Nakangiting naglakad habang magkahaway kamay kami ni James. Hindi ko inaakalang sa tanan buhay ko ay magiging ganito ako sa kasaya. Hindi ko inakala na si James the great lang pala ang makapagpasaya sakin ng ganito.
Pinagtitinginan pa kami ng tao dahil nun unang dumating kami dito ay hindi kami ganito ka sweet. May nakita pa akong babaeng nakatingin samin habang nakataas ang kilay bumulong siya sa kasama niya at ang talim ng tingin nila sakin.
Ngumiti naman ako sa kanila at itinaas ko ang kamay naming nagkaholding hands. Umirap yung dalawa at bumaling ng tingin sa ibang direksyon.
“What was that?” Tanong niya saakin habang matawa tawa.
“Nothing gusto ko lang malaman nila na you are mine. Only mine. Off limits, okay?” Sabi ko na ikinangisi niya. Sus lumaki naman ang ego.
“My honey is so possessives yet so sweet” Sabi niya at pinisil ang palad ko.
“ I know right! Kaya subukang mong lumandi at makikita mo ang hinahanap mo!” Banta ko sa kanya. Kinurot niya naman ang pisnge ko.
“Ano ba!” Angal ko.
“Pano ba yan, Nakita ko na ang matagal ko nang hinahanap at nasa harap ko na siya” Sabi niya at ngumisi ako.
“Bolero” Sabi ko at siniko ko siya pero mahina lang.
“Di ah! Totoo yun no!” Sabi niya kaya agad akong napangiti. Habang naglalakad kami ay bigla siyang huminto kaya napatingin ako sa kanya.
Bigla niyang hinawakan ang pisnge ko sa magkabilang kamay niya at bigla niya akong hinalikan pero pandalian lang yun. Ngumisi siya sa harap ko habang ako ay namumula na parang kamatis.
“Hindi ko gusto ang mga tingin ng ibang lalaki sayo honey. Damn... you’re showing too much skin. I’m not jealous. Hell no! I’m just territorial. Because jealous is when you want something that’s not yours. Territorial is protecting what’s already yours.” Sabi niya! What the hell James! Bakit mo ko pinakikilig ng ganito? Omg I need air.
Bigla niya akong hinila at nagulat ako ng pumulopot ang braso niya sa beywang ko. Naramdaman ko ang kamay niya na nasa beywang ko na namamahinga. Eh kinikilig ako! Pake niyo ba? Damn you James the great!
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang may nakita kaming isang duyan na nakatali sa magkabilang puno ng buko. Malayo layo ito sa resort kaya walang masyadong tao. Agad akong tumakbo papunta dun.
Agad akong umupo dun at idinuyan. Nakita ko ang papalapit na gwapong James saakin.

BINABASA MO ANG
Aren't Yours ( Completed )
Romans[ Formely: Back Off Inday is Mine ] Isha Nice Denise Abigail Yna Ford. The one who gets everything under her control, but not her engagement with some jerk in his calvin klein brief. She will do everything at any cost to put him underneath. But th...