[ Trigger Warning ]
Chapter 1 - Blur
Isinara ko ang libro na binabasa ko. Napatingin ako sa repleksyon na nakaharap sa kama ko. Hinahawakan ko ang dulo ng maiksi kong buhok. Para na akong namumutla dahil sa kaputian ko. Ang mata ko na kulay abo ay malumanay nakatingin sa repleksyon ko.
Tumayo ako mula sa iniuupoan ko at humakbang palapit sa salamin. Ang kulay blue kong damit na hanggang tuhod ay nakalugay. Hinawakan ko ang repleksyon ko. Hindi ko mapigilang di mapaluha. Hindi ko kilala ang sarili ko. Narinig ko ang pagkatok sa mula sa pinto kaya agad kong pinahiran ang mga luha ko.
Pumasok ang isang estranghero sa kwarto ko. Hindi ko siya kilala o hindi ko siya matandaan. Mataman niya akong tinignan. Ang kanyang tsokolateng mata ay nakadirektang nakatama saakin. Humakbang siya saakin at umatras naman ako.
"I'm sorry" Ang katagang iyon ay nakakuha ng atensyon ko. Rumehistro ang lungkot sa kanya.
"I'm not your husband or a family that's related to you" Hindi ko mapagkakaila ang pagkagulat saakin mukha. Humakbang siya ulit upang makalapit saakin ngunit agaran akong umatras. Bumutong hininga siya nagpapahiwatig siya ng pagsuko.
Akmang tatalikod na sana siya ng magsalita ako.
"Sino ka? Kung hindi kita asawa, sino ka? Bakit...Bakit ka nagpakilala na asawa kita?" Hindi ko mapigilang di mapaiyak. Para akong tuta na walang may ari. Nanginginig ang kamay ko.
"Hindi mo ako kaano ano ngunit kilala mo ko. I'm Ian...Ian James Glem. We're somewhat...acquaintanced? I don't know if you considered me as a friend" Nagtama ang mata namin na puno ng sensiridad.
"Na saan tayo?" Tanong ko sa kanya na ikinagulat niya.
"We're somewhere in Mindanao...Iligan City. It's my hometown. I'm sorry if I brought you here. I don't have a choice" Nagtama ang mata namin. Bumubutong hininga ako. Kung totoo man ang kanya sinasabi ay wala na akong magagawa pa. Kailangan ko siya upang bumalik ang lahat ng alaala ko. I need to know myself. I need to find out who I am.
"Gusto ko sanang mapag isa." Sambit ko na agad niyang sinunod. Lumabas siya pintuan at naiwan niya akong mag isa. Umupo muli ako sa kama at tinigan ang sariling repleksyon. Napatingin din ako saakin pulso na hanggang ngayon ay napababalutan ng gauze bandage. Paano ko nagawang saktan ang sarili ko? Ganun na ba kahirap ang problema ko na nagawa kong saktan ang sarili ko?
Nakarinig ako nang mumunting alon na nagmumula sa labas ng aking bintana. Agad ko itong tinignan at nakita ko ang malinis na dagat.
Parang gumaan ang pakiramdam ko ng makita ko ang dagat. Agad akong umalis sa kwarto ko at lumabas.
Habang nakapaa ay nilakad ko ang distansya ng dagat mula dito. Hindi ko mapigilang di mapaiyak ng maramdaman ko ang buhangin sa paa ko, dumidikit ito sa akin paa sa twing humahakbang ako. Diretso nakatingin ang aking atensyon sa dagat na kulay asul na parang nang aakit at nagyayaya.
Tumama ang paa ko sa alon ng dagat. Hindi ako tumigil sa paglalakad kahit na nararamdaman ko na ang tubig ay nasa beywang ko. Hindi ko mapigilang mapahagulgol. Hindi ko alam kung saan galing ang sakit. Hindi ko alam kung bakit ang sakit sakit ng parte ng puso ko.
Ang asul na dagat ay lubusang napakaganda, ang mga alon na tumatama sa katawan ko, ang luha ko na humahalo sa maalat na tubig ng dagat. Nakarinig ako ng sigaw ngunit ang dagat ay napakaganda.
Inimulat ko ang aking mata ngunit bakit pakiramdam ko ang pinakasakit na nangyari sa buhay ko ay ang pagmulat ng mata ko at na malamang buhay pa ako.
Nakatingin ang aking mata sa ilaw nasa loob ng isang kwarto.
"Ano ba ang nangyari sayo? Why do you keep hurting yourself?" Narinig kong bulyaw ng isang boses lalaki sa gilid ko. Naramdaman ko lang ang basa kong damit at buhok ng makaramdamn ako ng lamig.
"In.." Napatigil siya sa kanyang sasabihin.
"Please...never do that again... you always made me worried." Narinig ko ang sabi niya. Lumingon ako sa kanya. Basang basa ang kanyang damit at tumutulo pa ang tubig galing sa buhok niya. His eyes are tired. Hindi ko mapigilang maawa. Why I keep hurting myself? Isang tanong na hinding hindi ko masagot.
"I know this is too much...but please be strong okay? Just keep holding on..."Hindi ko alam kung bakit sumasakit ang puso ko.
"I'm always here" Sambit niya ng nagpaluha saakin. Narinig ko ang pagsinghap niya.
"Why...Why are you crying again?" Alalang tanong niya saakin. I don't know why I am crying. I don't know why I keep on hurting myself.
The truth is, I don't even know who I am. Everything is blur. Everyone is blur even myself. But the one thing for sure is the pain. The pain that killing my heart slowly as possible.
Kahit ang lalaking nasa harap ko ay hindi ko maalala. I can't even recognize him. Isang estranghero na nagpakilala saakin na asawa niya ako ngunit ang totoo ay hindi pala. Anong motibo niya kung bakit ginagawa niya saakin 'to. Kung bakit niya ako gustong mabuhay. Kung bakit tinutulungan niya ako. Mga katanungan na hindi ko alam.
"Can you tell me about yourself?" Tanong ko sa kanya. Nagulat nanaman siya sa tanong ko, na parang lahat nalang ng lalabas sa bibig ko ay nagpapabigay gulat sa kanya.
"My life is a mess" Panimula niya. Nakatutok parin ako sa kanya. Nakita ko ang pagbabago ng expresyon niya.
"My parents both died when I was 7. I was totally devastated that time. Wala akong kamag anak na gustong umampon saakin. Naging pulubi ako, gumagalagala lang sa kalye. Nakikipag agawan sa mga tira tirang pagkain. May isang mag asawang umampon saakin. Dinala nila ako sa Amerika. Binihisan at pinaaral nila ako doon. Sila ang may ari ng bahay nato na ipinamana saakin ng sila'y pumanaw. Labis labis ang aking pasasalamat sa kanila" Kwento niya. Parang may pintuang nabuksan saakin isipan. Gumaan ang pakiramdam ko.
"Bakit mo ako kilala? Taga dito ba ako?" Muli kong tanong ng ikinagulat nanaman niya. What's with that face?
"No. Taga Maynila ka. Naging magkakilala lang tayo nang ang nobya ko ay kakilala mo. We had a conversation together." Sabi niya. Hindi ko maiwasang gumaan ang loob. Kahit papaano ay ramdam sinseridad niya.
"Wait, Did I see you smile?" Tanong niya na nagpapagulat saakin. Kumunot ang noo ko.
"Hindi kaya ako ngumiti!" Hindi ko maiwasang despensahan ang sarili ko.
"No! I really saw you smiled" Ngising sabi niya.
"Hindi kaya! You idiot" Galit na sabi ngunit di ko maiwasang di mapangiti ng makita ko ang gulat niyang mukha. His expression is priceless.
"You..you smiled for real" Gulantang niyang sabi.

BINABASA MO ANG
Aren't Yours ( Completed )
Lãng mạn[ Formely: Back Off Inday is Mine ] Isha Nice Denise Abigail Yna Ford. The one who gets everything under her control, but not her engagement with some jerk in his calvin klein brief. She will do everything at any cost to put him underneath. But th...