B2: Chapter 7

1.7K 45 1
                                        

Chapter 7 - Long time ago

Hinalamos ko ang malamig na tubig sa mukha. Maintim kong tinitigan ang repleksyon ko. Maliliit na butil ng tubig ang tumulo mula sa buhok at mukha ko na nabasa. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Naalala ko ang nangyari kanina, ang pag iyak ng boss ko sa harap ko at sa mga salita na kanyang binitawan na nagpapabigay saakin na kakaibang dulot. Mariin kong pinikit ko ang mga mata ko.

Isa lang ang sigurado ko, na kilala ni Sir James at nung Messy ang buong pagkatao ko. Hindi ko alam kong matutuwa ba ako o matatakot. Ayaw ko pang balikan muli ang nakaraan ko. Hindi ko pa kayang harapin ang masalimuot na pagkatao ko. Kontento na ako kung anong meron ako ngayon. Natatakot akong mawala ang saya na nararanasan ko ngayon.

Kinalma ko ang sarili ko at nagsimula na na akong mag ayos upang maging presentable ako sa harap ng tao. Lumabas ako sa comfort room at nagtungo sa table na nakalaan para saakin.

Umupo ako at nagsimulang mag ayos ng papeles at dokumentong nakalatag sa lamesa ko. Napansin kong lumapit ang isang medyo petite na babae sa tabi ng lamesa ko.

"It is your first time to work? I heard you are fresh graduated." Saad niya saakin.

"Yes po" Sagot ko. Ngumiti siya at nilahad niya ang kanyang kamay.

"Don't 'po me. Magkaedad lang tayo. I'm Angelou, and you are?" Tanong niya.

"I'm Nice" Sagot ko at tinanggap ang kamay niya.

"Nice to meet you, Nice" Bahagya siyang tumawa.

"You have a nice name, Nice" Dagdag niya pa. Bahagya naman akong ngumisi.

"Let's work together okay?" Sabi niya at ningitian niya muli ako. Sinundan ko ng tingin ang umaalon niyang buhok at balingkinitang katawan.

Nagsimula na akong magtrabaho ng biglang tumunog ang cellphone kaya palihim ko iyong sinagot

"Napatawag ka?" Tanong ko sa kabilang linya.

"How's your first day?" Tanong ni Ian.

"Good but nasa kalagitnaan ako ng trabaho ngayon eh. I'll call later nalang" Saad ko.

"No Nice, I will call later" Sambit niya. Kaya palihim akong napangiti.

"Ikaw bahala" Sambit ko at binaba ang cellphone. Halos nagulat nalang ako nang makita ko ang sekretarya ni Sir James na nakataas ng kilay nakatingin saakin.

"What are you doing, Ms. Velasco? Flirting while working?" Mataray niyang pagsasalita.

"Sorry po" Sagot ngunit ibinagsak niya lamang ang isang folder sa lamesa ko.

"Make a design for every specific room na nakalagay diyan. We need it on friday, kaya huwag puro landi ang inaatupag mo" Saad niya at iniwan niya ako. Napabutong hininga lamang ako habang binubuklat ang folder. Kaya mo 'yan Nice.

"Nice, mauna na kami ha?" Napitlag ako nang tawagin ako ni Angelou.

"Sige, susunod na ako. Tatapos ko lang muna 'to" Sagot ko saka ngumiti.

"Sige" Sagot niya saka umalis na. Napabutong hininga naman ako. Hindi pa ako nangangalahati sa ginagawa kong design. Napatingin ako sa relo ko at napagtanto na quarter to 9PM na. Hindi pa ako nagdinner dahil hindi ko maiwan ang trabaho ko.

"Are you still here?" Halos mapatili ako nang makarinig ako ng boses. Napatingin ako kay Sir James na wala nang suott na suit at tanging polo shirt nalang na nakatupi hanggang braso.

"Hindi ko pa kasi natatapos eh" Saad ko.

"Hindi ka pa kumain?" Kunot noong tanong niya ngunit tangin iling lang ang naging sagot ko.

"Get up! Kakain muna tayo" Utos niya.

"Tataposin ko lang muna 'to Sir. Maumuwi nalang po kayo" Suhestyon ko.

"No, kakain tayo. Hayaan lang muna 'yan." Sabi niya.

"Pero..."

"What do you want to eat?" Tanong niya.

"Ahmm....Jollibee?" Nahihiya kong sambit. Ngunit nakita ko ngisi niya bago dinampot ang cellphone niya at inilagay sa tenga niya. Habang nag oorder siya ay kinagagat niya ang lower lip niya na para bang pinipigilan niyang ngumisi.

Agaran ko namang sinave ang files saka pinatay ang laptop at computer na nasa harap ko.

"Let's eat in my office" Saad niya saka naglakad pabalik sa opisina niya. Kinuha ko naman ang mga gamit ko at agaran sinundan ni Sir James.

Nang makarating na ang order niya ay agad niya itong binayaran. Nahihiya tuloy ako.

"Eat" Sambit niya.

"Kayo po?" Tanong ko nang mapansin hindi siya kumakain.

"Nah...I'm still full" Saad niya. Tumango lang ako. Hindi naman ako naging kumportable dahil tinitignan niya habang kumakain.

"Did I make you uncomfortable?" Tanong niya. Awkward naman akong ngumiti.

"Medyo" Sambit ko. Narinig ko ang pagtawa niya bahagya.

"Damn... I missed this" Narinig kong bulong niya. Itinaas ko ang tingin ko sa kanya.

"What do you mean?" Kunot noo kong taong sa kanya.

"Nothing" He said while biting his lower lip. Nag iwas ako ng tingin at ibinaling ang atensyon ko sa pagkain.

"Magkwento ka naman oh" Napatingin ako sa kay Sir James.

"My life?" Tanong ko muli sa kanya. Tumango naman siya.

"Oo kahit ano" Saad niya.

"Well...my life is simply plain and boring. It's not even interesting. Ikaw nalang, tell me about your life...or your lovelife. If you don't mind." Saad ko sa kanya.

"Hmm...So I met this girl when were on highschool. She had a bad tempered and very stubborn. She cursed a lot at lagi niyang pinipilosopohan kahit sinong tao na nakakasalimuha niya. Wala siyang inuurongan kahit ang liit niyang tao." Huminto siya. Ngumisi siya habang inaalala niya ang tungkol sa babae iyon.

"She might look like heartless but I tell you. She have a good heart. She cared for her family and the people around her. She might failed to expressed it but she really cared. That's why I love her and I always do..." Kwento niya habang tinitignan niya ako sa mata na para bang hinihigop ng mga matang iyon ang buong pagkatao ko.

"But I also failed to protect her. I hurt her. I gave her a pain. I hurt my girl..." Ang kanyang mata ay punong puno ng emosyon. Iba't ibang emosyon na hindi ko mabasaha.

"And she left me...I know I deserved this for being such a jerk. But I regret everything I did to her." Ang kanyang mata na punong puno ng pagsusumamo at kalungkotan ang bumabalot sa buong pagkatao niya.

"And I want her back...I want my girl back. I still love her and I always do...but I didn't know if she still love me. I didn't know if I lost her..." Ang kanyang mga mata na direktang nakakatutok saakin ay nagpabigay saakin kakaibang pakiramdam.

"Maybe...you lost her long time ago...Sir" Sambit ko sa kanya.

Aren't Yours ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon