B2: Chapter 9

1.7K 40 1
                                        

Chapter 9 - Deserved

Ang malamig ng simoy nang hangin ang tumatama sa mukha ko. Ang mga buhangin na dumidikit sa paa ko sa twing humakbang ako. Nagsimula nang magbukang liwayway hindi mapigilang hindi mamangha sa gandang dulot nito. Niyakap ko ang sarili ko nang magsimula nang bumalot sa buong pagkatao ko ang lamig.

"Magandang umaga Nice" Bati ni Aling Rose nang makasulubong kami.

"Maganda umaga po Aling Rose" Bati ko.

"Kay aga mo ata?" Tanong niya.

"Oo nga po eh" Sagot ko habang napakamot sa ulo. Napansin ko ang dala dala niyang basket.

"Mamamalengke po kayo?" Tanong ko.

"Oo iha. Teka tulog pa ba si Ian?" Tanong niya muli. Ang bahay kasi nila Ian ay malapit lang ito sa dagat at ilang lakad lang ang distansya nito sa kalsada. Maganda ang bahay ni Ian na may dalawang palapag. Yari ito sa semento habang ang pandekorasyon ay may halong kahoy. Tanging mga halaman lamang ang nagsisilbing bakuran nito. May kaonting palaisdaan si Ian na minana niya pa sa mag asawang umampon sa kanya. Kaya halos lahat ng tao dito ay kakilala ko at lahat sila ay puro mabubuti. Hindi ko nga aakalain na ganito pala makisalamuha ang mga tao tao dito. Malayong malayo sa lugar na kinagisnan ko.

"Opo eh" Ngiti kong sagot.

"Sige Iha ha? Mauna na ako" Pagpapaalam ni Aling Rose. Nagpatuloy ako sa paglalakad nang namataan ko ang dalawang bangka na sakay ang mga kakilala ko.

"Magandang umaga Nice!" Sigaw nila na halos hindi marinig dahil sa alon na tumatama sa paa ko. Kinawayan ko sila.

"Magandang umaga din po!" Sigaw ko. Kumaway sila pabalik bago ipinagpatuloy ang kanilang pangingisda.

"Nice!" Napalingon ako sa lalaking tumatakbo papalit saakin.

"Akala ko umalis ka!" Hingal niyang salita.

"At bakit naman ako aalis?" Tanong ko kay Ian.

"Akala ko galit ka pa" Saad niya. Magulo ang kanyang buhok na halatang halata na bago pa binunot sa kama.

"Galit pa ako Ian!" Sambit ko at pinagtaasan siya nang kilay.

"I'm sorry okay? At tsaka siya naunang sumuntok Nice! Gumanti lang ako" Parang bata siyang magsusumbong. Sa tatlong taon kong pagpapanggap ay hindi ko maiwasang hindi mapalapit kay Ian. He's a good person.

"Kahit na, you should atleast stay calm" Saad ko.

"I can't stay calm Nice. Lalong lalo pag ikaw ang pinag uusapan" He said. He's sincere since day one. Kaya napalapit ang loob ko sa kanya. Maintim ko siyang tinitigan. He's so cute dahil namumula ang kanyang mga tenga.

"Okay, I'm sorry..." Pagsuko niya.

"It's not even your fault..." Saad ko. Nagsimula na akong maglakad pabalik sa bahay.
Nilingon ko siya na hanggang ngayon ay hindi parin kumikilos. Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Diyan ka lang?" Tanong ko sa kanya. Ngunit sumilay lamang ngiti sa kanyang labi at malalaking hakbang ang ginawa niya palapit saakin. Ipinatong niya ang braso niya sa balikat ko at ginulo ang buhok ko. Agad ko naman siyang tinulak ngunit tanging mumunting tawa lang ang narinig ko.

"Cook for me" Saad niya habang naglakakad kami pabalik.

"Ano ako? Maid mo?" Angil ko sa kanya.

"Hindi ah. Asawa kita" Ngisi niya. Sinapak ko naman siya.

"In your dreams. Pakasalan mo muna ako" Sigaw ko habang tumatakbo palapit sa pinto. Narinig ko naman ang pagtawa niya mula sa likod.

"Diba ang told you to quit that job?" Sambit ni Ian habang inaayos ang necktie niya. Agad ko naman siyang nilapitan at ako mismo ang gumawa nun para sa kanya.

"Trabaho ko 'to Ian. Tsaka bakit mo ba ako pinareresign ha" Tanong ko sa kanya.

