Chapter 8 - Three years ago
Tanging ang mga yapak lang namin ang naririnig ko. Isang mahabang katahimikan ang namayani saamin habang lumalabas kami sa building. Niyakap ko ang sarili ko nang maramdaman ko ang simoy ng hangin nang makalabas na kami sa building. Ngunit nagulat nalang ako nang biglang ipinatong ni Sir James ang suit niya sa balikat ko. Napatingin ako sa kanya.
"You're cold" Sambit niya.
"I'm okay" At pilit na kukunin ang suit na nasa balikat ko.
"I insist" Saad niya at pinigilan ang mga kamay ko sa pagkuha sa suit na nasa balikat ko.
"Wala na masyadong taxi na dadaan...you want me to drive you home?" Tanong niya. Ang kanyang matang punong puno ng emosyon na nakatitig saakin.
"No, It's okay...." Napatigil ako sa pagsasalita nang tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko siya.
"Excuse me" Tanging tango lang ang sinagot niya bagi ako tumalikod sa kanya.
"Hello?" Bungad ko sa kabilang linya.
"Are you done? Where are you?" Tanong ni Ian sa kabilang linya.
"Yes. Hmm...in front of main building" Sagot ko.
"Okay, I'll be there. Wait for me" Saad niya.
"Wait..Are you gonna fetch me?" Tanong ko sa kabilang linya.
"Of course my lady" Sagot niya. Hindi ko mapigilang hindi mapangisi. My lady ka diyan.
"Alright. I'll wait for you" Sagot ko. Bago ibinaba ang cellphone ko. Hinarap ko si Sir James na ngayon ay nakaigting na ang kanyang panga at madilim na ang kanyang mga mata.
"Who's that?" May diin niyang tanong. Kumunot naman ang noo ko.
"My boyfriend" Sagot ko. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagkuyom ng kanyang kamao. Umigting ang kanyang panga.
"Really?" Hindi niya makapiniwalang tanong saakin. Mas lalong kumunot ang noo ko.
"Yes" Sagot ko sa kanyang tanong.
"Are you kidding me Ind..." Napatol ang sasabihin niya nang may tumawag sa pangalan ko.
"Nice" Sabay kaming napalingon sa pinanggagalingan ng boses na iyon.
Nakita ko ang mga malalaking hakbang na ginawa ni Ian papunta saakin. Agad niyang hinablot ang kamay ko papalayo kay Sir James.
"Ian" Bulong ko habang tinitingala siya na ngayon ay matalim na nakatingin sa lalaking nasa harap namin.
"And what do you think you are doing Glem!" Kalmado ngunit may diin ang bawat pagkakabigkas ng mga salitang lumalabas kay Sir James.
"It's none of your business" Madiin ding sagot ni Ian. Naramdaman ko ang pagkakahigpit ng hawak ni Ian sa kamay ko. Nahagip ng mata ko ang pagsulyap ni Sir James sa mga kamay naming na magkahawak at nakita ko ang pag igting ng kanyang mga panga.
"None of my fucking business? Are fucking kidding me right now Glem? Why did you fucking hide her and why she didn't fucking remember me?" Malulutong na mura ang lumabas sa bibig ni Sir James. Ngayon ko lang siya nakita na ganito ka galit. Humigpit lalo ang pagkakahawak ni Ian sa kamay ko.
"You really don't have fucking idea Glem! Kung gaano kami nag alala, kung gaano kami halos mabaliw sa kakahanap sa kanya. 3 fucking years Glem! 3 fucking years na halos mawalan na kami nang pag asang mahanap muli siya. At nandito lang pala siya! Kasama mo? What the fuck, Man! Kahit sa magulang lang niya! Kahit sa magulang lang niya na muntik nang mag agaw buhay sa kakahanap sa kanya!" Galit na galit na sigaw ni Sir James. Ang malamig na simoy ng hangin ang bumalot sa buong pagkatao ko. Hindi ko alam ngunit nang lamig ako. Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari. Nagugulohan ako.
"It just happened..." Napatili ako nang sinunggaban ng suntok ni Sir James si Ian. Nasa ibabaw siya ni Ian at pinagsusuntok niya ito sa mukha.
"Tama na!" Sigaw ko ngunit parang walang narinig ang dalawa. Nang makabawi ay sinuntok ni Ian si Sir James. Ngayon ay siya naman ang pumaibabaw at pinagsusuntok niya si Sir James.
"Tama na! Ano ba! Ian! Itigil mo na yan! Tama na!" Sigaw ko habang inaawat si Ian. Hinila ko ang damit niya halos tumilapon ako nang masagi ako ni James sa kakasuntok ni kay Ian.
Napatigil lamang sila at akmang tutulongan ko. Ngunit pareho ko silang pinigilan.
"Ano bang nangyayari sa inyo ha!" Sigaw ko. Akmang tutulongan na sana ako ni Ian na tumayo ngunit pinigilan ko siya.
"Sabi ko naman di ba? Tama na! Ano ba dun ang hindi niyo maintindihan?" Sigaw ko nang makatayo na ko. Paika akong bumaba sa hagdan at akmang tutulongan na sana ako ni Sir James ngunit nilagpasan ko siya pati na rin ang kotse ni Ian.
"Where are you going?" Sigaw ni Ian.
"Uuwi! Kung gusto niyong magpatayan! Please lang! Huwag sa harap ko" Sigaw ko. Maswerte nalang ako at may dumaan na taxi at sumakay ako.
Nang tuluyan na akong makapasok ay mariin kong pinikit ang mga mata ko.
Kahit sa magulang lang niya na muntik nang mag agaw buhay sa kakahanap sa kanya!
Hindi ko alam ngunit nakaramdam ako nang kirot nang maalala ko 'yun. Hindi ko mapigilang hindi mapaluha. Tatlong taon na lumipas nang mapagdesisyonan kong magpanggap na walang maaalala. Tatlong taon kong pilit na ibinabaon ang masalimuot kong nakaraan. Tatlong taon akong nagpanggap sa katauhan hindi ako upang maikubli ang mga sugat at sakit na nakaukit sa tunay kung pagkatao. Akala ko sa pamamagitan ng pagpapanggap ay malilimutan ko ang sakit. Mga sakit na pilit kong itago.
Nang araw na muli kong inimulat ang aking mga mata nung na aksidente ako ay hiniling ko nasa na wala talaga akong maalala. Na sana tuluyan ng mabura ang mga masasakit na alala ko sa nakaraan. Ngunit hindi pala. Malinaw pa rin hanggang ngayon ang mga nangyari noong nakalipas ng tatlong taon. Ang araw ng kasal, nang malaman ko ang tungkol kay James at Scarlet. At ang pagtakbo ko sa simbahan hanggang sa maaksidente ako. Malinaw pa rin sa utak ko na parang kahapon lang ito nangyari. Malinaw pa rin sa pagkatao ko na ako si Isha Denise Abigail Yna Ford.
BINABASA MO ANG
Aren't Yours ( Completed )
Любовные романы[ Formely: Back Off Inday is Mine ] Isha Nice Denise Abigail Yna Ford. The one who gets everything under her control, but not her engagement with some jerk in his calvin klein brief. She will do everything at any cost to put him underneath. But th...