Chapter 4 - Thank You
Naglalakad ako papunta sa cafeteria nang bangain ako ni Messy. Talagang bruhalitang ito.
Pigilan niyo ako. Talagang Messy na to naghahanap ng gulo. Taponan ba naman daw ng shake. Talagang pinaiinit ng ulo ko ang bruha nato.
"Oops sorry di ko sinasadya" Sabi ni Messy habang nakataas ang kilay. Ano daw? Hindi niya sinadya? Talaga lang ha?
Ngumisi naman ako sa kanya saka lumapit.
"Bakit mo ko sinampal" Naggagalaiting sigaw ni Messy.
"Oops sorry 'di rin ko sinasadya" Sabi ko habang nagkukunwaring walang alam saka ngumiti ng napakatamis sa kanya.
"Walang hiya ka. Anong hindi sinasadya? Sinadya mo!" Sigaw niya saka sumugod sa sakin. Shit my precious hair. Hindi niya ba alam na mas mahal pa ang hair ko kaysa sa buhay niya. Kaya hindi ako nagpatalo. Sinungaban ko siya. Hinila ko ng mas malakas ang buhok nya.
"Ouch" Daing niya. You deserve it bitch. Masakit man ang paghila niya sa buhok ko hindi ko nalang ininda. Mas nilakasan ko pa ang paghila sa buhok niya. Kaya napakiss on the floor siya. Pwedi na siyang mag janito sa lagay na 'yan.
"Siya ang nauna Miss" Sigaw ni Messy habang tinuturo ako. Aba! Walangya ako pa daw? Ipakain ko sa kanya yung hintuturo niya eh!
"Hoy bruha! Ikaw kaya, tignan mo 'tong ginawa mo sa uniform ko. Gosh, mas mahal pa to kaysa sa mukha mo" Sigaw ko pabalik sa kanya. Ang feeling talaga ng Messy nato.
"Bwisit ka! Ikaw ang nau..."
"Shut up" Sigaw ni Miss na president ng perfect of discipline.
"Pwedi ba manahimik kayo? Paano tayo magkakaintindihan niyan kung nagsisigawan kayo ha? Pwedi isa isa lang?" Sigaw ni Miss. Hindi ko naman hindi maiwasang hindi umirap. Eh siya nga 'tong sigaw ng sigaw eh.
"Eh kasi Miss, Ito kasi Messy tinapunan ba naman daw ako ng Shake. Ang lagkit kaya 'nun" Maarteng sabi ko at tinignan ko ng matalim si Messy 'yun nakakamatay talaga.
"Hindi nga sinadya diba? At tsaka Miss sinampal niya ako tignan niyo Miss" Sabi ni messy habang ipinakita yung sinampal ko. Duh, Bagay lang yun sa kanya.
"Duh, tanga ka? Hindi nga sinadya diba?" Pagtataray ko at tinaasan ko siya ng kilay. Kala niya sa lang ang magaling umarte ha?
"Paanong hindi..." Napatigil siya sa pagsasalita ng sumigaw si Miss.
"Enough" Sigaw ni Miss
"Pwedi ba manahimik na kayo! Kayong dalawa, dalhin niyo ang mga magulang niyo bukas" Dagdag ni Miss.
"But Mi..." Aapela pas sana si Messy kaso pinutol siya ni Miss. Buti nga!
"Shut up Ms. Merrick! You may go out!" Sigaw ni Miss at pinalabas niya kami.
Lumabas na ako ganun din si Messy.
"Hindi pa tayo tapos..." Banta niya. Inirapan ko lang siya.
"I'm scared..." I said sarcastically.
"Guard ano ba! Hindi niyo ba nakikita na ang basa ko na? Pauwiin mo kasi ako" Sigaw ko dun sa guard. Kanina pa kasi ako ayaw akong palabasin ng guard nato. Eh kasi daw class hour. Kahit kailan talaga ang epal ng guard nato.
"Miss hindi talaga pwedi" Sabi niya at pinipigilan akong lumabas.
"Miss!"Sigaw ng guard sakin. Eh ayaw akong palabasin kaya inakyat ko ang gate namin.
"Miss bumaba kana diyan, baka mahulog ka" Sigaw nang guard sakin. Habang ako para akong magandang nilalang na nakakapit sa gate.
"Palabasin mo na kas..." Naputol ang sasabihin ko nang nabitawan ko ang pagkakapit sa gate. Shit.
Pero bakit parang humihinga pa ako? Bakit parang buhay pa ako? Ibinuka ko ang aking mga mata. Shit..sinalo ako ni Manong guard.
Joke lang. Sinalo pala ako ng hinayupak na James! Gosh! Bat ang gwapo niya sa paningin ko ngayon. Kailangan ko na sigurong salamin sa mata.
Binaba niya ako. Ito naman si James ang KJ kitang nagmomoment pa ako eh.
"Magpapakamatay ka ba! Ha!" Sigaw niya. Nagulat naman ako sa reaction niya. Problema niya? Bakit hinihingal siya?
"Ha! Hind..." Magpapaliwanag sana ako sa kanya kaso sinigawan niya naman ako.
"Ano bang problema mo?" Sigaw niya. Ano bang problema ng mokong nato?
"Pinag alala mo ko" bulong niya at ginulo niya ang buhok niya pero narinig ko parin 'yun. Bigla namang kumabog ng husto ang tibok ng puso ko. Sht.
Bigla naman akong hinatak ni James. Hanggang napadpad kami sa locker room.
"Teka anong ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kanya.
"Isuot mo" Sabi niya habang may kinuha na damit galing sa bag niya. Nahihiya naman ako.
"Isusuot mo ba o ako ang magpapasuot sayo nyan?" Banta niya. Ano daw? Siya ang magpapasuot sakin? OMG.
"A-akin na nga 'yan" Sigaw ko at hinablot ang T shirt. Saka naglakad patungo sa isang dressing room dun.
"Hoy, huwag kang maninilip ah? kundi sasapakin talaga kita" Banta ko sa kanya habang binibigyan siya ng matalim na tingin. Tumango lang siya at ngumiti. Dali dali naman akong pumasok sa comfort room at inilagay ko ang kamay ko sa dibdib ko. Shocks. Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko? Kinilabotan ka nga Inday.
Sinuot ko 'yun T shirt na pinahiram niya. Sht Amoy James. Teka bat ko inaamoy? Yuck! Magsitigil ka nga Inday. Pero ang bango talaga.
Medyo malaki sakin 'yun T shirt pero kumportable naman ako kaya okay na 'to.
Lumabas na ako at naabutan ko si James nakasandal sa pader.
Ang cool niyang tignan. Nakakainis. Ang pogi niya leche. Tumingin naman siya sakin saka ngumiti. Wait lang ha? Hihinga muna ako. Oxygen please!
"Kasya pala sayo" Sabi niya habang tinitignan ako. Gosh! Nahiya tuloy ako.
"Hindi kaya ang laki nga eh" Sagot ko sabay kamot sa ulo. Eh nahihiya ako eh. Anoba!
"Sayo ba to?" Tanong ko sa kanya. Tumingin naman sya sakin at ngumiti. Wait lang hihinga ulit ako. Lecheng James nato. Ano bang natira nito at palagi yatang nakangisi.
"Sige James alis na ako" Pagpapaalam ko saka tumakbo papalayo. Ang bait ko yata ngayon. Ano kaya nakain ko? Tsk! Bahala na nga.
"Ah James?" Sigaw ko nang hindi pa ako nakakalayo. Tumingin naman siya sakin
"James, thank you" Sambit ko kaso mahina lang. Nahihiya kasi ako. Anoba!
"Ano?" Sigaw niya. Aba 'di narinig?
"Thank you" Mas nilakasan ko naman para marinig niya.
"Ano?" Sigaw niya ulit. Aba bingi siya bingi? Kutang kota na niya ang pagiging mabait ko ah?
"Ang sabi ko ang pangit mo" Sigaw ko. Pero ngumiti naman siya saka ngumiti.
Leche bat ba napakapogi niya? Siguro nalamigan lang tong mata ko. Mygosh!
-------
[ Edited ]

BINABASA MO ANG
Aren't Yours ( Completed )
Romance[ Formely: Back Off Inday is Mine ] Isha Nice Denise Abigail Yna Ford. The one who gets everything under her control, but not her engagement with some jerk in his calvin klein brief. She will do everything at any cost to put him underneath. But th...