Bigat na bigat ako sa dala kog bag pero nagulat nalang ako nang biglang kinuha ni James ang dala ko.
“Ako na” Sabi niya.
“Hindi bagay sayo gentleman no!” Asar ko sa kanya habang sinusundan ko siya. Mag aunderwater adventure kami ngayon ni James dahil huling araw nato ng bakasyon naming at babalik na kami bukas ng umaga sa Manila.
“Gentleman kaya ako” Angil niya naman. Ang gwapo gwapo niya talaga. Oo na aaminin ko na ang hot ng James na ‘to.
“Kailan pa?” Asar ko sa kanya.
“Simula nang makilala kita” Sabi niya saka kinindatan ako. Kainis! Kinikilig ako bakit ba!
“Naks! Manahimik ka nga! “ Sabi ko saka umiwas ng tingin. Kainis bat ang hot niya?
“Oy kinikilig” Sabi niya habang sinusundot ang tagiliran ko.
“Asa!” Sabi ko saka mabilis na naglakad papunta sa bangkang nirentahan namin.
“Honey my loves! Wait” Rinig kong sabi niya. Hindi ko na siya pinansin sa halip ay umupo ako. Umakyat na din siya sa upoan.
“Honey bakit mo ako iniwan?”Tanong niya saakin parang bata. May gana pang ngumuso. Leche bat ang cute ng James na ‘to? Kainis. Bumaling ako sa ibang direksyon kung saan ko nakita ang ganda ng palagid.
“Honey”Bulong niya kaya napatingin ako sa direksyon niya pero laking gulat ko nang bigla niya akong hinalikan sa pisnge. Narinig ko ang pagtikhim ng bangkero. Kainis ayaw ko pa naman ang PDA. Nakita ko ang pangisi niya. Kaya agad ko siyang kinurot.
“What?” Matawa tawang tanong niya saakin.
“What what ka pa dyan! Tsansing ka na ah!” Sabi ko sa kanya at nilakihan ko ng mata. Nakita ko rin kung paano siya nag pigil ng tawa. Kainis!
“Ang sungit mo talaga hon” bulong niya saakin at agad niya pinalupot ang kamay niya sa beywang ko. Agad nang hina ang tuhod ko dahil sa yakap niya. Kung nakatayo siguro ako ay baka matumba na ako.
Ang malamig na simoy ng hangin ay nalalanghap naming. Ang saya ng ganito. Yung kumportable ka sa pag nandyan siya sa tabi mo. Ang bilis ng tibok ng puso ko talo pa ang hinabol ng kabayo dahil sa lakas na ‘to.
![](https://img.wattpad.com/cover/5714545-288-k944151.jpg)
BINABASA MO ANG
Aren't Yours ( Completed )
Romance[ Formely: Back Off Inday is Mine ] Isha Nice Denise Abigail Yna Ford. The one who gets everything under her control, but not her engagement with some jerk in his calvin klein brief. She will do everything at any cost to put him underneath. But th...