"I don't like your boss. Kita mo naman kong anong ginawa niya saakin di ba?" Tanong niya. Tinignan ko siya pagkatapos kong ayosin ang necktie niya.

"Please naman Ian! Trabaho ko 'to! Hayaan mo muna ako. I can handle it" Saad ko.

"Okay pero susunduin kita pagkatapos ng off mo." Suhestyon niya.

"Do everything you want, but I'll never quit. Okay?" Tanong ko sa kanya. Pumayag naman siya saka umalis. Nagtungo na din ako sa opisina ko.

"Good morning Nice" Bati saakin ni Angelou.

"Good morning din" Bati ko pabalik.

"Let's have lunch together later okay?" Alok niya.

"Sure" Maligaya kong sagot.

Umaayos naman kami nang dumating ang sekretarya ni James. Akala mo naman maganda!

"Wow! Bilib din ako saiyo ha! Nung una kalandian inaatupag mo, ngayon naman daldalan?" Puno nang sarkastikong salita ang lumabas sa bibig niya. Kung hindi lang talaga ako makapagtimpi. Matagal na talaga 'yan matatamaan saakin.

"Sorry po" Sambit ko. I gritted my teeth. She rolled her eyes on me. Akala mo naman bagay sa kanya.

"Here! Sir Montgomery want you to design the VIP room. He said, he need it on friday." Sambit niya at ibinigay saakin ang isa pang folder na naglalaman ng details ng kwarto. Tinanggap ko naman iyon.

"Okay po" Saad ko. Hindi na siya sumagot sa halip inirapan niya ako. Buti napigilan ko ang sarili kong tusokin ang mata niya nang ballpen.

Dumating ang oras ng lunch kaya inaayos ko ang mga gamit ko. Napatigil nalang ako nang mapasin ko ang isang babaeng nakatayo gilid ng lamesa ko. Inangat ko ang tingin ko at nagtama ang mga mata namin ni Messy. Tinaas niya ang kilay niya habang nakatingin saakin. Ano na naman ba ang problema nito?

"Can we talk?" Panimula niya. Napatingin ako kay Angelou at sinenyasan niya na okay lang daw sa kanya.

"Okay" Saad ko.

Nandito kami ni Messy sa Latinos. Nakaupo kami pareho at wala ni isa ang magsalita.

"Hindi na ako magpapaligoy pa Inday" Sambit niya. Hinintay ko ang karugtong niya.

"I don't know why are you putting this act. Oh come on! I know you're just pretending for holy cow's sake!" Her stares directed to me.

"Surprised bitch? You're face was priceless the first time you saw me...You should atleast put some extra effort Inday" Sambit niya. Ngumiti lamang ako.

"So what's your point?" Tanong ko habang kinuha ko ang wine na nasa harap namin upang inumin.

"Your mother is unhealthy" Sambit niya. Tumaas ang kilay ko.

"Are they putting a show again?" Hindi ko makapaniwalang tanong.

"Are you fucking deaf? Your mother is unhealthy." Sigaw ni Messy saakin.

"Then?" Tanong ko sa kanya. Marahas siyang bumuga ng hininga.

"Can you hear your fucking self, Inday?" Sigaw ni Messy. Nakakuha na kami ng mga atensyon ngunit hindi namin iyon pinansin

"Of course. I mean, may bago pa bang kasinungalingan maliban diyan? That looks more deceiving. Para naman kahit papaano kapakapaniwala..." Natigil nalang ako sa pagsasalita nang maramdaman ko ang malamig na tubig saakin mukha. Napatingin ako ako kay Messy na galit na galit na.

"Bitch, if I could even slap you right now! I will be glad to do that! Pero alam ko na wala akong karapatan sampalin ka. Yes! You were hurt, you were fucking devastated to point you fucking pretend that you didn't remember anything! But you should atleast reconsider the feelings of the people around you. Hindi lang ikaw nasaktan, hindi lang ikaw halos mamatay dahil sa sakit, hindi lang ikaw ang iniwan dahil ikaw mismo ang nang iwan." Namumula ang kanyang mata ngunit walang ni isang luha ang tumulo sa kanyang mga mata niya. Umayos siya ng tayo at kinuha ang bag niya.

"I shouldn't be acting like this because we were just nothing but an enemies. But I felt sorry towards you...then I just realized you deserved all this bullshit" Sambit niya bago niya ako iniwang magisang nakaupo.

Aren't Yours ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon