B2:Chapter 12

1.6K 41 0
                                    

Chapter 12 - Kiss

"Nice tara na" Rinig kong sigaw ni Ian mula sa baba. Dali dali ko namang kinuha ang mga gamit ko bago bumababa. Naabutan ko siyang naka khaki shorts at aviators. May bitbit pa siyang mga malalaking bag.

"Excited ka masyado ah" Hindi ko mapigilang hindi mapangisi.

"Of course..Tara na?" Saad niya at naunang lumabas ng bahay upang mailagay ang mga gamit sa Hilux.

Pumasok na ako ng sasakyan habang siya naman ay binalikan niya ang bahay upang isirado. Nag jog pa siya papunta sa driver seat.

"Let's go?" Hindi maitago ang saya sa mga boses niya.

"Buti nalang at wala na kayong trabaho ngayon." Saad niya.

"Ah, Oo nagpaalam ako sa boss ng department namin at buti nalang talaga ay naesumite ko lahat ng papeles na kailangan." Sabi ko. Napatingin ako sa bintana ng sasakyan, at mula rito ay tanaw na tanaw ko ang mga kabahayan na nadadaanan namin.

"Ikakadalawang beses na natin 'to sa Tinago di ba?" Tanong niya.

"Yep, it's been a year though." Saad ko. Naalala ko pa ang unang pagtapak ko papunta sa Tinago. He just invited me there and I didn't knew that it was majestic. Naputol nga ang tsinelas ko dahil sa layo ng nilakad namin papunta sa talon. Pinahiram ako ni Ian ng sapatos niya and he walked barefooted. I felt touched, especially I found out na nagkasugat sugat ang paa niya. Ian is really a good person.

"Let's buy some chips" Saad ko nang namataan ko ang isang convenience store sa di kalayuan.

"Sure, my Highness." Saad niya. Napabaling ako sa kanya. Ngumisi siya kaya umiwas ako nang tingin. He's really attractive especially to his new ear piercing. Para itong sumasayaw kapag nasisinagan ng araw.

Nag stop over muna kami at namili nang aming makakain at mga kinakailangan. At ng matapos na kami ay agad kaming bumalik sa kotse. Nagpatuloy siya sa pagdadrive hanggang marating niya main entrance ng Tinago Falls. Ipinarada niya ito at binuksan ang compartment upang kunin ang mga gamit namin at pagkain. Tinulongan ko siya at sabay kaming naglakad sa isang kubo kung saan doon namamalagi ang tagabantay ng talon.

"Magandang umaga po!" Maligayang bati ng isang di masyadong katandaang babae.

"Magandang umaga din po" Bati pabalik ni Ian.

"Maliligo po ba kayo?" Tanong ng babae.

"Opo" Sagot ko.

"Masyado pa pong maaga kaya wala masyadong tao doon." Saad niya.

"Ah ganun po ba? Kukuha din po kami ng life jacket" Saad ni Ian. Nagbayad ng entrance fee at cottage si Ian. Nirentahan niya din ang dalawang life jacket.

Nang matapos niya bayaran ang lahat ay nagsimula na kaming naglakad papunta sa talon. Ilang kilometro ang nilakad namin bago namin marating ang talon. Hinihingal kami pareho nang makarating namin ang talon. Tama nga ang babae kanina, wala pa talagang tao.

Ang tunog ng agos ng tubig at mga huni ng ibon ang tangi kong naririnig. Ang kulay blue na tubig ay nakapang aakit. Hindi ito ang una kong makita ang talon ngunit hindi ko maiwasang hindi mamanghang taglay na ganda nito.

"Nice!" Tawag ni Ian. Nilingon ko siya at tinulungan ilapag ang gamit at pagkain namin.

"Do you know how to swim right?" Tanong ni Ian.

"Oo" Ngisi ko. Bata pa ako ay iba't ibang workshop ang sinasalihan ko at isa na dun ang swimming workshop.

"Mamaya pagkapos nito, subukan nating tumalon dun" Saad niya at tinuro ang hindi masyadong mataas na bangin na malapit sa falls.

"Sure!" Hindi ko maitago ang saya at excitement sa boses ko.

We ate our breakfast first bago kami maligo. Una siyang umakyat bago ako. At nun nasa tuktok na kami ay sabay namin sinalubong ang malalim na tubig ng Tinago. I felt so good. The cold water are running down to my spine. Una akong bumawi ng hininga at ang unang hinanap ng mata ko ay si Ian. But I didn't see him. Kumapit ako sa isang balsa na nasa gilid at palipat lipat ang tingin ko sa bawat sulok ngunit wala akong nakitang senyales kung nasaan si Ian.

Nagsimula na akong magpanic. Nagsimula nang lumamig ang akin kalamnam hindi dahil sa tubig kundi dahil sa nerbyos at alala. I keep pushing all the possible negatives thoughts. But I can't help it. What if I will lost him? No.

Nangbiglang lumitaw si Ian sa likod ko. He's smiling but it automatically fade away when he saw my face. Agad niya akong nilapitan.

"What..what happen?" Nauutal niyang sambit. Haluhalo ang emosyon ang nakikita ko sa mata niya ngunit nangingibabaw ang pag alala.

Hindi ko mapigilan ang aking sarili. I burst out. Ang mainit kong mga luha ay humalo sa malamig na tubig ng Tinago. Agad niya akong niyakap. Ang kaninang nararamdaman kong lamig ay unti unting itong nawawala dahil sa dala ng init ng kanyang katawan. God knows, he's topless and I'm only wearing two piece bikini.

"Pinag..." Nilunok ko ang nagbabara saaking lalamunan.

"..alala mo ko" I continued.

Humiwalay siya mula sa pagkakayakap. Pinahiran niya ang aking mga luha.

"Why are you always like this?" Tanong ni Ian saakin. Hindi ko makuha kung ano ang gusto niyang iparating.

"Nice.." Bulong niya. Ikinulong niya ako sa mga bisig niya. Ang kanyang dalawang kamay ay nasa balsa.

Isang pulgada nalang ang lapit ng aming mga labi. I bit my lips. He's freaking hot. Ang kanyang mga mata ay nakatitig saaking mga labi.

"Can I kiss you right now, right here?" Nalula ako dahil sinundan ko ang bawat galaw ng kanyang mga labi.

"I love you Nice..." Bulong niya saakin mga tenga. Parang kung anong kuryente ang dumaloy mula saaking leeg papunta saaking likod. The water is so freaking cold but he's so freaking hot.

"Do you love me too?" Tanong niya. Tinignan ko ang kanyang mata. Iba't ibang emosyon ang nakikita ko dito. Frustration at punong puno ito ng pagsusumamo.

I kissed him. At first he didn't move but later on he kissed me back. It was soft and gentle. Akala moy para akong bagay na madaling mabasag kapag hindi maiingatan ng husto.

Pinalupot niya ang kanyang kamay sa beywang ko nasa ilalim ng tubig. Everything was surreal

"Ohmaygod!" Nakarinig ako nang sigaw mula sa malayo kaya agad akong humiwalay kay Ian.

Laking gulat ko nang namataan ko si Angelou na gulat na gulat sa nakikita. Hindi lamang siya nag iisa. Marami sila at lahat sila ay halos kakilala ko sa opisina. Lalong lalo nang magtapo ang mga mata namin ni James.

His glares are like blades, it could kill.

Aren't Yours ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon