Chapter 5 - Inday
Agad ko siyang tinulak dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Nagtama ang mga mata namin at nakita ko ang pamumula ng kanyang mga mata.
"What..what are you doing?" Nagugulohan kong tanong sa kanya. Bumutong hininga siya.
"I'm sorry" Saad niya. Tumalikod siya saakin saka naglakad papalayo. Nakatingin ako sa kanyang malapad na likod habang siya naman ay nakatingin sa glass wall ng kanyang opisina.
"Makakalabas ka na." Saad niya kaya agad naman akong tumalikod. Nang makalabas na ako ay agad akong napahawak sa doorknob ng mahigpit. Hindi ko alam ngunit sumisikip ang dibdib ko. Paulit ulit kong naalala ko ang nangyari kanina.
Nagsimula na akong maglakad upang umuwi na. Tumunog ang cellphone ko at agad ko iyong sinagot.
"Hello" Bungad ko sa kabilang linya.
"Hi Nice! Kumusta ang interview?" Tanong ni Ian sa kabilang linya.
"Okay lang" Tugon ko at magsimula nang maglakad papalabas.
"Na saan ka ngayon?" Tanong niya.
"Papauwi na" Sagot ko.
Nang makalabas na ako sa building ay nahinto ako sa paglalakad upang maghanap ng taxi.
"Tumingin ka left side mo" Saad niya. Kumunot naman ang noo ko kaya napabalin ako dun. Nakita ko sa Ian habang nakasandal sa sasakyan niya habang nakatingin saakin na may cellphone pa sa kaliwang kamay niya.
Namilog ang mata ko dahil hindi ko inaasahan ang kanyang pag sundo saakin. Dahil may trabaho siya at isa pa ay busy siya sa mga oras nato.
Naglakad siya palapit saakin habang hindi siya bumibitiw ng tingin. Ngumisi siya at hindi ko mapigilang mapairap dahil mga pakulo niya. Nang makalapit na siya saakin ay mas lalong ngumisi siya at mas lalo kong naaninag ang dimple niya sa pisnge.
"Bakit ka nandito? Wala kang trabaho?" Tanong ko sa kanya.
"Meron" Saad niya. Kumonot naman ang noo ko.
"Then, Why are you here?" Tanong niya saakin.
"I just...want to see you?" Ngisi niya. Inikotan ko naman siya ng mata.
"Really Ian?" Tanong ko.
"Really" Saad niya saka hinawakan niya ang kamay ko.
"Are you hungry?" Tanong niya saakin habang hinihila niya ako papunta sa Hilux niya.
"Nope but let's buy Ice cream?" Saad ko. Pumasok kami sa sasakyan at nagsimula na siyang mag drive papunta sa The Strip.
Nang makarating na kami sa The Strip ay agad kaming naglakad papunta sa Ice Factory.
Nag order kami ng Ice cream at waffles.
"Ian?" Panimula ko.
"Bakit?" Tanong niya. Kumunot ang noo niya nang makita niya akong seryosong nakatingin sa kanya.
"Protect me from my old self" Saad ko. Hinawakan niya ang kamay ko.
"Naalala mo na ba kung sino ka?" Alalang tanong niya. Umiling ako at muli kong sinalubong ang alalang mata ni Ian.
"I just don't want to regain my memories again" Saad ko. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.
"Ian, ayaw ko nang masaktan muli. Ayaw ko nang pagdaan muli ang pinagdaan ko dati." Hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako. Agad namang pinahiran ni Ian ang mga luha ko.
"Shhh...hush" Bulong niya.
Nakatawag na ako nang pansin kaya kinalma ko ang sarili ko. Dumating ang order namin at agad kaming kumain.
"So kumusta ang interview mo?" Tanong niya saakin.
"Okay lang naman. Nasagot ko ang mga tanong niya" Saad ko nang maalala ko ang nangyari kanina.
Hinatid ako ni Ian sa bahay habang siya naman ay bumalik sa trabaho niya. Nakaupo ako sa sofa habang naghahanap ng mapapanood. Tumayo muna ako para kumuha ng makakain sa kusina. Ngunit naagaw ng pansin ko ang balita sa TV.
"Ang sikat na modelo at actress na si Scarlet Clitche ay ikakasal na sa isang CEO ng isang malaking kompanya. Magaganap ang bonggang kasalan sa susunod na araw...."
Nakarinig ako ng isang doorbell kaya agaran akong tumayo. Binuksan ko ang gate at tumambad saakin ang si Manang Fely ang taga laba namin dito.
"Magandang hapon po Manang" Bati ko.
"Nandyan ba si Ian, Iha?" Tanong niya saakin.
"Wala pa po eh, nasa trabaho pa po" Saad ko.
"Ganun ba? Sige balik nalang ako bukas" Sabi niya.
"Sige po, ingat po kayo" Sabi ko. Kumaway naman si Manang saka naglakad.
Nandumating na ang gabi. Habang nakaupo kami pareho ni Ian sa sofa ay bigla nalang may tumawag sa cellphone ko. Laking tuwa ko nang ibinalita saakin ang pagkakatanggap ko sa inaapplyan ng trabaho. Kaya kinabukasan ay excited ako sa unang araw ko sa trabaho.
Nang pumasok ako building ay may nakasabay akong isang babae na may porselana na kutis ay may mahabang buhok.
"Excuse me, Miss." Napatingin ako sa kanya. Nagtama ang mga mata namin. May medyo singkit ang kanyang mga mata at kulay itim ang kanyang mga mata. Biglang namilog ang kanyang mga mata nang makita niya ako.
"In...Inday?" Gulantang na tanong niya. Kumunot naman ang noo ko sa kanya.
"Inday, ikaw ba 'yan?" Sabi niya sabay hawak sa magkabilang braso ko. Humigpit ang hawak niya sa braso ko.
"Miss...teka Miss" Nagpumilit akong makawala sa pagkakahawak niya ngunit hindi niya ako binitawan.
"Inday ano ba! Ako 'to si Messy! Gaga ka!" Sigaw niya at nakita ko ang pamumula ng mata niya. Bigla nalang may humablot saakin kaya nakawala ako sa pagkakahawak niya.
Itinago ako ng isang lalaki sa likod niya. Nakita ko ang pagpupuyos sa galit nung babae habang tinitignan 'yung lalaking nagtago saakin sa likod niya.
"James! Alam mo 'to?" Nagpupuyos sa galit na sigaw nung babae.
"Messy hayaan mo muna siya" Mahinahong sambit nung CEO.
"Anong hayaan James? Gago ka? Tatlong taon! Tatlong taon nangulila ang mga magulang niya sa kanya sa pag aakalang..." Napatingin siya saakin.
Hindi ko maintidihan ang pinag uusapan nila. Kilala nila ako? Paano? Sino sila sa buhay ko?
"Inday, lumabas ka diyan!" Sigaw nung babae saakin at pilit na niya akong pinapaharap sa kanya.
"Nice" Napatingin naman ako 'dun sa lalaking nasa harap ko pati na 'rin yung babae na kanina pa galit na galit.
"Nice, Messy. Nice ang pangalan niya at hindi Inday" Mahinahong saad niya 'dun kay Messy.
BINABASA MO ANG
Aren't Yours ( Completed )
Romansa[ Formely: Back Off Inday is Mine ] Isha Nice Denise Abigail Yna Ford. The one who gets everything under her control, but not her engagement with some jerk in his calvin klein brief. She will do everything at any cost to put him underneath. But th...
