Chapter 11 - Engagement
Tanghali na ako ng magising dahil alas dose na ng gabi ng makatulog ako dahil sa pagbabantay kay Mommy. Bumangong ako at dumiretso sa banyo upang maligo.
Pagkatapos kong maligo ay nakita ko ang iilang mensahe galing kay Ate Cassey.
From Cassey
Sis, bago ka pumunta ng hospital bumili ka ng makakain para kay Daddy.
Hindi na ako nagreply at agad akong nagbihis.
Dumaan muna kami sa drive thru sa isa sa mga fast food chain at nag order para kay Daddy na ngayon ay nagbabantay kay Mommy sa ospital.
Nangmakarating na kami sa hospital ay agad akong nagtungo sa kwarto kung saan nakaconfine si Mommy. Bukas ang pinto at riig na rinig ko ang pinaguusapan nina Mommy at Daddy.
"Gusto ko nang ma engage si Inday at James ngayon Liam" Rinig sabi ni Mommy.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa doorknob. At unti unting bumibigat ang paghinga ko.
I didn't see this coming... na ganito ka aga.
"Pero alam mo naman ayaw ni Inday. At hindi pa siya handa sa ganung bagay Anesthesia" Rinig kong sagot ni Daddy.
"Pero Liam..." Narinig kong unting unting nabasag ang boses ni Mommy. Nakapikit ako ng mariin.
"... Alam mo naman na konti na ang oras ang nalalabi sakin... Alam mo naman na konting pag asa nalang... ang pag asa kong mabuhay" Narinig ko ang hagulhol ni Mommy at hindi ko kayang marinig pa ang sasabihin pa. Ayaw ko ng ganito. Ayaw kong marinig at makitang nasasaktan ang isa sa mga mahal ko sa buhay.
Unti unti akong tumalikod at umupo sa upuan doon. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang makita si Mommy na nasasaktan. Gusto ko siyang sumaya. Kailan man hindi ko siya nakitang ganito.
Kahit lagi ko siyang sinusuway ay lagi niya parin akong iniintindi, at mahal na mahal niya parin ako.
Buong buhay ko. Naging selfish ako sa kanya. Sa buong pamilya ko. Lagi ko silang dinidismaya. I am a big failure to my family.
Karma is really a bitch. Ito siguro ang naging karma ko sa ginagawa kong pang iinsulto sa mga tao. Buti sana kung sakin tumama yun karma hindi sa pamilya ko. Sa pamilya ko na walang ginawa kundi mahalin at inalagaan ako.
Siguro ito na yung oras na hindi na ako magiging selfish sa pamilya ko. Siguro ito na yung oras para bumawi ako.
Inaayos ko muna ang sarili ko bago pamasok sa kwarto.
Naabutan kong nag uusap si Mommy at Daddy ng masinsinan. Nang mapansin ako ni Mommy ay nagbago ang expresyon ng mukha niya.
"Isha" Napapikit ako ng mariin ng marinig ko ang tinawag sakin ni Mommy.
Lumapit ako sa kanila.
"Papayag na po ako ma engage sa Montgomery na 'yun " Sabi ko ng walang pag alinlangan, na ikinagulat nila Daddy at Mommy.
"Talaga anak?" Nakita kong sumaya si Mommy.
Tumango ako at niyakap ko silang dalawa.
Sana nga Mom and Dad hindi ko pagsisihan ang ginawa kong desisyon. Sana nga.
"Basta ipangako mo Mom na gagagaling ka please, okay?" Pagsususmamo ko at niyakap ng mahigpit si Mommy.
"Pangako anak, pangako" Bulong ni Mommy sa mga tenga ko.
Alas 7 na ng gabi. At hahanda ako para mamaya. Nang matapos na ang paglalagay sakin ng makeup ay nag paiwan ako sa loob. Tinignan ko ang repklesyon ko sa salamin.
Napabutong hininga ako. Hay napakaganda ko talaga.
Nakasuot ako ng sleeveless cocktail dress at silver stiletto. Pagkatapos kong mag ayos ay dumiretso agad ako sa restuarant na sinasabi ni Mommy. Malapit lang sa hospital kong saan nakaconfine si Mommy dahil hindi pa masyadong magaling si Mommy dahil hindi pa kaya ng kanyang katawan ang malayong byahe.
Nang makarating kami sa restaurant ay agad akong nilapitan ng isa sa manager ng restuarant para ituro kung saan sila naroon.
Nang makarating na ako ay natatanaw ko na sina Mommy na kumakaway katabi niya si Daddy na nakangiting pinagmamasdan ako. Nakaupo rin sa harap nila Mommy at Daddy sila Tita Natasha at si Tito Adrian. Nahagip naman ng mata ko si James na nakatitig sakin. Nagtagpo ang aming mga mata at agad ko siyang inirapan.
"She's here" Rinig ko pang sabi ni Mommy nang makalapitako sakanila. Binati ko sila ng magandanh gabi saka umupo sa bakanteng upuan kung saan katabi ko si James. Anong gusto niya salubongin ko sa kanya halik ha? Manigas siya! Mas mabuti pang itak ang isasalubong sa kanya. Argh! Kumukulo na agad ang dugo ko sa kanya.
"Hello iha. Ito nga pala ang asawa kong si Adrian ama ni James" Pagpapakilala ni Tita Natalie sa ama ni James.
"Hi Iha. You're so gorgeous tonight iha" Sabi ni Tito Adrian.
"Salamat po" Ngiting sabi ko.
"Tonight lang not everyday" Rinig kung bulong ng demonyong nasa gilid ko. Inipakan ko ang paa niya. At nakita ko ang pagpipigil sigaw niya. Narinig ko pa siyang magmura. Buti nga.
"Ngayon kumpleto na tayo ay pwedi na tayong magsimula" Sabi ni Tito Adrian.
"Napagkasuduan namin na e engage kayo dalawa Inday at James...."
"No! Hindi! Hindi ako papayag. Ma! Pa! Diba sabi ko naman sa inyo na ayaw ko! Ayaw ko siyang maging fiance" Sabi ni James. Huh! The feelings is mutual dude! Ayaw ko rin sayo no! Duh! Sa ganda kong to?
"Hoy wag ka na ngang epal pa!" Sita ko sa kanya.
"Ikaw ang huwag umepal! Tsaka huwag ka ngang makealam " Sita niya din sakin. Dude kung alam mo lang. Pag nakita kitang magpapakamatay at tatalon sa building. Dude wag kang mag alala itutulak pa kita.
"May pakealam ako kasi fiance mo na ako!" Sigaw ko. Halos gusto kong nang masuka. I want to kill myself right now. May my soul rest in peace. Damn.
Nagulat sila sa sigaw ko. Natahimik sila dahil sa isinigaw ko. Nakita ko ang saya na gumuhit sa mukha ni Mommy.
Nabasag lang ang katahimikan ng may narinig kaming isang munting tinig.
"Mom, I'm done pooping" Napatingin kami lahat sa nag salita. Agad akong nagulat ng makita ko ang batang lalaki. Si Ethaniel. Yung batang inalok niya akong maging wife niya. Omg bakit siya nandito?
"Wife?" Nakita kong lumiwanag ang mukha ni Ethaniel. Ang cute niya sobra. Sarap kurotin. Lumapit siya sakin at hinawakan niya ang kamay ko.
"I told you Mom! I have a wife. She's very beautiful right?" Sabi niya sa kanyang ina na si Tita Natasha. Nakita kong nagugulohan si Tita kaso tumango lang siya.
"But she's your Kuya's fiancé" Sabi ni Tita Natasha. Nakita kong nag iba ang expresyon ni Ethaniel.
Mayamaya umiyak siya ng napakalakas.
"Ethaniel... " Patatahanin ko sana siya ng hinarap niya ako.
"You cheated wife!" Sigaw niya saka nag walk out. Agad siyang hinabol ni Tita Natasha. OMG. Anong nangyayari?
BINABASA MO ANG
Aren't Yours ( Completed )
Romance[ Formely: Back Off Inday is Mine ] Isha Nice Denise Abigail Yna Ford. The one who gets everything under her control, but not her engagement with some jerk in his calvin klein brief. She will do everything at any cost to put him underneath. But th...