Chapter 7 - Married
Kainis. Kainis talaga! Nakakarindi talaga sa bahay. Lagi nalang akong inaasar 'dun. Eh kasi daw, dapat tanggapin ko na 'yun alok nila Mommy. Ayaw ko nga! Kung gusto nila sila ang magpakasal 'dun sa James na'yun. Na e-stress tuloy ang beauty ko. Kaya nagpunta ako dito sa para makapagrelax.
Nakaupo ako ngayon sa bench dito sa park habang nakatingala sa langit. Hay Napakumplikado naman ng buhay ko. Naalala ko dati 'nun bata pa ako naniniwala ako sa may happy ending, na may prince charming. Na sana dadating 'yung prince charming ko sa mga oras na kinakailangan ko siya. At mamahalin niya ako habang buhay pero wala eh. Ni anino ni prince charming di ko nakita. Umasa ako na sana may happy ending pero siguro nga sa mga fairytales at sa once upon a time lang 'yun mangyayari at hindi sa realidad ng buhay.
Napatigil ako sa pagmumuni nang may humila sa laylayan ng damit ko kaya napatingin ako sa batang lalaki nasa tabi ko.
"You look sad? Why?" Tanong niya. Ang cute niya.
"Na saan Mama mo?" Tanong ko at kinurot ang pisnge niyang matambok. Ang cute lang namumula pa siya.
"I'm with my nanny but I told her to buy me some ice cream, so I'm alone. You, what are you doing here?" Tanong ng bata sakin. Wait! Kaloka naman 'tong batang 'to.
"I'm here because I'm here" Sagot ko na tumawa sa sarili kong joke. Kumunot naman ang noo niya hindi yata niya gets. Ako nga din eh di ko gets sarili ko. Pero bigla siyang ngumiti.
"You're so beautiful" Sabi niya habang tinitignan niya ako. Asus, Alam ko na'yun no dati pa. Harhar Inday! Harhar.
"Thank you" Hihihi kinkilig ako swear. Pag lumaki 'tong bata na'to lalaki 'tong gwapo at hot.
"You're blushing " Tumawa siya sabay turo saakin. Kinurot ko ang pisnge niya. Ang cute. Siguro pag lumaki 'to marami tung babaeng papaiyakin."You're so cutie cute cute" Sabi ko saka ngumiti ulit ng malapad. Ang cute talaga niya. Umupo siya sa tabi ko at tinulungan ko siyang umakyat. Nang makaupo na siya ay nagsalita siya.
"I'm searching for a girl that I will be marry" Tumingin siya sakin saka nagwink. Lumaki naman ang mata ko sa ginawa niya. Ang gwapo talaga ng bata na'to. Sino kaya magulang nito?
"And I think I found her" Dagdag niya. Nacurious naman ako sa pinagsasabi ng cute na batang ito.
"Sino? Saan siya?" Tanong ko. Tumingin ulit siya sakin at ngumiti. Grabi ang cute talaga ng batang ito. Sarap e take home ang cute talaga.
Bigla naman siyang bumaba tsaka bigla siyang lumuhod sa harap ko. Nanglaki naman ang mata ko at napatayo dahil sa ginawa niya.
"Miss beautiful, Will you marry me?" Tanong niya sakin. Nagpigil naman ako ng tawa dahil ayoko siyang mapahiya. Kitang kita ko pang namumula siya. Ay grabi ang cute nang batang ito.
"Ikaw talaga tumayo ka nga diyan" Sabi ko at pinatayo ko siya. Ako naman 'yung umupo para magka level kami.
"Ano ba kasi ang trip mo sa buhay?" Tanong ko sa kanya habang di pa din maalis sa mukha ko ang ngiti. Ang cute niya talaga. Nakita ko naman siyang namula. HAHAHA.
"Umm.. My big brother will gonna have a wife soon, so I also want too" Sabi niya. Habang namumula ang cute niya talaga. Tutal pinasaya naman niya ako tutal hindi naman ako lugi ang cute cute niya kaya.
"Alright" Sabi ko kaya nangningning ang kanyang mata. Ang cute.
"Yehey! But the way wifey I'm Ethaniel your hubby" Sabi ni Ethanila saka nag wink. Hahaha. Omygosh naniniwala na ako na sobrang ganda ko na.
"I'm Isha. Nice meeting you my little hubby" Sabi ko at kinurot ko ulit pisnge niya. Di ko mapigilang di mang gigil. Ayaw ko naman sabihing Inday ang palayaw ko kasi baka maturn off ang little hubby ko.
"Ethaniel! Kanina pa kita hinahanap. Saan ka ba nag susuot bata ka?" Tanong nung babae na may uniporme ng katulong. Tumingin naman 'yung babae sakin.
"Nako ma'am kinulit ba kayo ni Ethaniel?" Tanong niya sakin.
"Hindi naman po" Sagot ko saka ngumiti.
"Ah sige alis na po kami ma'am pasensya po" Saad nung babae
"Naku okey lang po" Sagot ko naman.
"Bye wifey! See you soon" Pahabol ni Ethaniel saka kinindatan ulit ako.
Nakong batang 'to saan kaya 'to natuto?
Tumunog ang cellphone ko.
"Hello?" Bungad ko.
"Hello Inday, Si Mommy..." Bungad ni Cassey sa kabilang linya.
"Ha? anong nangyari kay Mommy?" Tanong ko
"Si Mommy nasa hospital. Pumunta ka dito dali!" Sabi ni Cassey habang humahagulhol.
Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko ngayon. Anong nangyayari?
---
EDITED
![](https://img.wattpad.com/cover/5714545-288-k944151.jpg)
BINABASA MO ANG
Aren't Yours ( Completed )
Romansa[ Formely: Back Off Inday is Mine ] Isha Nice Denise Abigail Yna Ford. The one who gets everything under her control, but not her engagement with some jerk in his calvin klein brief. She will do everything at any cost to put him underneath. But th...