Chapter 6 - Happy
Napasinghap siya pagkatapos marinig niya ang sinabi ni Sir James.
"What are you talking about?" Hindi niya mapakaniwalang sambit habang nanglalaki ang singkit niyang mata.
Nagtama muli ang mga mata namin at bigla niyang hinawakan ang braso ko.
"Bitch let's talk!" Sambit niya saakin. Ngunit hinablot ni Sir James ang kaliwang braso ko.
"She's not going anywhere Messy" Maowtoridad na sambit niya. Ngunit di nagpatalo si Messy sa banta ni Sir James. I wonder what is their relationship?
"She's going with me, James. Let her go" Matalim na sambit ni Messy.
"No. She's my employee and she still need to work" Mahinahong sambit ni James.
"Employee? Really James? Gusto mo bang mabalitaan 'to ni Tita?" Pagbabanta na nung Messy. Hindi ko maintindahan kung ano ang pinagsasabi nila. I don't even know them...or not.
"Excuse me po" Saad ko kaya napunta ang atensyon nila saakin.
"Magtratrabaho pa po ako" Sambit ko. Marahas namang bumuga ng hininga si Messy.
"What are you doing, Inday? Why are you acting so weird? Hindi mo ba talaga ako kilala?" Tanong nung Messy saakin. Ngunit tanging iling lang ang sinagot ko sa kanya.
"Oh please! Stop your pretentious act bitch!" Saad niya. Nagulat nalang ako ng tumama ang palad niya sa pisnge ko. Agad naman akong hinablot ni Sir James at itinago sa likod niya.
"What are you doing, Messy?" Galit na sigaw ni James kay Messy. Anong problema niya? Bakit niya ako sinampal.
"Come on Inday! Bring it on. Slap me back! Slap me! That's not you!" Sigaw ni Messy saakin na tila'y hindi pinapansin si Sir James sa pagitan namin.
Hindi ko alam kung ano dapat ang ikikilos ko. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maging reaksyon sa tunay na ako. Para akong tuta na nagtatago lang sa amo sa twing ito'y matatakot. Kung alam ng babae ang tunay na pagkatao ko ay kailangan ko siyang iwasan. Natatakot ako. Natatakot akong balikan muli ang mga masalimuot na pangyayari na pinagdaan ko. Ngayon na masaya na ako sa buhay ko at ito ang buhay na pinapangarap ko.
"Umalis ka na Messy" Maowtoridad na sambit ni Sir James. Napansin ko na nakaagaw na kami ng atensyon at marami na ang taong nanunood.
"I will tell this to Tita, James!" Sambit ni Messy at nagmartsa papalayo.
Hinarap ako ni Sir James at nakita ko ang pag alala niya sa mata niya.
"Are you okay?" Tanong niya at agad na hinawakan ang pisnge kong namumula. Ngunit agaran ko 'yung iniwakli. Rumehistro sa mukha ang gulat sa ginawa ko.
"I'm okay" Saad ko at agad nang tumalikod. Nag tungo ako sa receptionist para tanongin kong may first aid kit sila.
"Wala po, Ma'am eh. Sorry po" Saas niya. Naramdaman ko isang presensya sa likod ko ngunit binaliwala ko lamang iyon.
"Okay lang po" Sagot saka pilit na ngumiti. Tumingin ako dun sa receptionist at hindi siya saakin ngayon nakatingin.
"I have first aid kit in my office" Narinig kong sambit ng isang boses. Hinarap ko siya.
"Okay lang. Malayo 'to sa bituka, Sir. Saan nga pala ako magsisimula Sir?" Tanong ko sa kanya.
"This ain't gonna work" Saad niya at nagulat ako ng hatakin niya ako papunta sa office niya. Sumakay kami sa exclusive elevator na para lang sa mga bigating tao katulad ni Sir James.
"Okay lang talaga 'to Sir" Ngunit hindi niya ako pinakinggang hanggang marating namin ang opisina niya.
Dalidali siyang naglakad sa mga drawer niya upang kunin ang first aid kit habang ako ay nakatayo lang sa malapit sa pinto. Tumingin siya bahagya saakin at pinagtaasan niya ako ng kilay.
"You can sit" Saad niya.
"Okay lang po" Nahihiya kong sambit. Bigla siyang tumuwid ng tayo at malalaking hakbang ang kanyang ginawa upang magtungo saakin.
Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at siya na mismo ang nagpaupo saakin sa malaking sofa.
"Hindi ako sanay sa kinikilos mo" Bulong niya sa mga tenga ko at bago pa ako makabawi ay tumuwid siya ng tayo upang maghanap kunin muli ang first aid kit.
Nang makita niya iyo ay agad niya itong inilapag center table. Nagtungo siya isang maliit ng ref at naglagay ng ice sa cold compress. Lumapit siya saakin at umupo tabi ko.
Dahan dahan niyang idinampi ang malamig na saplot ng tela sa pisnge ko. Kukunin ko na sana upang ako na gumawa ngunit mahina niyang iniwakli ang kamay ko.
Mahabang katahimikan ang namayani saamin ngunit bigla niya itong binasak.
"You know her? The girl who slapped you awhile ago." Tanong niya. Malamig ang nararamdaman ko dahil sa cold compress ngunit dahil sa hininga niya na malapit sa tenga ko ay halos ilan ilang boltahe ng kuryente ang dumaloy sa buong pagkatao ko.
"I didn't know her. Who is she?" Tanong ko.
"You really didn't remembered or even recognized her?" Tanong niya muli.
"No... I mean, Bakit ko siya maalala? Kilala ko ba siya?" Tanong ko sa kanya na para ko na ding tanong ko sarili ko.
Bumutong hininga siya. Ibinaba niya ang hawak niyang cold compress at hinarap niya ako.
"Hey In..." Tumigil sa pagsasalita na tila ba'y kahirap ang kanyang itatanong saakin.
"Are you happy?" Tanong niya saakin. Naguguluhan man naging reaksyon niya ay tumango ako.
"Yes" Sagot ko. Nakikita ang panglulumo sa mata niya.
"Are you happy without me?" Tanong niya. Hindi ko maintindihan ang tanong niya. Kilala ko ba siya? Sino ba talaga siya sa buhay ko.
"Because to me, I'm half dead the moment you left me in our wedding day. I'm so fucking devastated, baby... My world fell apart in my wedding. I lost my life that day. And seeing you right now, being happy without me is fucking killing me..." Saad niya at halos nagulat ako nang makita kong may luhang tumulo sa mga mata niya.
Bigla niyang isinandal ang ulo niya sa balikat ko. Habang ako gulat na gulat at hindi alam ang gagawin.
"I'm so sorry for the curses Honey... I just missed you" Bulong niya. Naramdaman kong ang pagbabasa ng balikat ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
BINABASA MO ANG
Aren't Yours ( Completed )
Romance[ Formely: Back Off Inday is Mine ] Isha Nice Denise Abigail Yna Ford. The one who gets everything under her control, but not her engagement with some jerk in his calvin klein brief. She will do everything at any cost to put him underneath. But th...
