Chapter 33 - Pride

3.1K 64 11
                                        

“ Doc, ano may sakit ba ako?” Tanong ko dun sa doctora nun nakaupo na sya sa pwesto nya.

“ Wala naman akong nakikitang mali iha, “

“ Pero doc, bakit bumibilis ang tibok ng puso ko? Mamamatay na ba ako?”

“ Hahahaha you’re over reacting iha. “

“ Pero doctora! “  Ah basta hindi na normal tong raramdaman ko.

“ Well bumibilis ba ang tibok ng puso pag nakikita mo sya?”

Hindi ah? Ang kapal naman yata ni james kung sya ang dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Hmmp!

“ Hindi noh? Sa twing nakikita ko nga sya sarap nyang sakalin. Grrr! Ay sorry doctora” Sabi ko at nag peace sign sa nakangiti ng doctora. Luh? ‘nu natira neto?

“ See? Hindi pa nga ako nagmemention ng pangalan pero sya agad ang pumasok sa isip mo iha. “ Sabi nung doctora. Teka hindi nya ba na mention si james? Argh! Ang james the great na ‘yun! Ang kapal nya.

“ Well ang masasabi ko lang sayo iha, ay wala kang sakit, at yang abnormalities na nararamdaman mo ay normal lang yan, Pag inlove ka! “ Pagpaliwanag ng doctora. 

“ A-Ah Eh? Ako? Inlove? Kanino?” Tanong ko. Nagugulohan ako.  Magulo din kasing mag explain tung doctora na to eh!

“ Inlove sa taong dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso mo. “ Sabi nun doctora at ngimisi sya. Luuh!

Pero wait nagugulohan parin ako? Ako?  Inlove? Sino? Kay James? Yucks kaderder kaya! Pwe!

“ Hindi pwedi! Ang panget kaya ‘nun james na yun. Doctora alis na ako. Nahihighblood ako sa pinagsasabi mo doctora eh!” Sabi ko at tumayo. Tumawa naman bahagya yung doctora.

Lumabas ako at nagsimulang maglakad, May nakita akong mga pasyente na umiiyak at nasasaktan. Tss. Kaya I don’t like to go here eh! Naalala ko tuloy si mommy, Kumusta na kaya sila? Magaling na ba si mommy? Hay.

Paglabas ko sa St. Lukes ay may tumawag sa phone ko kaya dalidali akong sinagot.

“Hello?”

[“ Asan ka?”]

“Sa Earth!”

[“ Seryoso inday!” ]

Aren't Yours ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon