How painful it is to have a girlfriend who can never sastify you, right?" Sabi ko sa lalaking nasa gilid ko. I get my bag from the table and I face them.
"Call me later baby." I said, leaving them dumbfounded. Pag alis ko ay narinig ko ang kanilang pagtatalo. I won.
Lumabas ako sa coffee shop at naglibotlibot muna sandali sa loob ng Mall bago nagtungo sa parking lot ng Mall.
At laking gulat ko ng magasgasan ang gilid ng sasakyan ni Kuya Jayden. Agad kong hinablot ang papel na nakaipit sa windshield wiper.
Call me if you can't fix your own car. +9590****
Halos mapamura ako habang dinadial ang numero na nakalagay sa papel. Nang sinagot ng kabilang linya ang tawag ko.
"You freaking damn asshole! How dare you to ruin my car! Get your ass here and clean your own shit..." Napitigil ako sa pagmumura ng bigla niya akong binabaan ng tawag. Halos itapon ko ang cellphone ko. Bullshit! Lagot ako kay Kuya Jayden nito! Mamatay talaga sa sarili kong kamay ang lalaking hayop nato. Tinawagan ko muli ang numero kanina.
"How dare..." Natigil ang pagsasalita ko ng magsalita ang nasa kabilang linya.
"Some people will go there and fix your car. I'm sorry for inconvenience." Sambit ng nasa kabilang linya.
"Don't send your person here! Get your ass here and fix it." Sigaw ko.
"I'm sorry Miss but I have urgent meeting right now. Bye!" Sabi niya saka pinutol niya ang tawag. Agad kong dinial ang numero ngunit di ko nama contact.
Mayamaya ay may dumating na tao para ayusin ang sasakyan ko.
"Excuse me but what's the name of your boss?" I asked.
"Ahh si sir James po." Sagot niya. James huh? I'm going to kill you someday.
--
EDITED
BINABASA MO ANG
Aren't Yours ( Completed )
Romance[ Formely: Back Off Inday is Mine ] Isha Nice Denise Abigail Yna Ford. The one who gets everything under her control, but not her engagement with some jerk in his calvin klein brief. She will do everything at any cost to put him underneath. But th...