B2: Chapter 24

1.7K 31 3
                                        

Chapter 24 - First

Umuwi ako sa bahay pagkatapos nun. Tinignan ko ang sugat ko sa braso sa malaking salamin, malaki ito ngunit hindi ito masyadong nahahalata dahil nasa ilalim bahagi ito nang aking braso .

Kinuha ko ang first aid kit at nagsimulang gamutin ang sarili ko. Mahapdi ito at sobrang sakit pa nang anit at buong katawan ko. Nasugatan pa ang gilid ng mukha ko ngunit hindi ito kapansinpansin. Umakyat ako sa taas ng bahay at pumasok sa kwarto ko saka humiga sa kama.

Pumikit ako nang mariin, alas onse pa nang umaga. Kailangan kong pumasok mamaya dahil marami pa akong trabaho na nakatambak dahil sa hindi ako pumasok kahapon. Kailangan ko munang tiisin ang sakit ng aking katawan. Ngunit sa ngayon ay kailangan ko talagang umidlip muna.

Sa paggising ko. Tawag ni Angelou ang agad na bumungad saakin. Dali dali kong sinagot ang kanyang tawag.

"Hello? Nasaan ka?" Bungad niya sa kabilang linya.

"Nasa bahay...Papasok ako mamaya" Saad ko.

"Grabe naman Inday!" Humina ang tuno niya sa pag banggit niya sa saaking pangalan. Tumaas ang aking kilay.

"Bakit ka ba napatawag?" Tanong ko.

"Tambak kasi ang trabaho mo dahil umabsent ka kahapon kaya akala ko aabsent ka ngayon, kaya papaalalahan sana kita." Mahabang pasabi niya.

"Oo na, papasok na ako!" Saad ko.

"Sige bilisan mo ha!" Saad din niya. Pinatay ko ang tawag at nagsimula na akong mag ayos nang damit pati na rin ang pag retouch ng aking make up. Hindi na ako nag abala pang kumain dahil malelate na naman ako.

Lumabas na ako sa maliit na gate nila Ian at naglakad ng patungo sa kalsada kung saan pweding makasakay ng jeep. Nang makasakay na ako ay agad tumunog ang aking cellphone.

From: Ian
Kumain ka na?

Nagsimula na akong magtipa nag mensahe saaking cellphone.

To: Ian
Oo. Ikaw? Kumain ka na.

Ayaw kong makaabala pa kay Ian kaya nagsinungaling muna ako na tapos na akong kumain.

Itinago ko na ang aking cellphone at nang makarating na ako ay dalidali akong pumasok sa loob at sumakay nang elevator. Buti nalang talaga'y tumawag si Angelou kundi hanggang ngayon ay tulog pa ako.

Nang tumuntong na ako sa floor ng aming department ay agad akong nagtungo saaking table. Bumungad saakin ang gabundok na dokumento at mga designs. Lumapit saakin si Angelou.

"Habang wala ka, dinagdagan nung demonyitang sekretarya ni Sir James ang mga trabaho mo" Saad niya. Huminga ako nang malalim upang mapakalma ako ang aking sarili. Talagang ang babaeng na 'yun! Pag talaga ako mapuno, makikita niya talaga ang hinahanap niya.

Umupo na ako sa lamesa at nagsimulang magtrabaho. Hindi parin umalis si Angelou kaya tinignan ko siya at pinameywangan.

"Ano?" Tanong ko sa kanya.

"Kasi na ospital daw si Shane..." Saad niya. Nagdadalawang isip pa siya kung tatanongin niya ba ako o hindi.

"Spill it!" Saad ko sa kanya. Nagtagpo ang mga mata namin.

"Diba! Ikaw lang naman 'yun ang kasama niya kanina at sabay pa kayong umalis! Sabihin mo nga, nag away ba kayo?" Tanong niya. What I hate the most about Angelou are being talkative and being a chismosa.

"Ano naman ngayon?" Tinaasan ko siya nang kilay.

"Grabe In..este Nice! Bakit mo naman siya inaway? Ano ba ang ginawa niyang masama? Hindi nga 'yun marunong magalit eh" Sabi niya. Nagulat ako sa naging saad niya

"What? Are you blaming me Angelou?" Napatayo ako dahil sa galit na umusbong saakin. Napaatras siya nang tumayo ako.

