B2: Chapter 29

3K 27 4
                                    

Chapter 29 - Maria Christina

Hindi ko alam ngunit umiinit ang sulok ng mata lalong lalo ng makita ko si Mommy na naka wheel chair habang umiiyak na tinitigna ako. Gusto ko mang lapitan siya ngunit hindi sangayon ang aking katawan. Nangayayat ng husto si Mommy pati na rin si Daddy na pinipigilang umiiyak. Hindi ko napigilang hindi mapaiyak lalong lalo na itinulak ni Cassey ang wheel chair ni Mommy palapit saakin.

"Anak" Sambit ni Mommy at humagulhol. Pilit kong bumangong at salubongin ng yakap si Mommy. Hinahagod ni Daddy ang likod ko habang pinakalma naman ni Cassey si Mommy. Umiiyak si Amethyst sa gilid na pinapatahan ni James. Nasa likod naman si Kuya Jayden ni Daddy. Tanging iyak lamang ang bumalot sa loob ng silid. Walang nagsalita ngunit ang lahat ng hinanakit at pangungulila ay nabuhos lahat.

Nang mahimasmasan na kami ay muli akong niyakap ni Mommy.

"Kumusta ka na anak?" Tanong ni Mommy at hinagkan niya ako.

"Patawad anak! Patawarin mo sana kami" Ang mga luha ko ay parang baha na rumagasa ng husto. Agad kong niyakap si Mommy.

"Sorry Mommy! Sorry for being so stubborn. I'm really sorry if I didn't even let you explain. I'm sorry that I hurt all of you" Saad ko at tinignan sila lahat isa isa. Nahagip ng mga mata ko si James at nakita ko ang ngiti na sumilay sa labi niya.

"Mag move on na tayo peoplets! Jusko ilang taon na ang nakalipas kapanahunan pa 'yun nila Lapu Lapu" Singit ni Vega kaya napatawa lamang kami sa saad niya. Lumapit saakin si Daddy.

"Magpagaling ka anak. Nandito lang kami palagi at hindi ka namin iiwan" Saad ni Daddy at hinalikan niya ako sa noo. Pinahiram niya ang mga luha ko.

"Ano ba 'yan! Pumapangit ng husto ang Inday namin" Sabi ni Daddy. Tumawa lamang ako at niyakap siya. Ilang taon na rin simula nang makita ko ang pamilya ko.

"Yuck! Huwag ka ngang umiyak Inday! Ang pangit mo!" Napabaling ako kau Cassey. Kahit na ilang ulit kami mag away ni Cassey ay mahal na mahal ko parin ang gagang ito. Bilib din ako sa kanya dahil nakayanan niyang pumunta dito.

"Mas pangit ka kaya!" Sagot ko na ikinatawa niya. Kung dati ko pa 'to sinabi ay matagal na kaming nagpapatayan.

"Hey our Inday!" Nabaling agad ako kay Kuya Jayden.

"It's been a long time...balita ko may boyfriend ka na daw dito" Saad ni Kuya Jayden. Agaran naman nagtagpo ang mga mata namin ni James. Nakita ko ang pag angat ng panga niya. Nakita ko ang pagsiko ni Cassey kay Kuya Jayden.

"Ate ko!" Agad akong sinalubong ng yakap ni Amethyst kaya naman nagulat ako ngunit kalaunan ay hinagod ko ang likod niya. Kaya naman ay medyo kumalma siya.

"I missed you so much Ate!" Sabi ni Amethyst.

"I missed you too" Saad ko. Matapos ng aming pagkwekwentuhan sa nangyari sa nakaraan ay mas lalong bumigat ang paligid.

Lalong lalo ng pumasok ang dalawang nurse at isang doctor.

"Sisimulan na po namin ang unang gamot upang mapatay  at maiwasan ang pag rami ng mga cancer cells" Saad ng doktor. Dinala nila ako isang kwarto upang gamutin ang sakit ko. Pagkalipas ng dalawang oras ay nakalabas ako sa kwartong iyon. Hinang hina ako dahil sa mga gamot na iturok saakin kaya naman ay agaran akong nakatulog.

"Wow ang ganda!" Manghang saad ko habang nakatingin sa sobrang gandang talon. Ang Maria Christina Falls na nagbibigay kuryente sa karamihan sa Mindanao.

"Alam mo ba 'yung story nina Maria at Christina?" Napatingin ako sa kwangong si James. Ang pangit niya talaga!

"Oh Inday at James huwag kayong masyadong dumikit sa railing ha? Baka mahulog kayo" Paalala ng aming elementary teacher.

Aren't Yours ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon