Naghahanda kami ngayon ni James sa mga dadalhin namin. Tumawag kasi si Tita Natasha na nagpabook daw sila nang isang private resort para daw makakatulong para sa paggaling ni James. Ang oa lang ha! Eh puro galos lang naman ang natamo ni James.
"James yung bagahe ko! Bilisan mo nga dyan "
"Ito na!" Sigaw niya pabalik sakin.
" Ang kupad kupad eh! " Sabi ko nang makarating na siya sakin dala dala ang tatlong luggage ko. Nakita kong umiba ang itsura niya.
" Ako pa? Ako pa ta--- " Hindi ko narinig ang sinasabi dahil sumakay na ako sasakyan. Ang daming arte! Hindi na siya umangal pa sa halip inilagay niya sa likod ang mga bagahe saka pumasok sa driver sit.
Isinuot niya ang aviator niya saka humarap sakin sabay kindat. Jusko hindi ba siya kinilibotan? Inirapan ko lang. Leche ang gwapo niya.
" Daan muna tayo sa Drive thru wala ka pang umagahan diba?" Sabi ni James habang nakatingin sa kalsada.
Hindi ako sumagot sa halip nag suot ako ng Earphone kahit ko walang nakaplay na music. Hindi pa nga ako nakapag umagahan kasi naghanda pa ako ng dadalhin ko kasi kanina lang umaga sinabi ni Tita Natasha ang tungkol sa pagbabakasyon.
Nang turn na namin pinagbuksan ni James ang bintana at bumungad samin ang babaeng crew na may abot tengang ngiti. Napairap nalang ako sa kawalan. Tss.
" Hi sir! May take your order? " Tanong ng babae na may malandi tuno. Tss ang landi.
" Ano sayo? " Baling sakin ni James.
" Wala... Busog ako! " Sabi ko saka nag
crossed arm.
" Ah.. Mis--- "
" Diba sabi kong busog ako? Isarado mo na nga yang bintana! Ang baho baho! " Iritado kong sabi kay James.
" Sinong may sabing para sayo ang bibilhin ko? Para sa sakin to " Sabay baling sa malanding crew na nakangiti na parang aso. Leche!
" Ah miss isa ngang chicken meal saka extra large fries " Halos maglulumpasay ang malanding aso nang kinindatan siya ni James. bwesit sarap ibaon sa lupa ang mukha.
Dahil sa inis ko ay padabog akong tumagilid para hindi makita ang bwesit na si James. Nakakainis. Naiimagine ko tuloy kong paano ko sabunotan at pag sampalin ang malanding crew na yun. Nakakainis ha!
Ipinikit ko ang mata ko hanggang sa nakatulog ako. Nagising nalang ako nang may naamoy akong cheese. Nakaramdaman tuloy ako ng gutom pag mulat ko ay tumambad sakin si James na nakangiti habang nagdridrive.
" Good morning sleepy head " Nakangising sabi ni James. Umayos ako ng upo at inilagay ko sa likod ng tenga ko ang mga takas na buhok na nasa mukha ko.
" Asan na tayo? " Tanong ko sa kanya.
" Nasa Makati na tayo malapit na tayo sa resort na sinasabi ni mommy " Tumango lang ako bilang tugon. Nakatingin ako sa daan nang magsalita si James.
" Gutom ka na ba? May pagkain oh " Sabi ni James. Napatingin ako kay James na inaabut ang pagkain na inorder namin kanina. Naningkit ang mata ko.
" Kala ko ba sayo yan? " Tanong sa sakanya.
" Para sayo talaga yan. Hindi ko hahayaang lilipasan ka ng gutom " Argh! Nangingig tuloy akong abutin yung pagkain na inabot niya. Bwesit ka talaga James!
" What's with trembling hands, Hon? " Halos gusto nang tumalon palabas sa sasakyan.
Bwesit ka James! Argh!
Hindi na ako umimik at tahimik na akong tumakain ng chicken na inorder niya.
" I want some chicken, Hon. I'm hungry. Can you give me some? " Argh! Bwesit na James. Pweding. Tigil tigilan niya ako sa Hon Hon na yan. Konti nalang at tatalon na talaga ako dito palabas.
Inabot ko sa kanya ang isang chicken joy. Hinawakan niya ang kamay ko at kumagat sa parte na kinagatan ko.
Agad akong nag iwas ng tingin.
Halos mapatalon ang puso ko nang biglang nag ring ang cellphone ko. Agad kong kinuha ang cellphone ko ansa bulsa ko.
Aldrich is calling...
Sasagutin ko sana nang may humablot nito mula sa kamay ko. Napatingin ako kay James na tinatanggalan niya ng baterya ang cellphone ko. Kitang kita ako ang paghigpit ng hawak niya siya manibela.
" Pag ako kasama mo. Gusto ko nasa akin lang ang buong atensyon mo. Walang Aldrich. Walang Scarlet. Ako lang Inday. Ako lang " Ewan ko pero halos nanglamig ang buong sistema ako. Pinipilit kong wag mahulog sayo James pero sa tingin ko'y huli na ang lahat.
Buong biyaheng walang imikan. Hindi ako makatingin sayo kasi sa bawat sulyap ko ay nakikita kitang nakatingin sakin.
Gabi na ng makarating na kami sa resort. agad kaming sinalubong ng manager ng resort. Binigyan kami ng Presidential Suites. Nang makarating na kami sa kwarto ay nagsalita si James.
" Sa couch nalang ako matutulog " Sabi ni James. Bago pa ako makapagreact ay pumasok na si James sa banyo.
Nagpasya akong lumabas muna sa suite at mag lakad lakad muna sa baybayin.
Naramadaman ko agad ang lamig ng simoy ng hangin. Agad kong niyakap ang katawan ko dahil sa lamig. Nakalimutan kong mag suot ng jacket.
Naalala ko ang sinabi ni James kanina. Ayaw ko ng ganito. Ayaw kong mahulog kay James. Kasi alam ko balang araw iiwan niya din ako. Inaamin kong natatakot ako. Kasi alam ko walang pang habang buhay. Pero tinatraydor yata ako ng puso ko. Bwesit na James.
Halos mapasigaw ko ng may yumakap galing sa likod ko. Amoy na amoy ko ang showergel niya. Alam ko kung kaninong amoy to.
" Nandito ka lang pala " Sabi ni James. Damang dama ko ang init nang hininga niya sa leeg ko. Napapikit ako sa kawalan. damn
" Ah oo! Let's go back " Nakaramdaman agad ako ng awkward.
" Hmm. Five minutes Hon " Naramdaman ko ulit ang init ng hininga niya sa leeg ko.
Ewan ko pero nawala lahat ng pwersa kung tumutol at hinayaan ko lang siya ng ganun. Nanatiling ganun ang posisyon namin habang nakatingin sa kalangitan at dagat. Nang may dumaan na shooting star.
" My wish is I hope the time would stop so this moment would last forever " bulong ni James sa tenga ko.
-------------------------------
AuthorNote: I'm really sorry for not updating for a very long time, I'm so busy with my studies. I'm really really sorry for waiting my update. btw I'm back! Hehehehe. Please continue supporting back off inday is mine. And Happy 47K readers BOIIM Yey! Thank you so much. Don't worry I'll be active. Hihihi peace again.
Please follow me in instagram: @hjnxxi and twitter @HannahJusthine :)))
Don't forget to vote and comment.
-HannahJusthine
BINABASA MO ANG
Aren't Yours ( Completed )
Romance[ Formely: Back Off Inday is Mine ] Isha Nice Denise Abigail Yna Ford. The one who gets everything under her control, but not her engagement with some jerk in his calvin klein brief. She will do everything at any cost to put him underneath. But th...
