Chapter 13

5.3K 101 5
                                    

Chapter 13 - First Night

Buong araw akong imbyerna sa bahay dahil naalala ko ang nangyari kahapon. Hindi ko matanggap sa kaloob looban ko na pumayag ako dun. Lalong hindi ko alam tungkol dun sa kontrata na kasulat sa papel na 'yun. Hindi man lang ako sinabihan nila Mommy at Daddy tungkol 'dun at talagang plano talaga nila na ipatira kami sa iisang bubong. Kaya umalis ako sa bahay upang makapag isip isip at mahimasmasan ang buong pagkatao ko dahil parang hanggang ngayon ay may mga aftershock pa akong nararamdaman.

Nang makauwi na ako ay laking gulat ko nalang na pinigilan ako ng mukhang Labrador namin Yaya na pumasok kaya napataas ang kilay ko.

"And what do you think you're doing?" Taas kilay kong tanong sa kanya.

"Ma'am huwag niyo po akong murahin, napagutusan lang po kami." Saad niya. Kaya napakapeywang ko siyang tinignan.

"Get out of my sight!" Irita kong sigaw sa kanya.

"Pasensya na po talaga Ma'am. Bawal po kayong pumasok. Napagutusan lang po talaga ako ng Daddy niyo." Saad niya.

"Where's my Dad?" Tanong ko sa kanya.

"Po? Hindi ko po maintindihan. Paki tagalog po" Sambit niya kaya napairap nalang ako.

"Na saan si Daddy?" Ulit kong tanong.

"Nangimbansa na po sila. Kasama mo ang Mommy niyo at ang mga kapatid niyo." Sagot niya na ikinagulat ko.

"What? Kailan pa? Bakit hindi ko alam?" Hindi ko makapaniwalang tanong.

"Kanina po 'nung umalis kayo. Bilin nga po nila na huwag kayong papasok dito dahil doon na po daw kayo titira sa bago niyo pong bahay." Paliwanag niya.

"Bagong bahay? Gaga ka? Ito ang tirahan ko." Nagagalaiiti kong saad.

"Not anymore." Napataas ang kilay ko ng emenglish ang muchacha namin.

"Ay sorry po. Nagaya ko lang sa isang teleserya na pinanood ko." Saad niya.

"As if I care" Saad ko saka inirapan siya

"So saan daw ang bagong bahay ko ha?" Tanong ko.

"Ihahatid ka po ni Manong Jose. Nandoon na po ang mga gamit niyo." Sagot niya.

"Wow! Hindi halatang hindi pinaghandaan ah!" Sarkastiko kong saad.

"Hindi po Ma'am. Pinaghandaan ko po talaga ang paglipat ng gamit niyo dahil sinabi nina Ma'am at Sir." Sagot niya. Napairap nalang ulit ako dahil sa kabobohan ng muchacha namin.

Lumabas ako sa kotse namin at napatingin ako sa bahay na hinintuan niya. May dalawa itong palapag at kulay puti ang halos lahat ng pintura. May maliit din itong gate at ilang halaman sa gilid.

"Ma'am alis na po ako." Napatingin ako sa driver namin namin.

"Okay manong." Saad ko.

"Ito na po ang susi nang bahay. Nasa loob na po ang mga gamit niyo" Sambit niya pa. Tumango lang ako saka pumasok sa loob. Narinig ko ang pag alis ng kotse at bumutong hininga.

"What are you doing here?" Halos mapatalon ako sa gulat. Nilingon ko ang pinanggagalingan ng boses at nakita ko si James na nakasuot nang hood at nakapamulsa habang nakasandal sa gilid ng gate.

"Ano ka si Joaquin Manansala ha?" Puna ko sa suot niya. Umayos siya nang pagkakatayo.

"Ano ka si Chichay?" Ganti niyang sambit. Inirapan ko naman siya.

"Kanina ka pa diyan?" Tanong ko nang makalapit siya.

"Oh!" Sagot niya.

"Bakit di ka pumasok? Anong silbi nang utak mo, pang dekorasyon?" Saad ko na puno nang pamimilosopo.

Aren't Yours ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon