Chapter 2 - Live Again
Apat na buwan na ang lumipas ngunit 'di ko parin kilala ang aking sarili.
Ang sinag ng araw ay tumama saaking mukha ngunit nakahiga lamang ako at walang balak tumayo. Lagi akong nagkukulong sa kwarto at madalang kung magsalita. Apat na buwan akong ganyan. Naagaw ng akin atensyon ng may kumatok saakin kwarto. Lumabas 'dun ang lalaking nagdala saakin dito. Ngumisi siya saakin at kumaway.
"Good morning sleepy head" He said. I just rolled my eyes at him. Nag iba ng posisyon upang hindi ko makita ang ngisi niya.
"Wala ka bang balak lumabas? The weather is nice today." Naramdaman ko ang presenya niya sa likod ko. Ngunit hindi ako sumagot. Wala akong balak lumabas, natatakot akong may gawin na naman ako sa sarili ko. I got scared. Kahit ang mga sugat ko sa pulso ay hindi pa rin naghihilom dahil palagi itong nadaragdagan. Kaya nga, inilayo nila saakin ang kahit anumang bagay na pweding makasakit saakin.
"Did you eat cereals again?" Tanong niya ngunit hindi pa rin ako sumagot. Narinig ko ang pagbutong hininga niya.
"Sabi ko naman sayo di ba? Huwag mong araw arawin ang cereals." Narinig ko ang ingay ng plato at kutsara. Hula ko ay kukunin niya 'yun para ilagay sa baba.
Natigilan nalang ako ng biglang may kumuha ng kumot kaya agad akong napaupo.
"Lalabas tayo ngayon, sa ayaw o sa gusto mo." Nagtama ang mga mata namin. Magkahalong emosyon ang nakikita ko ngunit nanaig ang pagod sa kanyang mata. Pareho lang kami, pagod na pagod na rin ako.
"Let's go out for today huh?" Naging malambing ang boses niya. Hindi nakatakas saakin ang pamumula ng kanyang mata.
"I'm...I'm scared" Naramdaman ko ang pag iinit sa sulok ng aking mga mata. Agad niya akong niyakap at doon na bumuhos ang aking mga mata.
"Hush....you have me...I'm always here" Bulong niya saaking tenga. I never been this secured.
"What are you doing?" Taas kilay niyang tanong saakin. Nagtama ang mata namin. No. I can't believe it, napapayag niya akong lumabas.
"Dito nalang ako" Sambit ko ngunit bigla niyang kinalas ang seatbelt ko. Naamoy ko kaagad ang pabango niya. Agad kog iniwas ang mata ko ng maramdaman ko ang paglapit ng pisnge niya saakin.
"There!" Sambit niya at agad niya akong mahinang hinila palabas.
Napatingin agad ako sa paligid. Mga taong nagdaraan. Mga bata na may hawak sa balloon na mahigpit na hinahawakan ng mga magulang, mga grupo ng kabataan at mag nobya. Nawala ang atensyo sa mga taong nagdaraan ng magsalita si Ian.
"Did you like it?" Tanong niya saakin.
"Anong klaseng lugar 'to?" Tanong ko sa kanya.
"A carnaval, sa 'twing kasing sasapit ang fiesta ay magkakaroon ng carnaval dito. What do you think?" Tanong niya saakin habang nakangisi.
"I don't know" I said. Humalo kami sa mga dagat ng tao na katulad namin na naglalakad. They are all excited. May nadadaan kaming mga tindahan na iba't ibang paninda. Mga shake at popcorn, mga umiilaw na laruan, at iba pa. Mula dito ay naririnig ko ang dumagadundong na tili ng mga tao na nakasakay sa mga iba't ibang rides.
Huminto ako ng huminto si Ian sa mga magtitinda ng mga umiilaw na laruan.
"Manong magkano po 'yan?" Tanong niya sa tindero sabay turo sa isang headband na may tenga ng mickey mouse na umiilaw. Napangiwi nalang ako. Gusto niya bang magsuot niyan?
"Sikwenta pesos po" Sagot naman ng tindero. Dumukot ng pera si Ian at binili ang dalawang pares ng headband na umiilaw. Agad niyang isinuot niya saakin ang kulay pink na headband na umiilaw. Tatanggalin ko na sana nang bigla niya rin isinuot ang isang kulay blue na headband na umiilaw din sa ulo niya.
"It's fair. So don't you dare to remove it" Ngumisi siya. Hindi ko maitagong hindi mapatawa. Nakakatawa siyang tignan dahil para siyang bakla.
Nagpatuloy kami sa paglalakad ngunit agaw pansin kami dahil sa suot namin umiilaw ng headband.
"This is so embarassing" Bulong niya. Hindi ko maiwasan hindi mapangiti.
Bigla niya akong hinila palapit sa isang rides. Napatingin ako sa rides na umiikot habang ang tao ay nakatayo at nakasandal sa gilid ng bilog na tanging hawak lang ay magkabilang handle sa gilid. Tumindi naman ang tili ng mga taong nakasakay ng biglang tumagilid ang bilog. May malaking nakasulat sa ticket booth na Galactic.
"Sasakay ka ba diyan?" Tanong ko sa kanya.
"Tayo. Sasakay tayo" Sagot niya kaya kumunot naman ang noo ko.
"Ano? Are you planning to kill me?" Sigaw ko ngunit ngumisi lang siya.
"Then why are you always wanting to kill yourself?" Tanong niya na nagpahina saakin. Humakbang siya saakin at napaatras naman ako. Parang naglaho lahat ng ingay sa paligid, na parang kami lang ang nandito.
"I'm not going to kill you, I'm just want you to live again." Nakatitig ako sa kanyang mga mata. Mga matang punong puno ng misteryo at emosyon.
"Why are you so afraid?" Tanong niya at bigla niyang inilahad ang kamay niya. Nakatitig lamang ako sa kanyang mga mata.
"You have me...and I'm always here, In— Nice." Sambit niya.
Namamawis ang noo ko habang nakatingin sa ibang tao na sumasakay sa rides na sinasakyan namin.
"Isigaw mo lang ang lahat. Lahat lahat, to ease your pain and your misery." Napatingin ako kay Ian na nasa gilid ko. Katulad ko ay nakatayo rin siya habang hawak hawak ang magkabilang gilid.
Tumango lang ako. Namamawis ang palad ko na mahigpit na nakakapit sa handle. Nagsimula akong kabahan ng umandar ang rides. Nakaramdam ako ng init sa malamig kong kamay kaya inimulat ko ang nakapikit kong mga mata. Mahigpit niyang hinahawakan ang kamay ko sa nakahawak sa handle. Ngumisi lang siya.
"I'm always here" Bulong niya bago lamunin ito ng nakakabinging tili ng mga taong nakasakay.
"Shout everything!" Narinig kong sigaw ni Ian sa dagat ng sigaw ng mga tao.
"I hate myself! I want to die! I really want to die! But there is always part of me that...I want to live! Screw everything! I just want to fucking live again!" Sisigaw ko at hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Mabuti na't tumigil ang rides bago ako nanghina at lumagapak sa sahig. Agad akong dinaluhan ni Ian. Humagulgol ako sa balikat niya. I want to live again.
BINABASA MO ANG
Aren't Yours ( Completed )
Romance[ Formely: Back Off Inday is Mine ] Isha Nice Denise Abigail Yna Ford. The one who gets everything under her control, but not her engagement with some jerk in his calvin klein brief. She will do everything at any cost to put him underneath. But th...
