Chapter 14 -
Buti nalang talaga ay may dalawang kwarto ang bahay kaya naman doon ako natulog dahil ayaw ko bumalik doon. Baka ano pa sumagi sa utak ko at mapatay ko 'yung gunggong na si James. Ang sinag ng araw ay tumatama sa mata ko kaya agad kong binalot ang buong katawan ko ng kumot. Ngunit naistorbo ako ng tulog ng may humila sa kumot ko. Halos kainin ko ng buo ang walang hiyang lumaspantangan umistorbo saakin. Matalim kong tinignan si James.
"Tangina mo talaga Montgomery!" Sigaw ko.
"Yung bibig mo Ford! Pakihugasan ng holy water." Sagot niya saakin.
"Kaluluha mo muna!" Irita kong sagot.
"Bumangon ka na nga diyan! Malapit ng mag ala syiete ng maaga!" Paalala niya.
"So? Pakialam ko?" Saad ko at pilit na hinila ang kumot na nasa kamay niya. Agaran niya naman itong hinila kaya nahulog ako sa kama. Putanginang James!
"Buhay ka pa ba?" Mapang asar na tanong ni James.
"Ikaw ang mamamatay satin dalawa ngayon!" Sigaw ko at dali daling tumayo. Hinagisan ko siya ng unan at sapol ang gago.
"Napaisip bata mo talaga! Maglinis ka nga ng bahay!" Sigaw niya.
"Ano ako? Muchacha mo? Yung kwarto at kusina ko lang lilinisan ko. Ikaw linisin mo ang sala at kwarto mo, isama mo din pagmumukha mo" Sabi ko sabay tawa.
Umalis siya na busangot ang mukha. Akala mo naman gwapo niya.
BINABASA MO ANG
Aren't Yours ( Completed )
Romance[ Formely: Back Off Inday is Mine ] Isha Nice Denise Abigail Yna Ford. The one who gets everything under her control, but not her engagement with some jerk in his calvin klein brief. She will do everything at any cost to put him underneath. But th...