"Hindi naman sa ganun Nice! Ang sinasabi ko lang, ang bata bata pa 'nun para patulan mo! Tignan mo tuloy na ospital siya" Saad niya. Hindi ako nakapagpigil.

"What the fuck? Am I the bitch here? Am I the fucking antagonist?" Hindi ko mapigilang hindi mapasigaw. Napatingin ang ibang katrabaho ko.

"Ano ba Nice! Wala akong sinasabing ganyan!" Saad ni Angelou. Nakita kong lumapit ang boss namin na si Mr. Canas.

"What's happening here Ms. Velasco and Ms. Quazon?" Maawtoridad na tanong ni Mr. Canas saakin. Nagtitigan kami ni Angelou at siya ang unang umiwas.

"Nothing Sir. I'm sorry for inconvenience" Saad niya at bumalik sa lamesa niya. Umirap ako sa kawalan. This is driving me crazy! Gosh!

"I'm sorry" Tanging saad ko. Umalis si Mr. Canas sa harap ko. Shit!

Nakatutok ako sa monitor ngunit hindi gumagana ang isip ko. Wala akong napatapos na trabaho matapos ang dalawang oras.

"Good morning Sir James!" Rinig kong bati nang iba. Kaya napabaling ako sa pinamumulan ng ingay. Nagtagpo agad ang mga mata namin ni James. Huminto siya sa table ko. Inangat ko ang tingin sa kanya.

"We need to talk!" Maawtoridad niyang saad. Napansin kong maluwag ang necktie niya at nakabukas ang dalawang batones ng polo niya.

Talagang tinutuhanan niya ang pagdala sa bruhang Shane na 'yun sa ospital. Bakit di na nalang siya mag delivery boy? Bullshit!

Tumayo ako at hinablot ko ang bag ko. This is too much drama. Nauna akong maglakad sa kanya at sumakay kami pareho sa elevetor.

Walang imikan na ganap hanggang nakarating ito sa basement. Lumabas kami at hinarap ko siya.

"So anong problema mo sa buhay ha?" Tanong ko sa kanya. Umigting ang panga niya na ibig sabihin hindi niya nagugustuhan ang naririnig niya sa bibig ko. Pake niya?

Bumutong hininga muna siya bago magsalita.

"You are coming with me" Saad niya at hinila ang kamay ko. Agad ko iyong iniwakli kaya napahinto siya. Sumakit ang sugat ko ngunit hindi ako nagpahalata.

"And why would I?" Hamon ko sa kanya.

"You are going to apologize." Saad niya. Uminit ang buong pagkatao ko dahil sa umuusbong na galit na aking nararamdaman.

"With who?" Ngisi ko ngunit napaghahalataan itong peke.

"To Shane, of course Inday. You hurted her!" It sound like accused.

"Bakit ako magsosorry sa kanya?" Hamon ko muli. Pumikit siya nang mariin na para bang hirap na hirap siya sa sitwasyon. Naiipit siya sa pagitan namin ni Shane, ngunit bakit siya naiipit sa pagitan namin ni Shane kung wala siyang nararadaman para kay Shane? Hindi ka magdadalawang isip para sa taong mahal mo.

"Why are you so stubborn Inday?! It just a simple sorry! Why can't you just do it? You hurt her. Alam ko ang ugali mo at alam ko ang ugali niya. At sa inyong dalawa, Ikaw ang kayang manakit!" Sigaw niya sa harap ko. Parang gumuho ang buong pagkatao ko dahil sa narinig ko galing sa kanya. See? Kahit ang taong mahal na mahal ko noon ay hindi ako kilala. Kahit kailan hindi nila ako nakilala.

"I will never say sorry to the person who hurt me first! It's double meaning if you don't get it!" Sigaw ko at akmang tatalikod na sana nang bigla niyang hawakan ang braso ko kaya agad akong napadaing. Nagulat siya naging reaksyon ko kaya agad niya akong binitawan.

Tinignan niya ang kamay niya na may dugo galing sa sugat ko. Napatingin siya saakin na gulat na gulat. Nanglalabo ang paningin ko at hindi ko alam kung dahil ba iyon sa nahihilo ako o dahil sa luha na rumaragasa sa mata ko.

Aren't Yours ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon